Nakatitig lang ako sa kanya habang ini-strum niya ang gitara. Nakapikit parin siya. Ano kaya ang kakantahin niya? Maganda kaya ang boses nito?
"We met him sa acquintance party. Isa siya do'n sa mga tumugtog, remember? Tili ka pa nga nang tili nung mga oras na 'yon kaya nacapture mo 'yong attention niya."
Biglang kong naalala 'yong sinabi sa akin ni Jena. Kung tumutugtog nga siya ay malamang maganda ang boses niya.
Napatitig ulit ako sa kanya namg umpisahan na niya ang panghaharana sa akin. Ay? Panghaharana talaga? haha.
" ♫ How can I make it through the day without you.."
Kinilabutan ako sa malamig niyang boses. Tama nga ako, maganda nga ang boses niya. Hindi ito masakit sa tenga at ang sarap nitong pakinggan.
"You have been so much a part of me
I'll never know what to do
How can I carry on my way
the memories.."Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. Parang biglang nawala lahat ng bagay sa aking paligid. Tanging siya lang at ang nakahahalina niyang boses ang bumabalot sa amin.
"When all that is left is the pain in my history
Why should I live my life today
I cannot live out on my own.."
Seryoso siyang kumakanta sa harap ko habang nakapikit. Animo'y ramdam na ramdam niya ang bawat salita na lumalabas sa kanyang labi. Para bang nakakarelate talaga siya rito.
"And just forget the love you've always shown
And accept the fate of my condition
Please don't ever go
For I cannot live my life alone.."
Pakiramdam ko ay may kung ano sa tiyan ko nang bigla nagtama ang paningin namin. Ang kanyang mga mata ay puno ng emosyon.
Nagiwas ako nang tingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay matutunaw ako sa kanyang mga titig. Mabuti nalang pala at nakaupo ako ngayon dahil kung hindi ay baka natumba na ako.
"Say you'll never go
Say you'll never go out my way
Say you'll never go
For we can still go on
And make it through.."
Binaling ko ang tingin ko sa gitara nang maramdaman ko na nakatitig parin siya sa akin. Grabe naman makatitig 'to! Naconscious tuloy ako sa itsura ko ngayon.
Masarap talaga sa tenga ang kanyang boses. Parang kahit sinong makarinig ay mapapatigil sa kung ano man ang ginagawa niya para lamang pakinggan siya.
"Just say you'll never go
Say you'll never go away.. ♫"
Napatitig akong sa kanya at muli na namang nagtama ang paningin namin.
May kung ano sa mga mata niya nang sambitin niya ang huling parte ng chorus ng kinakanta niya. Parang may gusto siyang ipahiwatig na kung ano ngunit hindi niya masabi nang diretso.Sumilay ang ngiti sa kanyang labi kasabay ng pagbaba niya ng gitara.
"Tapos na. Nagustuhan mo ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...