Kabanata 36

53 13 0
                                    


"Ok na kaya ito ate?" tanong sa akin ni Alyssa habang ipinapakita yung hawak niyang pulang polo.

Nandito kaming dalawa ngayon sa mall para mamili ng panreregalo kay Gian. Birthday kasi niya bukas kaya itong si Alyssa ay nagpasama sa akin para bumili ng ibibigay niya sa kapatid ko. Wala na rin naman kaming pasok dahil bakasyon na kaya't sinamahan ko na siya.

"Tingin ka pa ng iba, hindi kasi siya mahilig sa ganyan." aniya ko sa kanya at dumiretso na ako sa fitting room para sukatin ang isang dress.

Sa isang private resort nila Elyson sa bataan icecelebrate yung birthday ni Gian. Request kasi niya na mag swimming nalang kami tutal bakasyon naman na at ayaw raw niyang magparty sa bahay dahil corny daw ito.

Matapos sukatin ay dumiretso na ako sa cashier para bayaran yung dress na isusuot ko bukas. Si Alyssa naman ay abala parin sa paghahanap ng ireregalo sa kapatid ko. Halatang nahihirapan na siya dahil kanina pa kami nandito pero wala parin siyang napipili.

"Bakit hindi mo kaya siya itext? Itanong mo kung akong gusto niya." Lumapit ako sa gawi niya at napabaling naman siya sa akin.

"Edi hindi na surprise yun ate kapag tinanong ko siya kung anong gusto niya. At isa pa, busy yun ngayon kasama yung girlfriend niya." Napangiti ako sa sinabi niya. May bahid kasi ng pagkairita ang tono niya.

"Then, bigyan mo nalang siya nung alam mong ikatutuwa niya tutal close naman na kayo."

Natahimik si Alyssa dahil sa sinabi ko at parang nag-iisip kung anong ibibigay kay Gian. Biglang nagliwanag ang mukha niya at sumilay ang malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Alam ko na!" Masaya niya sabi at nagmadaling lumabas ng boutique.

Sumunod na rin ako sa kanya palabas at ang loka-loka, hindi man lang ako inalala. Naabutan ko siya sa loob ng comic alley habang nagtitingin ng kung ano-anong anime stuffs.

"Palagi ko kasing nakikitang nanunuod ng anime si Gian at nabanggit niyang nangungolekta siya ng mga ganito, kaya for sure magugustuhan niya 'to." masigla niyang sabi sa akin.

Nakakatuwa lang na mukhang kahit paano'y kilala na niya ang kapatid ko. Napapansin ko rin na nagiging close na sila sa mga nagdaan araw. Sayang nga kang at may girlfriend na ang kapatid ko. Gustong-gusto ko pa naman si Alyssa para sa kanya lalo na sa tuwing naaalala ko ang mga ginawa ni Gian para kay Alyssa sa panaginip ko.

Umuwi na rin kami matapos niya makabili dahil tutulong pa kami sa paghahanda para bukas. Nagpresinta si Elyson na siya na bahala sa tutuluyan namin sa dalawang araw na stay namin sa resort at pati pagkain ay siya na raw ngunit hindi na pumayag dito si mama. Tama na raw yung tutuluyan namin sa resort at siya na daw ang bahala sa kakainin namin.

"Nabili mo ba lahat, Carolina?" aligagang salubong sa akin ni mama pagkarating namin sa bahay.

Alas kwatro na ngayon at mamayang alas una ng madaling araw ang alis namin kaya naman aligaga na sa paghahanda si mama. Tumulong na rin kaming dalawa ni Alyssa para mapabilis at para makapag ayos na rin kami ng mga dadalhin namin.

Gabi na rin ng natapos kami sa pagluluto at paghahanda ng mga dadalhin para mamaya. Umuwi na rin si Gian kasama yung girlfriend niya na kasama namin bukas.

Hindi naman na nag-imbita ng iba sila mama. Sina Jena, Ric, Elyson, Alyssa, Gian, Shane (yung girlfriend niya) at si mama lang naman ang mga kasama bukas. Si Jena na raw ang bahala para sa sasakyan namin bukas which is yung van nila na idadrive ni Ric. Kasya naman kaming lahat dun kaya hindi na magdadala ng sasakyan sila Elyson.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon