"Ok na ang lahat bhesie, enrolled na tayo!" masayang sambit sa akin ni Jena.Nandito kami ngayon sa mall at katatapos lang namin mag enroll. 2nd year ulit kami ngayon dahil nga sa pagkakacomatose ko. At si Jena? Ayun, nalaman ko na hindi rin pala nag-aral nung mga panahon na nasa ospital ako. Gusto niya daw kasi na sabay kaming grumaduate, loka loka talaga ang isang 'to. Mababaw mang isipin pero sobrang naappreciate ko ang ginawa ni Jena. Hindi man lang siya nanghinayang na nag stop siya para sa akin. Afterall, maswerte parin ako dahil may kaibigan akong kagaya niya.
Pumasok na kami sa Bon Chon para mag lunch. Mukhang masaya ngayon si Jena at manlilibre daw siya.
"Saan na si Ric?" tanong ko sa kanya habang namimili ako ng kakainin namin.
"Hindi na raw makakapunta, may aasikasuhin. Buti nalang para makapag Boy hunt tayo! Haha." Galak niyang sabi sa akin. Mga kalokohan niya talaga, idadamay pa ako!
Tumayo na ako para umorder at iniwan ko si Jena habang may kausap sa cellphone. Malamang ay si Ric na naman yun.
"Miss, ikaw na." napalingon ako sa lalaki na nagsalita sa likod ko. Parang namumukaan ko ang isang 'to ah?
"E-elyson?" hindi ako sure kung yun yung name niya but i remember his face. Nakita ko na siya sa panaginip ko noon.
"Kilala mo ako? Did i saw you before?" takang tanong niya sa akin.
Nakalimutan kong hindi nga pala niya ako kilala. Well, as if naman na alam niya yung nangyareng yun? Hindi ko nalang siya pinansin at iniwan dun na nagtataka. Ika nga nila, less talk, less mistake.
"Who's that guy? Ang aga nating lumandi ngayon bhesie ah?" pangaasar sa akin ni Jena pag balik ko sa table namin.
"Sira, nakita ko rin siya sa panaginip ko." bumaling ako kay Elyson na nakatingin sa table namin ngayon.
"Oh.. So nakafling mo siya sa panaginip mo? Infairness sayo ah? Hanggang panaginip humaharot ka." at bigla siyang humalakhak.
Nagumpisa na kaming kumain at hindi ko na pinansin pa yung sinabi niya. Knowing her, hahaba lang ang usapan na 'to at baka ungkatin pa niya yung nangyareng dun sa panaginip ko. I don't want to talk about him.
"Hindi parin ba siya nagpaparamdam sayo?" napahinto ako sa pagkain dahil sa tanong ni Jena.
5 months na ang nakalipas mula nung huling pagkikita namin ni Aj. Pagkatapos ko siyang paalisin nun sa kwarto ko ay hindi na siya dumalaw sa bahay. Nung una ay inexpect ko mangungulit siya pero narealize ko na hindi nga pala siya yung Aj na nakilala ko. Naging ok naman ako sa nakalipas na mga buwan. Atleast kahit papaano ay mapapadali ang pagmo-move-on ko sa kanya.
"Mas ok na yun. Ayaw ko na rin naman siyang makita. Mas mahihirapan lang ako."
"Bakit ngayon? Hindi ka ba nahihirapan?" hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Miss ko na siya. Miss na miss ko na siya. But this is the only way para makalimot ako kaya kahit mahirap ay gagawin ko.
"You still like him." pagconclude niya.
"Oo gusto ko parin siya, pero kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko. Anong gagawin ko? Aagawin ko siya sa girlfriend niya? Ayokong makasakit ng ibang tao para lang sa kasiyahan ko.
Hindi narin naman na nagsalita pa si Jena kaya nagpatuloy na ako sa pagkain.
"Excuse me, pwede ba akong makisalo sa inyo?" napabaling kami kay Elyson na nasa harap namin ngayon.
"Sure!" masiglang sagot ni Jena. Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay habang malawak ang ngiti. Alam ko ang mga ganyang tingin niya, may binabalak na naman siya.
BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...