Dumiretso na kami ni Jena sa room pagtapos namin mag-usap. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung paano nagawa yun ni Trixie. Sa nakikita ko kasi sa kanya ay parang mahal na mahal talaga niya si Aj at ganun din ito sa kanya, kaya paanong nagawa niyang magtaksil? At sa bestfriend pa ng boyfriend niya?"Goodmorning Class." masiglang bati sa amin ni Sir Rodriguez, yung prof naming pogi kaya itong mga kaklase ko ay nagtilian na naman.
"Gusto ko sanang humingi ng favor sa inyo. May activity kasi akong pinagawa sa mga 4th year students ko which is may ipapaliwanag sila about sa particular activity na pinagawa ko..." At ito namang mga kaklase ko, hindi pa tapos magsalita ang prof namin ay todo tango na.
"Kung pwede sana ay kayo ang magiging audience as well as critics. Ok lang ba yun?" at kumindat pa siya kaya naman nagwala na ang mga classmate ko.
"Ok na ok sir. Basta pakiss!" napabaling pa ako kay Jena na sumigaw. Lecheng 'to, nagawa pang lumandi matapos ang nangyare kanina?
Lumabas na rin yung prof namin para tawagin yung mga studyante niya. Apat daw ang magdedemo sa amin at pagtapos daw nun ay dismiss na kami. Pumayag narin naman kami dahil bukod sa ang gwapo niya, baka maalala pa niya na may exam kami ngayon.
"Nandito na sila!" tili nung kaklase ko na kagagaling lang sa pintuan.
"Grabe ang yummy nung mga students ni sir!"
Napalingon ako sa pintuan ng room ng mag-umpisa ng pumasok ang mga studyante niya. Kinabahan ako ng makita ko doon si Aj. Shit! Bakit kasama siya dito?
"Class, sila yung mga students ko na magdedemo ngayon. Alam ko na pamilyar kayo sa kanila dahil mga players sila ng basketball team ng school natin."
Yung mga kaklase ko halos tumulo ang mga laway sa katititig sa mga nasa harap. Pagtingin ko sa harap ay nakita kong seryoso na namang nakatitig si Aj sa akin. Sa tuwing naaalala ko yung nangyare kagabi ay gusto ko nalang magtago sa kanya. Bwiset talaga!
"Bhesie nanjan pala si Aj oh!" sabay nguso ni Jena kay Aj na nasa harap.
"Kanina pa nga siya nakatingin dito e." aniya ko.
Saglit pang ipinakilala ni sir yung mga player bago kami nag umpisa. Lahat yata sila ay may baong energizer.
Naunang nag explain yung Mark na laging nakangiti kaya yung mga kaklase ko halos itapon na sa harap yung mga panty nila na naglalaglagan. Hindi ko na nga maintindihan yung mga pinagsasabi niya dahil puro tili ng mga kaklase ko ang namumutawi sa buong room namin.
Sa mga sumunod na nagdemo ay ganun din ang nangyare. Sobrang active ngayon ng mga kaklase ko. Iba talaga nagagawa pag gwapo ang nasa harapan. Hindi na rin ako nakinig pa dahil wala naman akong maiintindihan kaya humilig nalang ako sa mesa ko. Hindi ko rin makausap si Jena dahil pati siya ay nakikigulo doon at todo rin ang pagtili.
"Ehem!" Napaangat ako ng tingin kay Aj na nasa harap ko ngayon, siya na pala yung magdedemo.
"I need a volunteer for this energizer."
Pinaliwag niya yung gagawin. May nakakabit sa katawan niya na mga parts ng puzzle at yung volunteer ay hahanapin yun habang naka blindfold ito. Wow lang ah? Ang halay ng energizer na yan! Pagtapos niya ipaliwanag yun ay halos magpatayan ang mga classmate ko para magvolunteer.
Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Aj at kinuha ang kamay ko. Kinuha talaga dahil hindi pa ako sumasama ay hinatak na niya ako sa harap.
"Sorry pero may napili na ako." Sabi niya sa mga kaklase ko habang hawak-hawak yung kamay ko. Para kaming tanga ngayon na nasa harap!

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...