Kabanata 40

74 14 2
                                        

AN: Enjoy reading guys :) Comment lang po ^^
ice0000000






"I was wrong. Alam kong mali ako at nadala lang ako ng galit kaya ko nasabi yun." aniya habang hawak parin ang braso ko.

Masyado ba akong unfair kung sasabihin kong hindi ko parin kayang patawarin siya? Oo nga't tao lang din naman ako na nagkakamali rin, pero hindi naman ganun kadali na kalimutan nalang ang lahat. Hindi naman mapapawi ng isang sorry lang ang sakit na dinulot niya noon! It takes time to heal, and I'm afraid that it will take long time for me to forget it.

"Nangyare na e, hindi mo na maibabalik yun! Kahit pa paulit-ulit mong sabihin sa akin na sorry, hindi parin mababago nun ang katotohanan na nasaktan mo ako!" Marahas kong binawi sa kanya ang braso ko't mabilis na tumalikod.

"Carrie please, bigyan mo naman ako ng pagkakataong magpaliwanag!" muli na naman niyang hinigit ang braso ko paharap sa kanya. Shit!

"Bakit ako? Binigyan mo ba ako noon ng chance magpaliwanag? Hindi diba? Kaya bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin.

Hinatak niya ako papunta doon sa mga upuan. Mabuti nalang at walang mga bisita na nandito sa likod dahil medyo maaga pa naman kaya walang makakakita sa amin.

"Please! Just listen to me. Nasaktan din ako. Hindi mo ako masisisi na magalit sayo noon dahil akala ko ay sinisiraan mo kaming dalawa ni Trixie! Masyado akong nabulag noon sa mga sinabi niya at yun ang kasalanan ko. Nagkamali ako ng taong pinaniwalaan, ng taong minahal."

"Pwes, hindi mo rin ako masisisi na magalit sayo ngayon! Nasaktan din ako!" balik ko sa kanya at napasabunot nalang siya sa buhok niya dahil sa frustration.

"Carrie naman, kaya nga nanghihingi ako sayo ng tawad. Alam kong mali ako, huli na nga lang ng malaman ko yun. Inamin sa akin ni Jay ang lahat." bakas sa mga mata niya ang pagod at pagmamakaawa. Sana nga ay ganun lang kadali yun.

"Sige pinapatawad na kita. Ok na ba? Makakaalis na ba ako?"

"Carrie naman--"

"Aj! Madaling sabihin na pinapatawad na kita, pero yung sakit? Hindi ko kayang kalimutan nalang yun ng ganun-ganun na lang! Dahil sa tuwing nakikita kita, paulit-ulit lang na bumabalik sa akin ang lahat ng sinabi mo! I need time, more time para makalimutan yun, and I need you to stay away from me para magawa ko yun!" mariin kong sabi sa kanya.

"Ganun ba kasakit ang nagawa ko sayo at kailangan kong lumayo? Carrie nagsisisi naman na ako."

"Oo ganun kasakit! Na mas ok pa ngang sinaktan mo nalang ako physically. Sobrang sakit Aj, na sa sobrang sakit ay nagsisisi na rin ako. Nagsisisi ako kung bakit pa kita nakilala, kung bakit ikaw pa! I wish you were'nt in my dreams." aniya ko't tumayo na paalis doon.

Hindi na rin siya sumunod pa't pinigilan ako. I guess, malinaw na sa kanya ang lahat ngayon. There are times when we must be hurt in order for us to grow, we must lose in order to gain, because some lessons in life are best learned through pain. At dahil sa sakit na yun ay natuto na ako. Forgiving him means hurting myself again, and I can't afford to hurt myself for the second time around.

Dumiretso na ako sa table namin na walang bakas ng nangyare kanina. Mabuti nalang at hindi ako naiyak, siguro ay naubos na ang luha ko noon sa kanya at naging mas malakas ako ng dahil doon.

It was only just a dream (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon