Magdadalawang oras na ako dito sa loob ng bookstore na medyo malapit sa school namin.Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang hingal dahil sa pagtakbo. Bwiset kasing bakulaw na 'yon! Habulin daw ba ako? Ano kayang problema niya e hindi ko naman siya kilala?
Buti nalang at nakacivilian ako ngayon kaya mas mabilis akong nakatakbo dahil kung nagkataon na nakapalda ako, malamang ay naabutan na ako nung tukmol na 'yon.
Napatingin ako sa suot ko. Naka plain white t-shirt ako ngayon at skinny jeans.
Biglang na namang pumasok sa isip ko 'yong pangyayare kanina. Ito rin kasi 'yong suot ko sa panaginip ko. Pero hindi ko talaga makumbinsi ang sarili ko na panaginip lang ang pagkakabangga ko. Parang masyado kasi itong makatotohanan. Hay ewan! sumasakit talaga ang ulo ko sa kakaisip dito. Kung minamalas ka nga naman.
Naputol lang ako sa aking pag-iisip namg naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa aking bulsa. Mukhang si Jena na ito ah? kanina pa yata ako hinahanap ng bruha.
"Hoy Carolina! nasa'n ka na ba?"
Binitawan ko 'yong hawak kong libro na kanina ko pa binabasa at lumabas na ng bookstore. Halos lumabas na ang bunganga ni Jena sa lakas ng boses niya mula sa cellphone ko.
"Huwag ka ngang sumigaw!" utas ko sa kanya habang kinakapa ang aking tenga. Pakiramdam ko ay nabasag ang eardrums ko.
"Wow! Pasensya ah? Nakalimutan mo lang naman kasi na may usapan tayo na hihintayin mo ako dito sa school. Hinanap lang naman kita dito sa buong campus kahit tirik na tirik ang araw. Sorry ah? Nakakahiya naman sa kagandahan ko!" pamimilosopo niya sa akin.
"Sorry nagmamadali kasi ako. May humabol kasi sa akin kaya hindi na kita nahintay. Nandito ako ngayon sa tambayan natin. Pumunta kana at bilisan mo, dito ko nalang ikukuwento.
Umupo muna ako sa bench sa may tapat ng bookstore at pinatay ang tawag ni Jena.
Dito kami madalas tumambay dalawa simula pa noong highschool. Mabait kasi 'yong bantay dito kaya nakakapasok kami at libreng nakakapagbasa ng mga libro.
Muli na namang nagvibrate ang cellphone ko at nagulat ako sa pangalan na nasa screen ng phone ko.
Ano kayang meron? madalang lang naman siyang tumawag sa 'kin at kung tatawag man siya ay kung may iuutos lang.
"Hello po, ma?"
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at inihanda ang aking tenga sa pagsigaw niya.
"Hello, Carolina Anak, naglunch kana ba? Anong oras ka uuwi ngayon? 'Wag kang magpapalipas ng gutom anak ha?"
Literal na napanganga ako nang marinig ko ang malabing na boses ni mama. Tinignan ko pa nga ulit ang cellphone ko para masiguro kung siya nga ito.
Totoo ba ito? Si mama tumawag para itanong kung kumain na ako?
"Anak nandiyan ka pa ba? Hello?" nagaalalang tanong niya.
"O-opo, ma nandito pa po ako. Katatapos ko lang po kumain. Baka mamaya pa po ako makauwi, dadaan po kasi ako kila Jena."
Kailan pa siya naging concern sa kung anong ginagawa ko? Kung hindi tungkol sa pag-aaral ay wala na akong ibang maisip na dahilan para kausapin ako ni mama.
"Ok sige. mag-ingat ka sa pag-uwi mo mamaya ah? Huwag magpapagabi. I love you."
I love you? Mama ko ba talaga 'to? Ito ang unang pagkakataon na sinabihan niya ako ng ganito. Ano kayang nangyari at out of the blue ay nagbago si mama? Weird.
"Sige po, ma." At binababa ko na ang tawag nang maaninag ko na ang sasakyan ni Jena na nagpark sa tapat ng bookstore.
Napatulala nalang ako dahil hindi parin mag-sink-in sa utak ko ang mga sinabi ni mama.
Ni minsan hindi niya ako sinabihan ng I love you. Kahit sa mga nagdaang birthday ko'y simpleng pagbati lang ang ibinibigay niya. Pero ngayon? Simple araw ay sinabi niya iyon kaya't hindi talaga ako makapaniwala.
