Kabanata 35

45 13 0
                                    


Lumabas ako't hinarap sila Jena ng walang bakas ng luha sa mga mata't may ngiti sa labi. I need to act normal. Hindi dapat sila makahalata na may mali sa akin, na may sakit ako. Ayokong mag-isip pa sila tungkol dito at problemahin pa ang problema ko.

"Anong sabi? May sakit ka daw ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jena paglabas ko ng opisina ni doktora.

"Ano ka ba, Jena. Wala nga akong sakit, ang kulit niyo kasi e. Sa pagod lang daw 'to at sa paiba-ibang panahon. Chill lang!" Marahan akong tumawa para mas maging kapani-paniwala yung sinabi ko kahit pa alam kong ang awkward nun.

"Are you sure? Mukhang hindi ka ok e?" Napabaling ako kay Elyson na nakamasid din sa akin. Pinagpapawisan ako sa paraan ng pagtingin niya dahil parang nababasa niya ang nasa isip ko.

"O-oo, ok nga lang ako."

"I'll ask tita about this. Hindi talaga ako mapalagay. Parang may tinatago ka."

Lumundag ang puso ko ng biglang lumakad si Elyson papunta sa opisina ng tita niya. No way! Hindi dapat nila malaman 'to. Bago pa niya pihitin yung pinto ay bumukas na ito't bumungad sa kanya ang tita niya.

"Oh hijo, aalis na ba kayo?"

"Tita tell me, ano po bang naging result nung check-up ni Carrie?" diretsahang tanong niya rito.

Gusto ko nang tumakbo palapit sa kanila at hatakin si Elyson palayo dahil sobrang natatakot ako ngayon. Natatakot ako na malaman nila ito.

Tumingin muna sa akin ng sandali si doktora bago niya hinarap si Elyson na seryosong naghihintay ng sasabihin niya.

"She's fine. Wala naman akong nakitang mali sa kanya. She just need to take more rest dahil mukhang napapagod siya lately." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang at pumayag siyang huwag ipaalam ito sa iba.

Hindi na rin naman nangulit pa si Elyson ngunit matalim ang bawat tingin niya sa akin. Inoobserbahan niya ako at alam ko na isang maling galaw lang ay malalaman na niya na may nililihim ako.

Lumabas na kami ng Clinic at nagpaalam na sa tita ni Elyson. Naibigay na rin niya sa akin kanina yung pangalan at address ng ospital na pinapasukan ng kaibigan niyang neurosurgeon.

"Tell me the truth Carrie, tutulungan naman kita e." Nagulat ako ng biglang magsalita sa tabi ko si Elyson pagpasok ni Jena ng sasakyan. Kaming dalawa nalang ang naiwan sa labas.

"That's the truth Ely. Don't worry, maayos lang ako." nginitian ko siya at pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya.

Ito yung pinaka ayaw ko sa lahat e, yung may tinatago ako sa iba. Ayoko kasi yung pakiramdam na hindi ka mapakali at parating kang kinakabahan na baka malaman nila yung tinatago mo. Pero in my case, mas mabuti ng itago ko ito. Ayokong dumagdag sa alalahanin nila. Isa pa, hindi pa naman talaga sure kung tumor talaga 'to. I'm still hoping na hindi 'to ganun kalala.

Hinatid lang nila ako sa bahay at umalis na rin kaagad sila. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si mama na nagluluto sa kusina. Wala pala siyang pasok ngayon.

Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang niyakap habang nakatalikod sa akin. Gusto kong maramdaman ang yakap ni mama. Kailangan na kailangan ko ito ngayon dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"Oh nandyan kana pala." aniya niya at hinarap ako't hinalikan sa pisngi.

"Ma, I love you." pinigilan ko ang sarili ko na maluha. Alam ko na naguguluhan si mama sa inaasta ko ngayon. I just want to say it though.

"May kailangan ka ba't naglalambing ka?" natatawang sabi niya sa akin at habang nilalagay na sa mangkok yung niluto niya.

"Grabe ka ma! Haha. Wala po, namiss ko lang kayong makita dito sa bahay."

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon