Kabanata 1

349 24 5
                                    


Mahirap talagang mabuhay 'pag napapalibutan ka ng mga taong mataas ang expectation sayo.

Kailangan mong tantsahin ang bawat galaw mo. Kailangan mong isipin nang paulit-ulit ang mga resulta ng mga desisyon na gagawin mo dahil alam mong may matang nakatutok sa 'yo. Bawat maliliit na detalye ay kailangan tama.

Nakakatawa ang mga tao 'no? Masyado silang nakatutok sa mali ng isang tao. Kapag may nagawa kang tama, hindi nila 'to napapansin or should i say, wala talaga silang pakialam.

Pero 'pag may mali ka namang nagawa, maliit man o malaki, agad nila itong napapansin.

Ang unfair talaga! kahit puro tama naman ang ginagawa mo, 'pag may nagawa kang unting pagkakamali ay burado na lahat.

Kung tutuusin, pwede ko namang hindi sundin si mama. Pwede namang mabuhay ako na ang sinusunod ko ay ang sarili ko lamang. Pero ang tanong e kaya ko ba?

Mahirap kasi kapag magulang mo na ang nag-eexpect sa 'yo. Natatakot kang mabigo't masaktan mo sila kaya kahit alam mong mahihirapan ka ay ayos lang dahil alam mong may umaasa sayo.

Paano kaya ang pakiramdam nang nagagawa mo 'yong gusto mo? Iyong hindi ka natatakot magkamali. Yung pwede kang magdesisyon para sa sarili mo na alam mong walang masasaktan na ibang tao? 'Yong hindi ka nakakulong sa expectation nila. 'Yong pwede mong piliin kung anong makapagpapasaya sayo. Gusto kong maranasan kung paanong-


"Miss Castillo!"

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa braso ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko hanggang sa maaninag ko ang bintana na nasa gilid ko. Nasa'n ako?

"Miss Castillo! do you hear me?"

Bumaling ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Ang kanyang buhok ay maayos na nakatali at may suot siyang salamin. Parang pamilyar ang mukha niya ngunit ayaw mag-sink-in sa utak ko kung sino siya.

"Nasa ospital na po ba ako?" tanong ko sa kanya nang biglang may narinig akong tawanan sa paligid ko. Teka, nasaan ba talaga ako?

Inangat ko ang ulo ko at napatingin sa mga taong nagtatawanan. Wait, classmates ko ang mga ito ah? Nasa classroom ako? papaanong-

"Shut up! Go back to your seats!" sigaw nung babaeng nasa harap ko.

Napatitig ako sa kanya nang unti-unting marealize ko na si Ms.Salazar pala ang nasa harap ko.

Bumaling siya sa akin. "Did I gave you the permission to sleep during my class Ms.Castillo?"

Paanong napunta ako rito? Ang huling naaalala ko ay nabunggo ako. Paanong bigla na lang akong napunta rito sa school? Panaginip lang ba 'yon?

"I'm sorry, ma'am." Mahina kong sagot sa kanya at napayuko ako.

"Ok. Next time I don't want this to happen again, understand?" mataray niyang sambit sa akin.

"Yes, ma'am."

Saglit pa siyang nag-discuss at nag-dismiss narin siya.

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung panaginip lang ba talaga 'yong nangyare kanina. Malamang ay panaginip nga lang 'yon.

Papalabas na ako ng room nang biglang may yumakap sa akin. Sa gulat ko'y muntikan ko na siyang maihagis. Buti nalang at kaagad 'tong nagsalita.

"Carrie, nakakaloka ka! tulugan daw ba si Ms.Salazar? alam mo namang jowa ni hitler 'yon 'di ba?" Maarteng sabi ni Jena.

"Malay ko ba? Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nakatulog e." Sagot ko sa kanya habang palabas kami ng classroom.


Bestfriend ko si Jena. Magkaibigan na kami nito mula high school. Hindi kagaya ko, mayaman ang isang 'to at easy go lucky lang. Parang pagpapaganda nga lang ang inaatupag nito kaysa pag-aaral.

"OMG! I almost forgot bhesie! Hinahanap ka nga pala ni AJ kahapon! Nakakaloka ka. Paghintayin ba naman si Baby Aj kahapon?" Maarte niyang pagkakasabi na naman niya habang tumitirik pa ang mata.

Nakakaloka talaga 'tong babaeng 'to! Kung bakit ba kasi pinulot ko pa ito at ginawang kaibigan?

Pero teka? AJ daw? Sino naman ang isang 'yon? Jusko! 2yrs na ako rito sa school namin at ni minsa'y wala akong na-encounter na Aj.

"AJ? Sino 'yon? Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ay ang boba lang? Ano 'to te may amnesia ka lang? Si AJ! 'Yongmanliligaw mo!" Pinandilatan pa niya ako na parang ang tanga ko sa part na yun.

"Hindi ko siya kilala. At wala akong manliligaw 'no! wag ka ngang imbento Jenaida!" sigaw ko sa kanya at hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa mukha niya.

"Iwww! it's Jena not Jenaida! Nakakadiri ka!" may kasama pang pag-arte na pasuka-suka ang loka-loka.

"Hindi raw kilala, ewan ko sayo! Bahala ka. O sige na, I have to go. kita nalang tayo sa canteen mamaya. May klase pa ko." Nagmamadali niyang sabi sabay beso sa akin.

Naglakad-lakad nalang ako habang iniisip kung saan pwedeng tumambay.

Hindi kasi kami magkaklase ni Jena sa next subject niya kaya mag-isa na naman ako ngayon. Wala na rin naman akong next class ngayon at 10:00am palang. Ayaw ko pang umuwi.

Napagdesisyonan ko nalang na pumunta sa gym para manuod sa mga naglalaro roon.

Biglang sumagi sa isip ko 'yong sinabi ni Jena.

AJ? sino kaya yun? wala naman akong manliligaw at never pa naman akong nagkaboyfriend so hindi ko ex 'yon. Baka pinagtitripan lang ako nung bruha. Mamaya lang talaga siya sa 'kin.


Papalapit na ako sa gym nang may narinig akong sumigaw. Hindi ko lang alam kung pangalan ko ba talaga 'yong tinawag kaya hindi ko nalang pinansin.

"Carrie!"

'Yan na naman. At sure ako na ako lang naman ang Carrie na nasa area na 'to na naglalakad 'di ba? So malamang ako nga talaga ang tinatawag nitong kung sino man siya.

Lumingon ako sa likod ko para harapin kung sino man 'yong tumatawag sa akin.

Sa paglingon ko ay nakita ko ang isang mala-anghel na lalaki. Matangkad siya at nakauniporme na pang school namin.

Nakatingin siya sa akin habang kumakaway at malaki ang ngiti sa mga labi.

OMG! Ako ba talaga ang tinatawag niya?

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon