Hanggang ngayon ay paulit-ulit parin sa isipan ko ang mga katagang sinambit nang bakulaw na 'yon."I don't mind to start again, anyway. Liligawan nalang ulit kita."
Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya? Well, sa itsura pa lang ay halatang matigas ang ulo niya. Bahala siya sa buhay niya! Wala naman siyang aasahan sa akin. Magsasayang lang siya ng oras.
Pinihit ko ang pinto papasok ng bahay. Kakauwi ko lang ngayon. Medyo natagalan pa nga ako dahil namilit pa ang damuho na ihahatid na raw niya ako.
"Ihahatid na nga lang kasi kita. Huwag na ngang matigas ang ulo. Tss.."
"Hindi na nga sabi kailangan e! Hindi naman ako lumpo 'no. Kaya ko ang sarili ko."
Pagpasok ko ng bahay ay bumungad sa akin si Gian na abala sa paggawa ng kung ano-ano. Ang daming nakakalat na nakalukot na papel. Mukhang gumagawa siya ng letter at nakailang ulit na siguro siya.
"Buti naman ate at nandito ka na!" Tumayo siya at dumiretso sa akin. Mukhang iritable na siya dahil hindi na maipinta ang pagmumukha niya.
"Akala ko ay madali lang ang isang 'to pero hindi pala. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang dami ko ng papel na nasayang oh." Sabay turo niya sa mga nakakalat na papel sa sahig.
"Tulungan mo naman ako, 'te. Please?" Nag-puppy eyes pa siya habang sinasabi ito.
Umupo ako sa sofa at tsaka tinanggal ang suot kong sapatos. Naisipan kong dumampot ng isa sa mga nakalukot na papel sa sahig at tsaka ito binasa.
"Dear Allysa,
Happy Birthday sayo. Sana ay mas marami pang blessings ang---"
Napahagalpak ako sa tawa dahil sa binasa ko. Binalingan ako ng kapatid ko at sinamaan ako ng tingin.
"Allysa pala, Ah? Anong klaseng sulat ba ito, Yan? Hindi na uso ang ganito! Paano ka mapapansin nun kung ganitong walang dating ang sulat mo!" ani ko sa natatawang boses.
Hindi ko talaga mapigilan. Masyado pa nga yatang bata ang kapatid ko para sa mga ganitong bagay.
"Kaya nga magpapatulong sayo e! Kung tatawanan mo lang ako ay 'di bale nalang."
Tumalikod siya at akmang aalis patungo sa kwarto niya. Mukhang nasobrahan yata ako sa pagtawa ah?
Tumayo ako at patakbong lumapit sa kanya.
"Sorry na, Yan. Hindi naman sinasadya ni ate na tawanan ka. Hindi na ko uulit." Panunuyo ko sa kanya sabay yakap sa kapatid ko.
Palaging nagtatampo ito sa akinpag nababara ko siya pero pag yumayakap naman na ako ay hindi niya ako matiis. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Alam mo talaga na hindi kita matitiis e. Sige na ate tulungan mo na ako." Tinanguan ko siya at dumiretso na ulit ako sala sabay upo sa sahig.
Makalipas ang isang oras ay natapos na rin kami sa paggawa. Actually, ako nga lang ang gumawa e! Parang ako yata ang manliligaw.
Dumiretso na si Gian sa kwarto niya at nagpaalam na papraktisin pa raw niya yung kakantahin niya para dun sa nililigawan niya. Mukhang tinamaan talaga ang kapatid ko.
--
Lumipas ang mga araw at normal naman ang naging takbo ng buhay ko. Nakaupo ako ngayon sa bleachers sa loob ng school namin habang nagbabasa ng libro.
BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...