"Kapal ng mukha niya! Leche siya! Magnanakaw ng halik! Napaka paasa talaga ng bakulaw na yun!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi mapasigaw dahil sa sobrang pagkainis."E bat ka kasi pumayag na halikan ka niya?" tanong sa akin ng katabi kong si Jena.
Nandito parin ako ngayon sa garden ng school namin. Pinapunta ko dito si Jena pagtapos akong iwan ng magaling na bakulaw na yun! Ang kapal ng mukha niya, pagtapos kunin ang first kiss ko ay parang wala lang nangyare? Sa tuwing maaalala ko yun ay nag ngingitngit talaga ako sa galit!
"Hindi ko naman inaasahan na hahalikan niya ako!"
"Ah. So you mean, dahil hindi mo inaasahan ay inenjoy mo nalang yung paghalik niya? Pwede mo namang itulak diba? Ginusto mo rin kasi."
"Sino bang kaibigan mo? Diba ako? Ako ang biktima dito Jena! Ninakaw ng lalaking yun ang first kiss ko!" Pag-iinarte ko sa kanya. Alam ko naman na wala na akong magagawa at totoo naman na hindi ko siya kanina pinigilan pero naiinis talaga ako.
"Gusto mo panagutan ka niya? Tigilan mo ako sa kaartehan mo! As if naman na virginity mo nakuha!" utas niya sa akin sabay hatak ng kamay ko.
Dumiretso na kami sa parking lot. Hindi ko na namalayan ang oras at alas dos na pala ng hapon. Ang alam ni mama ay maaga ang uwi ko ngayon kaya sinabi ko kay Jena na ihatid na lang niya ako sa bahay.
Mama:
Nasan kana?Muling nagtext si mama pero hindi ko na ito nireplyan dahil nasa tapat na ako ng bahay. Hindi na rin naman na tumuloy pa si Jena sa bahay dahil magkikita sila ngayon ni Ric.
Pagpasok ko ng gate ay nakarinig ako ng mga nagtatawanan sa sala. May bisita ba ngayon si mama? Dumiretso na ako sa pinto at pagbukas ko ay bumungad sa akin si mama na nakaupo sa sofa at sa tabi niya ay isang babae na kaedad niya at isang dalaga. May dalawang pink na maleta rin sa gilid niya.
Napatitig ako dun sa dalagang kasama niya. Bakit siya nandito sa bahay namin? Anong ginagawa niya dito?
"Oh mare ito na nga pala yung panganay ko." Tumayo si mama at dumalo sa akin para ipakilala ako.
"Siya na ba si Carolina? Dalaga na pala ang anak mo mars!" lumapit sa akin yung babae at niyakap ako.
"Bestfriend ako ng mama mo nung highschool. You can call me Tita Gina." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Baby ka pa ng umalis papuntang U.S yang si Gina kaya hindi mo na siya nakilala." Dagdag ni mama.
"Nice to meet you po." at nagmano ako sa kanya sabay baling dun sa dalagang kasama niya.
"Anak niyo po siya?"
"Ah oo. Her name is Alyssa." tumayo ito at lumapit sa akin. Nakangiti niyang inilahad ang ang kamay niya sa akin.
Si Alyssa yung girlfriend ng kapatid ko sa panaginip ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon at anak pa pala siya ng bestfriend ni mama. Nakita na kaya siya ni Gian?
"Hi, Ate Carolina." Bumati siya sa akin at kinuha ko naman yung kamay niyang nakalahad sa harapan ko.
"Ma, nasan po si Gian?" Bumaling ako kay mama na ngayon ay kinukuha yung mga baso sa mesa. Tinulungan ko na siya at dumiretso kami sa kusina para lagyan ulit 'to ng juice.
"Pauwi na daw." maikli niyang sagot at nilagyan na ang mga baso.
Dumiretso na muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng pambahay. Nang marinig ko na yung boses ni Gian na kararating lang ay bumaba na rin kaagad ako pagtapos ko magpalit at dumiretso na sa sala.

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...