Kabanata 31

54 13 0
                                    


"So Aj, nasan na nga pala yung girlfriend mo?" napatingin ako kay Jena ng tanungin niya si Aj.

Nandito parin kami ngayon sa canteen kahit tapos na kaming kumain. Wala na rin naman na kaming klase ni Jena, ganun din sila Aj kaya naisipan na mula namin na dumito muna. Nagtext din kanina yung Trixie na pupunta daw siya dito kaya hinihintay namin siya ngayon.

Matagal ko na ring hindi nakikita yung higad na yun. Sa tuwing maririnig ko ang pangalan niya o kahit ano tungkol sa kanya ay hindi ko mapigilan ang galit na unti-unting umuusbong sa loob ko. Totoo nga na looks can be deceiving dahil wala sa mala santa niyang itsura ang gagawa ng ganun. I hope na sana mapigilan ko ang sarili ko na hindi magsalita, same thing with Jena dahil pakiramdam ko ang bigla siyang sasabog once na magkita sila.

"There she is!" Napabaling kami sa papalapit na si Trixie. Malawak ang ngiti niya at kumakaway pa habang papunta sa gawi namin.

"Hi babe." bati niya kay Aj at humalik pa ito sa pisngi. Kung siguro ay hindi ko pa nalalaman na may bahid ng pagtataksil ang lahat ay natuwa na ako sa kasweetan niyang ipinapakita sa aming harapan ngayon.

"By the way, this is Trixie. Girlfriend ko." aniya ni Aj sa amin.

"I already knew them. No need for that, babe." at tumawa pa ang higad habang sinasabi ito. Bitch!

"Ako hindi mo pa kilala." seryosong sabi ni Jena dito kaya napalingon siya.

"Oh, Hi there!" masayang bati ni Trixie. "I'm Trixie Lopez." naglahad ito ng kamay at nagulat ako ng tanggapin ito ni Jena. May nararamdaman akong kakaibang mangyayare.

"Yes, i know you. Trixie Lopez, nice name." Masayang sabi ni Jena ngunit alam ko na may bahid ito ng kung ano. Kilala ko si Jena at magaling siya sa pakikipaglaro sa mga tinuturing niyang kalaban.

"I'm Jena. Jena Dela Cruz." medyo nagulat si Trixie sa narinig niya ngunit agad naman itong napalitan ng ngiti.

"Your name sounds famil--"

"I am the daughter of Mr. Philip Dela Cruz. I'm pretty sure you know my father." seryoso na ang itsura ni Jena habang sinasabi ito at si Trixie naman ay mukha nagulantang sa kanyang narinig.

"Ang seryoso niyo naman yata?" aniya ni Elyson kaya naputol ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa na tanging ako lang ang nakakaalam.

"Upo ka muna Trixie." hinila ni Aj yung katabi niyang upuan at umupo dito si Trixie. Si Jena naman ay nanatili lang na nakatayo kaya nilapitan ko ito.

"Kung ano mang binabalak mo huwag mo ng ituloy. Alam ko kung anong iniisip mo Jena, huwag kang gumawa ng eksena dito."

"Don't worry bhesie, mild lang naman ang gagawin ko." at umupo na siya kaya umupo na rin ako sa tabi ni Elyson.

"So Aj, matagal mo na bang girlfriend si Trixie?" Tanong ni Jena habang sumisimsim ng juice niya. Masama talaga ang kutob ko ngayon.

"Yes. 3years na kami."

"So you really know her, huh?"

"Yes I did." nakangiting sagot sa kanya ni Aj at hinawakan pa nito ang kamay nung higad.

"Gaano mo na ba siya kakilala? Lahat-lahat ba ng tungkol sa kanya alam mo na?"

Biglang nagsalita si Trixie kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

"Bakit ganyan ang mga tanong mo Jena?" seryoso niyang tanong.

"I just want to know. May problema ba? You look so good together kasi at mukhang masayang masaya kayo eh!"

"Ofcourse we are." masayang sagot ni Aj. Kung alam mo lang talaga!

"I see. Pero huwag kang pakasisiguro Aj, dahil may kasabihan nga na kapag wala ang pusa, naglalaro ang daga." aniya ni Jena.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon