Kabanata 37

70 13 0
                                        


Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday Happy Birthday.. Happy Birthday to you!

"Oh Yan, blow mo na yung candle!" masaya kong sabi kay Gian habang inilalapit sa kanya yung cake.

May free kasi na cake sa restaurant dito sa loob ng resort nila Ely kapag birthday mo, kaya binigyan kami ng isang malaking chocolate cake nang malamang birthday ni Gian. Nakakatuwa nga dahil pati ang ibang turista na kumakain dito sa loob ay nakikanta sa amin.

"Oh, wish muna!" sigaw ni Jena nang hihipan na dapat ang kandila. Saglit namang pumikit ang kapatid ko at matapos magwish ay hinipan na niya ang kandila't nagpalakpakan kami.

"15 kana Gian, pwede ng mang chiks!" natatawang sabi ni Ric na agad namang hinampas ni Jena.

"May girlfriend na nga yan e!" baling ko sa kanya at si Shane naman ay napayuko, marahil ay nahiya.

"Oh siya, tama na yan at kumain na tayo. Isama na natin yung iba kong niluto dito." masayang sabi ni mama at nag-umpisa na kaming kumain ng almusal.

Hindi ko maiwasang mangiti sa tuwing nakikita ko ang masasayang mukha ng mga espesyal na tao sa buhay ko ngayon. Nakakatuwa lang dahil sila ang mga taong ibinigay sa akin ng diyos at sobrang nagpapasalamat ako doon. Ngunit kalapip ng tuwa ay ang lungkot na siya ko ring nararamdaman. Lungkot na dulot ng katotohanang maaaring hindi ko na ganun katagal masisilayan ang mga ngiti nila.

Matapos kumain ay dumiretso na kami sa aming kwarto para makapagpalit ng damit pang swimming. Sa itsura nila ay talagang wala silang balak na magpahinga at talagang susulitin nila ang dalawang araw namin dito.

"Ok lang ba, Ate?" tanong sa akin ni Alyssa habang pinapakita yung suot niyang black na crop top at maikling short. Kahit 15 palang siya ay maganda na ang hulma ng katawan niya.

"Bagay siya sayo."aniya ko sa kanya at napansin kong medyo nataranta siya.

"Sino pong siya?" nakita kong namula siya kaya naman natawa ako.

"I mean yung suot mo, bagay siya sayo." aniya ko at napatakip naman siya ng mukha sa hiya.

"Alyssa, may gusto ka ba sa kapatid ko?" Diretsahan kong tanong sa kanya kaya't nanlaki ang mga mata niya dahil sa tanong ko, halatang nabigla talaga siya't hindi handa para rito.

"Ahh.. Ehh, A-ate may girlfriend siya kaya imposible yun!" nagiwas siya ng tingin sa akin kaya bahagya akong lumapit sa kanya.

"Imposibleng ano? Na magustuhan mo siya o magustuhan ka niya?" nanatili lang siyang tahimik at nakakita ako ng lungkot sa mga mata niya.

"Common Ly, dalawa lang tayo dito kaya wag ka nang mahiya sa akin."

"Ate, hi-hindi naman niya ako magugustuhan kaya useless lang din 'tong feelings ko sa kanya." malungkot niyang wika sa akin.

"Never naging useless ang pagmamahal Ly, hindi naman masamang magmahal e. Anong magagawa natin e nandiyan na yan? Pero kahit gusto mo siya, huwag kang gagawa ng paraan para magkasira sila ng girlfriend niya ha?" Aniya ko sa kanya, base on my experience yan! Haha.

"Hindi ko naman po talaga gagawin yun, ayokong magalit siya."

"Tama yan. Just let it go. Kung magugustuhan ka niya ay siya mismo ang makakakita nun. You just have to wait, besides ang babata niyo pa. Don't worry, I like you for my brother." sabay kindat ko sa kanya't dumiretso na ako palabas.

"Saglit ate!" sigaw niya sa akin at tumakbo palapit sa gawi ko tsaka lumingkis sa braso ko.

"Thank you Ate. Let's go!" masigla niyang sambit at hinila na ako papunta sa beach.

It was only just a dream (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon