Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwento ni Carolina. Kapit lang guys! Ahahaha \(^-^)/ ❤
May mga bagay talaga na nasasabi natin kapag tayo'y nagagalit. Gusto man natin ito o hindi. Minsan nakakalimutan na nating isipin kung makakasakit ba tayo ng damdamin. Ang naiisip lang natin ay basta masabi natin ang gusto nating sabihin. Mahirap kasing kontrolin ito lalo na't nabubulagan na tayo ng masidhing galit na nararamdaman natin.
Kagaya nalang ng mga nasabi ko kay Aj kanina. Hindi ko naman gustong sabihin sa kanya ang mga yun. Nasaktan lang talaga ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kilala ang lalaking yun, pero inakusahan na agad niya ako na nakikipaglandian doon?
Alam ko rin naman kung anong pinupunto niya kanina. Kasalanan ko rin na dahil sinabihan nga naman niya ako na huwag nang sumama pero matigas ang ulo ko kaya kahit hindi ako sanay ay sumama parin ako.
Pero tama rin naman ako diba? Wala naman talaga siyang karapatan! Oo na't lagi siyang nandyan para sa akin at alam kong concern lang siya, pero may karapatan parin ako na piliin kung anong gusto ko.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kontra ito sa iniisip ko? Sinasabi talaga ng puso ko na mali ang ginawa ko. Kung hindi siya dumating ay baka kung ano nang ginawa nung lalaking yun sa akin. Imbis na magpasalamat ay sinampal ko pa siya. E sa nasaktan ako e! Pareho lang kaming nasakatan! Ahhh!! Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.
Nandito na ako sa room namin. Nakaupo lang ako sa kama habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam pero hindi talaga sila matigil sa pagtulo. Mabuti nalang at hindi dito matutulog ngayon si Jena. Ayaw kong usisain pa niya ako tungkol sa mga nangyare kanina.
Bakit ganito? Ang sakit talaga ng nararamdaman ko. Bakit nung nakita kong nasaktan si Aj sa mga sinabi ko ay nawala yung nararamdam kong galit at napalitan ng guilt? Mukhang dapat talaga na magsorry ako sa kanya. Pero paano kung galit pa siya? Paano kung hindi lang niya ako pansinin?
Napagdesisyunan ko na bukas ko nalang siya kakausapin. Papahupain ko nalang muna ang galit niya.
Nagising nalang ako kinabukasan na mahapdi ang mga mata. Tanghali na pala.Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako kagabi sa kakaiyak.
Dumiretso na ako na CR para maligo. Ito ang huling araw namin dito sa resort at mamayang gabi ay uuwi na kami. Napatingin ako sa itsura ko nang mapadaan ako sa salamin. Namumugto ang mga mata ko, shit! Bakit ba kasi iyak ako ng iyak kagabi!
Pagtapos maligo ay nagbihis na ako. Nakita ko yung itim na bikini na pinabaon sa akin ni mama. Nakakaloka talaga ang isang yun! Akala ko ba ay conservative siya? Wala rin naman akong choice dahil ito lang ang dala ko. SInuot ko na ito at pinatungan nalang ng short at sando.
Paglabas ko ay namataan ko na ang mga kaibigan ko na nagtatampisaw sa tubig. Parang hindi sila naginom kagabi ah? Ang aga magsigising!
Dumiretso muna ako sa resto nang kumulo ang tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain!
Pagpasok ko ay nakita ko si Tristan na nakaupo sa pandalawahang table sa gilid. Nakita niya ako at sumenyas na dun nalang ako habang nakangiti. Shocks! Nanginginig ang tuhod ko habang papalapit sa kanya.
"Kagigising mo lang?" salubong na tanong niya sa akin.
"Ahh.. O-oo. Na-nahilo kasi a-ako kagabi." Tae bat ba nauutal ako pag kausap ko siya! Mukha tuloy akong tanga!
"Ahh." Tumango siya. "Akala ko ay hindi ka sasama kaya hindi na ako sumama kagabi. Kung alam ko lang na nandun ka.."
Napahinto siya nang dumating na ang inorder ko. Hindi na rin niya itinuloy pa ang sasabihin niya kaya kumain nalang ako. Naiilang ako dahil pakiramdam ko pinagmamasdan niya akong kumain. Buti nalang at nagsalita siya.
BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Novela JuvenilNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...