Kabanata 12

82 20 0
                                    


"Nakakatamad talaga ngayon, ate."

Nakahitala lang kami dito ni Gian sa sofa habang nanunuod ng movie na hindi ko alam ang title.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung birthday ni Jena. Naging normal naman ang takbo ng buhay ko sa mga nagdaan na araw. At si Aj? Masasabi ko na mas nakikilala ko na siya ngayon.

Madalas kasi siyang magtext sa akin. Actually, araw-araw pala kaming magkatext. I must say, masaya siyang kausap. Siya kasi yung kind ng manliligaw na hindi nagsusugarcoat ng sasabin. Pag ayaw niya sa ginagawa mo ay pupunahin ka niya. Hindi kagaya ng iba na paimpress at patay malisya kahit ang panget ng pinaggagagawa mo.

Bakit ko siya nabanggit? Wala lang. Nagtext kasi siya sa akin ngayon.

Aj:

"Labas tayo ngayon. Libre kita ice cream. :D"

Oh diba? Sinuhulan pa ako ng bakulaw na yun! Speaking of bakulaw, iniba ko na nga pala yung name niya sa phone ko. Nung minsan kasi na magkasama kami ay nagtext siya sa akin kahit magkatabi lang kami. Ayun! Nakita niya na bakulaw name niya sa contacts ko, Ahahaha.

"Bakit nakangiti ka ate? Nasaktan na nga yung bida oh!"

Napabaling ako sa kapatid ko pati na sa TV. Iyakan na pala ang eksena. Napabaling si Gian sa cellphone ko at nagtaas ng kilay. Ibinulsa ko ito.

"Ahh.. w-wala.. si Jena kasi.." pagsisinungaling ko.

"Bakit ka nauutal? Baka naman boyfriend mo yan? May boyfriend kana ba?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Sa pagkakaalam ko ay ako ang mas matanda dito ah? Bakit parang ako pa yata yung bunso?

"Wala! Wala akong boyfriend." Sabay irap. "At ano naman kung magkakaroon ako? E ikaw nga may girlfriend na! Hoy mas matanda ako sayo, no! kaya pwede na ako."

"Subukan mo lang, sasapakin ko yung lalaking yun."

Hinampas ko nga siya ng unan! Minsan talaga natatawa ako dito sa kapatid ko. Hindi ko malaman kung Over-protective lang talaga siya o gusto lang niya talaga akong tumandang dalaga!

"Subukan mo! Kakalbuhin ko yang Alyssa mo!" at natawa na naman ako sa reaksyon niya.

"Anong pinagtatalunan ng mga baby ko?"

Napabaling kami kay mama na papunta sa amin galing kusina. May dala siyang meryenda.

"Si ate may boyfriend!"
"Si Gian may girlfriend!"

Sabay naming sigaw ni Gian. Nagiging isip bata na talaga ako dahil sa tukmol na 'to e!

Biglang tumunog yung cellphone ko. Sinilip ko ito at nakitang tumatawag si Aj.

"Excuse lang po Ma, sagutin ko lang."

"Tignan mo Ma! Boyfriend niya yan e! Bakit kailangan pang umalis para sagutin? Pwede namang dito makipagusap!"

Hindi ko nalang pinansin si Gian at dumiretso na ako sa kusina para sagutin yung tawag. Mamaya kami magtutuos ng pasaway na yan.

"Hello?"

"Bakit hindi kana nagreply? Ano? Pwede ba tayong lumabas? Free ka ba ngayon?"

Tinignan ko yung cellphone ko at may 34 unread messages dun. Grabe naman 'to si Aj! Taeng tae, haha.

"Sige. Kita nalang tayo sa mall. Papansin kasi 'tong kapatid ko--

Nagulat ako ng biglang hablutin ni Gian yung phone ko sa akin.

"Hello? Kapatid niya 'to."

"Bawal siya ngayon. Boyfriend ka ba niya?"