"Uy Carrie! Anong nangyare't para kang nakakita riyan ng multo? Bakit Namumutla ka?"
Napalingon ako kay jena na nasa tabi ko na pala. Hindi ko namalayan na naupo na siya sa tabi ko sa sobrang pag-iisip ko kay mama.
"S-si mama, Jena." nanginginig na sambit ko sa kanya.
"Bakit? Anong nangyare kay tita?Naaksidente ba? Oh My! Saang ospital, Carrie? Tara at puntahan na natin!" Nagpapanic na sagot sa 'kin ni Jena.
Kahit kailan talaga ay napaka OA nitong babaeng 'to. Bago pa man niya ibukang muli ang bibig niya ay binatukan ko na siya. Ang ingay kasi e.
"Aray ko naman bhesie! Makabatok naman wagas. Ako na nga concern dito e."
Nalabusangot niya akong tinignan habang hinihimas yung ulo niya na akala mo'y masakit talaga ang pagkabatok ko rito kahit halos kinalabit ko lang ang ulo niya. OA talaga!
"Ang OA mo kasi! Aksidente kaagad? Hindi ba pwedeng nalipasan muna siya ng gutom? May LBM? Sumakit ang ulo?" Binalingan ko siya habang nakataas pa ang isang kilay. Nakakainis talaga ito kung minsan.
"Tumawag siya sakin, ngayon-ngayon lang. Tinanonh kung naglunch na tayo."
"Iyon lang? E bakit kasi namumutla ka riyan kanina? Maarte ka rin bhesie 'no? May pautal utal epek ka pa riyan 'kala mo naman kinaganda mo 'yan! Tumawag lang pala si tita." Hindi makapaniwalang sagot niya.
Halos masabunutan na niya ako sa panggigigil niya.
"Alam mo naman na hindi siya madalas tumatawag sa akin diba? At naglalambing pa siya ngayon."
Alam naman ni Jena na gano'n sakin si mama. Siya kasi ang lagi kong takbuhan sa tuwing binubulyawan ako ni mama tungkol sa mga grades kong matataas naman.
"Bhesie, She's your mom. Malay mo narealize lang niya na nasasakal ka na niya kung minsan at gusto na niyang bumawi sayo ngayon? Huwag mo na ngang isipin yan."
Hinawakan ni jena ang kamay ko tsaka ako nginitian. Siguro nga ay tama siya. Baka nga naisip lang ni mama na nahihirapan din ako.
"By the way, sino nga pala 'yong humabol sayo kanina?"
Oo nga pala! Sa pag-iisip kay mama ay nakalimutan ko na 'yong tungkol do'n sa bakulaw na lalaking 'yon.
Binalingan ko si Jena na ngayon ay matamang nakatutok sa akin.
"Hindi ko rin siya kilala Bhesie e. Papunta ako ng gym nang tawagin niya ako. Hindi ko rin alam kung paano niya ako nakilala? Kinabahan ako dahil ang tangkad niya. Baka mamaya buhatin ako nun at dalhin sa kung saan."
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni niya dahil sa sinabi ko at mukhang may iniisip siya na kung ano.
"Matangkad? Maputi din ba siya bhesie? Medyo malaki ang katawan? May dimples? Kulay blue ang bag?" Sunod-sunod niyang tanong.
Inisip kong muli yung itsura nung lalaki. Oo nga't matangkad siya, 'yon talaga ang una kong napansin. Siguro ay nasa 5'8 ang height niya? Nakangiti nga siya sa 'kin kanina at oo nga't may dimples sya.
Maputi rin yung lalaki pero hindi ko naman nakita 'yong bag niya. Grabe? aalamin ko pa ba lahat bago ako tumakbo? Malay ko ba kung sino 'yon? Kahit mala-anghel ang itsura niya ay hindi dapat pagkatiwalaan nang basta-basta ang mga gano'ng tao!
"Oo bhesie. Matangkad, maputi, at may dimples siya. Hindi ko nga lang napansin 'yong bag niya dahil tumakbo na kaagad ako."
Pagtingin ko kay Jena ay tumatango-tango siya habangnakangiti. Mukhang kinikilig ang loka-loka? Nababaliw na ba 'to?
"OMG! Bhesie siya na yun! Siya 'yong sinasabi kong manliligaw mo! Si Aj? Alfonzo Joaquin Fajardo. Yieeee!" At nagtitili na ang gaga habang todo ang pagyugyog sa akin.
Alfonzo Joaquin? Bantot ng name ah? Ahaha. Manliligaw ko ba talaga 'yon?

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...