Nakasunod lang ako ngayon kay Aj. Kanina pa siya naglalakad at parang malalim ang iniisip niya.Nung tinanong ko siya kanina kung pwede ko ba siyang makausap ay tanging pagtango lang ang isinagot niya.
Galit parin ba siya sa akin dahil sa nangyare kagabi? Pero bakit siya lumapit sa akin nung kinausap ako nung Elyson? Sinabi pa niya na girlfriend niya ako. Siraulo talaga ang isang 'to. Siguro ay bipolar siya?
Nakita kong umupo siya sa dalampasigan at malalim parin ang iniisip. Tinabihan ko siya doon at tinitigan lang ang kanyang mukha.
Masasabi ko na ang mga mata talaga niya ang nagdadala sa mukha niya. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta pag tumingin ka sa mga ito ay parang mapapako kana rito.
Bigla siyang tumingin sa akin. Bakit ganito? Sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay bigla nalang kumakalabog ang puso ko?
Oo nga pala. Nandito nga pala ako para kausapin siya at manghingi ng tawad. Nanatili lang ang mga mata niya sa akin. Naiilang tuloy ako't hindi ko mabuo ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Buti nalang ay ibinaling niya ang paningin niya sa malawak na dagat na nasa harapan namin.
Bumuntong hininga akong muli. Kaya ko 'to. Basta ay magsosorry lang ako para matapos na ito.
"Sorry". Sabay namin sambit.
Napatingin siyang muli sa akin at maya-maya ay ngumiti siya. Hindi ko alam pero napangiti rin ako. Siguro ay magandang senyales ito dahil mukhang hindi na siya galit.
"Mauuna na ako. Sorry sa nangyare kagabi."
Nanatili parin ang mga mata niya sa akin habang ako'y nagsasalita. Naiilang talaga ako sa mga titig niya. Ayaw kasing tumigil ng malakas na pagpintig ng puso ko dahil dun. Ipinagpatuloy ko nalang ang sasabihin ko.
"Nasaktan lang kasi ako sa sinabi mo. Hindi ko naman ginusto yun. Nagpapasalamat naman ako sa concern mo pero--"
"Pero wala akong karapatan dahil hindi mo naman ako kaano-ano." pagputol niya.
Bakas sa boses niya ang lungkot. Hindi ako nakakibo dahil ayun naman talaga ang nasa isip ko.
"Pasensya kana sa inasal ko kagabi. Hindi ko kasi kayang pigilan ang sarili ko lalo na nung nilapitan ka nung lalaking yun." aniya.
"Alam mo naman na gusto kita. At naiinis ako sa mga lalaking umaaligid sayo. Parang ang dali lang kasi para sayo na bigyan sila ng atensyon."
Bumilis na naman ang pintig ng puso ko. Parang aatakihin na ako. Paanong nagagawa niyang maging vocal sa nararamdaman niya sa akin?
"Why am I so afraid to lose you when you're not even mine?"
Marahan siyang tumawa. Yung tawang alam mong pilit at nababalot ng lungkot.
"Ganito pala pag nagmahal ka 'no? Hindi talaga maiiwasan na masaktan ka. Kagaya nalang ng nararamdaman ko ngayon."
Biglang tumulo yung luha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan pero parang kumirot yung puso ko. Ayoko kasi sa lahat ay yung may nasasaktan akong tao. Alam ko kasi ang pakiramdam nito at ayokong maranasan ito ng iba lalo na nang dahil sa akin.
"Sorry kung nasasaktan ka." At ang sunod ko nalang nalaman ay niyakap ko na siya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun basta ang alam ko lang ay nasasaktan siya at ako ang dahilan nito.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. Kinilabutan ako sa ginawa niyang iyon. Parang nakuryente kasi ako. Nang matauhan ay kumalas na rin ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Bakit ka umiiyak? Para kang bata." At nakita kong ngumiti na siya. Mukhang ok na kaming dalawa.
"Ikaw kasi e, Pinaiyak mo ako." At natawa na naman siya sa sinabi ko.
Naglahad ako ng kamay sa kanya. Tinignan lang niya ito at parang nagtataka.
"Ano yan?"
"Kamay malamang!" pambabara ko.
"Bati na tayo. Friends?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ayoko. Alam mo naman na gusto kita. Kapag tinanggap ko yan ay parang sinabi ko na rin na sumusuko na ako." namula na naman ako sa sinabi niya. Binatukan ko nga! parang bata kasi e.
"Sinabi ko ba na sumuko ka?" Shit! Bat ko ba nasabi yun? Lumawak tuloy ang mga ngiti niya.
"So pumapayag kana na ligawan kita?" as if naman na may magagawa pa ako? E matagal ka naman nang nagumpisa.
"Basta ay friends muna tayo. Huwag mo akong madaliin." Takte! Ano ba 'tong mga nasasabi ko? Tumayo na ako at baka kung ano pang masabi ko.
"YES!" at ang loko ay sumigaw pa! Pumayag pa lang ako, uy! Hindi pa kita sinasagot. Bwiset 'to!
Bumalik na ako sa room namin para ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko kasi namalayan yung oras at tatlong oras ko na palang kasama yung bakulaw na yun.
"San ka ba galing, Bhesie? Kayo nalang ang hinihintay ni Aj. Bilisan mo na jan at aalis na tayo."
Lumabas na kami ni Jena at nakasalubong namin si Aj kasama si Ric. Napatingin pa sa akin yung bakulaw at ang lawak ng ngiti niya. Abnormal talaga!
Nagulat ako ng biglang kinuha ni Tristan yung bag na dala ko. Naagaw tuloy niya yung atensyon ko.
"Tara na, Carrie. Sa van kana sumakay." Nakita kong may space pa sa loob. May mga kaibigan kasi kami na nauna na daw umuwi.
"Sa akin siya sasabay." Malamig na sambit ni Aj.
Nagkatinginan sila ni Tristan. Nakitang kong nag igting ang panga ni Aj. Don't tell me magaaway sila? Bago pa sila magkainitan ay pumagitna na ako.
"Kay Aj na ako sasabay, Tristan. May dala naman siyang sasakyan e."
For the first time ay hindi ako nautal sa harap niya.
Napabaling sa akin si Jena at binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Alam ko kung anong nasa isip niya.
Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ko tinanggihan si Tristan. Dapat ay siya ang pinili ko diba, dahil siya yung crush ko? Pero sa ayun yung lumabas sa bibig ko e.
Hindi naman na nakipagtalo pa si Tristan. Pagkasabi kong kay Aj ako sasabay ay binitawan na niya yung bag ko at pumasok na siya sa van. Nagalit ba siya?
Kinuha na ni Aj yung bag ko at dumiretso na sa sasakyan niya. Hindi mabura sa labi niya ang malawak na ngiti.
Pumunta na rin si Jena at Ric sa sasakyan nila. Napatingin lang ako sa van.
Bakit ganito? Bakit wala akong panghihinayang na naramdaman nung pinili ko si Aj?
Nagkakagusto na ba ako sa kanya? Hindi! Hindi! Si Tristan ang gusto ko. Tama! Si Tristan talaga ang gusto ko..

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...