"Ahh manliligaw? Bakit siya ang pupunta jan? Ikaw ang pumunta dito kung gusto mong manligaw."

"Sige. Hihintayin ka namin."

At binabana na niya yung phone ko! Shit! Paepal talaga ang isang 'to! Hinablot ko sa kanya yung phone ko sabay sapak sa tiyan niya!

"Bwiset ka! anong sinabi mo dun!" Pasigaw kong utas sa kanya. Bwiset talaga 'to!

"Ikaw babae papapuntahin ka sa mall? Kung gusto niya manligaw ay pumunta siya dito at harapin niya kami."

At tinalikuran na ako ng mokong! Bwiset ka! Paano na yan? So pupunta si Aj dito? Dapat ay pigilan ko siya!

Magtatype na sana ako ng message ng makatanggap ako ng text galing sa kanya.

Aj:

"Huwag ka na pumunta sa mall. Papunta na ako sa inyo. Kinuha ko kay Jena yung address niyo. See you :*"

Oh my! pupunta talaga siya!? Bwiset na yan. Paano na 'to?

Mabilis akong tumakbo papuntang kwarto. Nakasalubong ko pa si Gian kaya sinamaan ko siya ng tingin sabay tulak sa kanya. Wala akong oras para gantihan siya ngayon. Humanda siya mamaya!

Pumasok na ako sa kwarto ko at hinalughog ang kabinet ko. Anong susuotin ko!? Magdidress ba ako!? Pero nasa bahay lang ako. Ano kaya?

Nakareceive ulit ako ng text galing sa kanya.

"Malapit na ako. Be there in 15 minutes."

Shit! 15 minutes? Bahala na nga! Nagmadali na akong pumasok sa banyo. Hindi ko na alam kung anong klaseng ligo ang ginawa ko!

Paglabas ko ay 5 minutes nalang ang natitira! Bwiset talaga! Paano ako makakapag ayos nito? Natataranta na ako!

Teka? Bakit nga ba ako nagpapanic e si Aj lang naman yun? Bakit kailangan ko pa magpaganda? Pero pag naiisip ko na makita niya akong nakapangbahay ay nahihiya ako! Bwiset!

Sinuot ko nalang yung black na dress na binili namin ni Jena sa divisoria. Hindi naman ito mukha pangbahay pero pwede na. Madalian na akong nagblower ng buhok ko dahil narinig kong tumunog na yung doorbell.

Wait, baka iniisip niyo na porket hindi kami ganun kayaman ay wala na kaming doorbell? Meron parin naman 'no! Hindi naman kami sobrang poorita.

Nandiyan na siya! Nandiyan na siya! Ok wait! Calm down Carolina. Make sure that you look so perfect! Wait? Bakit perfect? I need to look so presentable. Tama! Presentable... and pretty!

Hinayaan ko lang na maghintay muna siya doon, tutal ay kakausapin naman siya nila Gian. Nagpatuloy na ako sa pagaayos.

Naglagay lang ako ng lipstick na pink para kunware fresh, haha. Hinayaan ko nalang din ang buhok ko na nakalugay dahil straight naman ito. Ayan! ok na.

Dahan-dahan na akong lumabas sa kwarto at bumaba ng hagdan. Nakarinig ako ng mga naguusap sa sala. Oh gosh! Kinakausap siya nila mama! Sana ay magbehave sila.

Nakita kong nakaupo siya sa mahabang sofa at nasa tapat naman niya si mama at Gian habang kinakausap siya.

Napatingin ako sa suot niya ngayon. Naka polo siya na kulay blue na bagay na bagay sa kanya. Mukhang ang pormal niya ngayon at ang bango-bango. Nakita ko rin na may bouquet ng roses sa gilid niya.

"Oh nandito na pala siya." Aniya ni mama.

Napatayo siya at lumingon sa akin habang nakangiti. Gosh! Ang gwapo niya ngayon. Nagtama na naman ang paningin namin at as usual, ang malandi kong puso ay kumalabog na naman.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon