Hindi naman kailangan na lumayo ka sa taong gusto mo para lang makamove-on. Hindi naman kasi yan nakadepende sa lapit o layo niyong dalawa sa isa't-isa kundi sa kung gaano mo talaga kagusto na makalimot na. Minsan nga kahit malayo ka sa taong gusto mo, kung lagi mo parin siyang iniisip at patuloy kang aasa ay hindi ka talaga makakalimot.Ayan yung narealize ko ngayon. Napagdesisyunan ko kasi na hindi ko na iiwasan pa si Aj. Ano nga namang silbi ng pagiwas ko? Hindi rin naman niya kasalanan na lumabas siya sa panaginip ko at nagkagusto ako sa kanya. Hahayaan ko nalang na nandito siya sa tabi ko bilang isang kaibigan. Sa tingin ko kasi ay sa ganitong paraan mas mapapadali ang pagmomove-on ko. Sasanayin ko ang sarili ko na lagi siyang kasama at lagi siyang nakikita, hanggang sa magising nalang ako isang araw na wala na akong nararamdaman sa kanya.
Mabilis lang natapos ang pangalawa naming klase ni Jena. Kagaya ng nauna ay nagorient at nagpakilala lang yung prof. Dumiretso na kami sa canteen para doon na maghintay kina Aj at Elyson.
"Anong binabalak mo?" utas ko kay Jena habang naglalakad kami.
"What? I don't know what you're talking about." natatawa niyang sagot sa akin. Alam ko na may pinaplano siya. Kilala ko na ang buong pagkatao nito ni Jena!
"Easy ka lang bhesie. Wala akong pinaplano. Besides, Elyson wants to hang out with us. Wala naman sigurong masama doon diba?" hindi nalang ako sumagot pa at hinayaan nalang siya sa isang tabi habang nagce-cellphone. Malamang ay tinitext na niya yung dalawa na parehong wala pa dito.
Naunang dumating si Elyson. Nagulat ako dahil naka uniform din siya na pang school namin. Paanong hindi ko alam na dito pala siya nag-aaral?
"Hi!" Bati niya sa amin ni Jena at dumiretso siya sa gawi ko. Nginitian niya ako at ganun din ang ginawa ko habang si Jena naman ay abala parin sa pagtitext at hinayaan lang kaming dalawa.
"Dito ka rin pala nag-aaral?" tanong ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin.
"Nagtranfer ako dito last year." sagot niya. Kaya pala hindi ko siya napapansin ay dahil kalilipat lang niya at yun yung mga panahon na nasa ospital pa ako.
"Anong year mo na?"
"Third year. Engineering ang course ko. Alam ko naman na yun yung next mong tanong." at tumawa siya sa harap ko. Sa totoo lang ay magaan ang loob ko kay Elyson. Kahit kasi mayaman at gwapo ay hindi siya mayabang at magaling siyang makisama.
"Magkasabay lang pala sana tayo kung hindi ako naospital." Aniya ko.
"Nabanggit nga sa akin ni Jena. Buti naman at ok kana ngayon." nakangiti niyang sagot sa akin. Nabigla ako ng bigla niyang inilagay ang mga takas kong buhok sa likod ng aking tenga.
"Ehem!" napatingin kami kay Jena at kasama na pala niya ngayon si Aj. Pareho silang nakatingin sa amin. Shit! Knowing her, alam kong bibigyan ng malisya ni Jena ang mga nakita niya. Tutuksuhin na naman niya ako mamaya nito.
Napatingin ako kay Aj na seryosong nakatingin kay Elyson. Nang magtama ang paningin namin ay nginitian niya ako at binalingan si Jena. Lumapit na ako sa kanila at nakasunod naman sa akin si Elyson.
"Let's go!" masiglang sabi sa amin ni Jena. Dumiretso na kami sa parking lot at naguluhan pa ako kung saan ako sasabay dahil silang tatlo ay may dalang sasakyan.
"Jena, sayo nalang ako sasab--"
"Isabay mo nalang siya Aj." pagputol ni Jena sa akin at bumaling siya kay Aj na nakatingin ngayon sa akin. Bakit hindi nalang niya ako isabay? Bakit si Aj pa?
Magsasalita na sana si Aj ng biglang sumingit sa kanila si Elyson.
"She can ride with me, kung ok lang sa inyo?" Baling niya kila Jena. Para naman akong bata ngayon na hindi alam kung saan sasama. Sumakay nalang kaya ako ng jeep para mas madali ang usapan?
BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...