Hindi na rin kami nagtagal pa at napag pasyahan na rin naming umuwi. May pupuntahan pa daw kasi si Trixie kaya mauuna na daw silang dalawa ni Aj.Pagtapos nung pagkanta ko kanina ay parang may kung ano kay Aj. Palagi ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin at parang inoobserbahan ako. Sa tuwing nagtatama naman ang mga mata namin ay hindi siya pumuputol dito. Parang gusto talaga niyang malaman ko na tinitignan niya ako.
"Gusto mong kumain muna tayo?" pagsasalita ni Elyson sa tabi ko. Kaming dalawa nalang ang natira ngayon at alas syete na rin ng gabi.
"Sa bahay nalang siguro." Nagtext na kasi si mama at nagtatanong kung nasan na daw ba ako. Palagi silang ganito sa akin mula nung nagising ako.
Hindi na rin naman umapela pa si Elyson at baka daw pagalitan pa ako kaya dumiretso na kami sa parking lot. Sinabi kasi niya na ihahatid na daw niya ako para kung sakaling magtanong si mama ay nandun siya na pwedeng magpaliwanag.
"Baka isipin ng mama mo tinanan kita!" tumatawa niyang sabi sa akin.
Tinext ko kasi si mama na kasama ko 'tong si Elyson ngayon at pauwi na kami. Hindi na rin naman nagtanong si mama dahil palagi kong nababanggit si Elyson sa kanya. Sa katunayan nga ay gustong-gusto niyang makikala ito dahil mukhang mabait daw base sa mga kwento ko.
"Galit na galit na nga siya ngayon." seryoso kong baling sa kanya at pinigilan ko talaga na matawa. Para kasing kinakabahan siya ngayon at hindi alam ang gagawin.
"Totoo? Shit! Wala pa nga badshot na agad." sabay sandal niya sa manibela. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak na ako sa tawa.
"Bakit ka tumatawa?" napabaling siya sa akin na nagtataka dahil tawa ako ng tawa ngayon.
"Nak-nakakatawa kasi yung itsura mo! Haha. Biro ko lang yung galit si mama." natatawa kong sabi sa kanya. Maya-maya ay ngumiti na rin siya sabay kurot sa pisngi ko.
"Badgirl." nakangiti niyang sabi at pinaandar na niya yung sasakyan.
Buong biyahe ay nagkulitan lang kami ni Elyson. Inaasar niya kasi ako dahil niyakap ko siya kanina nung nakuha niya yung teddy bear.
"Para-paraan ka lang e!" pang-aasar na naman niya sa akin.
"Hoy natuwa lang talaga ako 'no!" hinampas ko yung braso niya dahil 'di siya matigil sa pagtawa.
"So ganun ka pala matuwa? Dapat pala ay lagi kang matuwa para lagi mo akong yakapin." at bumaling siya sa akin sabay kindat.
"Gusto mo rin e!" at sabay na kaming natawa sa kalokohan namin.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ngayon at nakahinto na yung sasakyan niya. Hindi muna ako bumaba.
"So anong ipapangalan natin dito?" tinuro ko yung teddy bear na nakuha namin kanina.
"Sayo naman yan kaya ikaw na magpangalan."
"Ikaw nakakuha nito kaya may karapatan ka sa anak natin." at natawa na naman siya sabay baling sa akin.
"So asawa na pala kita?" tinaas pa niya ang kilay niya at ngumisi sa akin.
"Hindi 'no! Pareho lang niya tayong magulang pero hindi naman tayo ang gu-gumawa sa kanya." namula ako dahil sa mga pinagsasabi ko. Sa sobrang daldal ko ay kung ano-anong kahihiyan na ang nasasabi ko.
"Kung gusto mo gawa tay--"
"Bababa na ako, Babye!" Nagmadali akong bumaba para hindi na niya matapos pa yung sasabihin niya.
Nahirapan pa ako dahil sa teddy bear na 'to na wala paring pangalan.

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Novela JuvenilNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...