Kabanata 39

56 14 0
                                    


"Aalis na po ako Tita, Ate Carolina." aniya ni Alyssa habang inilalabas yung huling mga gamit na dadalhin niya.

"Sige, mag-iingat ka ha? Ikamusta mo nalang ako sa mommy mo." sabi ni mama at hinatid na namin siya palabas ng bahay.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng magswimming kami. At dahil bakasyon naman namin, doon na muna daw si Alyssa sa Singapore magbabakasyon tutal ay isang buwan pa bago ulit kami magpasukan. Ayaw pa nga sana pumayag ni Alyssa kaso lang nagpupumilit talaga si Tita Gina na makasama ang anak niya kahit ngayong bakasyon man lang daw.

"Pasalubong ko Ly ah? Haha." pahabol ko sa kanya't nakangiti naman niya akong binalingan.

"Sige Ate. Pasabi nalang din kay Gian na umalis na ko."

Napatingin ako sa pintuan pagkaalis ng taxi na sinasakyan ni Alyssa. Sakto kasing pag-alis niyo ay ang paglabas ni Gian na parang walang pakialam sa mundo.

"Hoy, bat hindi ka man lang nagpaalam kay Alyssa!" untag ko sa kanya sabay tanggal sa nakasukbit niyang earphone.

"Bakit pa e babalik din naman siya." naiirita niyang sabi't diri-diretso ng lumakad palayo sa akin.

Ito talaga ang napapansin ko matapos ng swimming namin e. Mula kasi nang umuwi kami ay hindi talaga nagpapansinan si Alyssa at Gian. Ni tingin ay hindi man lang tinatapunan ng kapatid ko si Alyssa kaya siguro napapayag na rin si Alyssa na magbakasyon muna't umalis dito, para umiwas muna sa kapatid ko. Wala rin naman akong alam sa kung ano bang nangyare dahil hindi rin naman nagkukwento yung dalawang yun sa akin.

Dumiretso na ako sa loob ng bahay para makapag-ayos na't may pupuntahan pa pala akong party. Kakauwi lang kasi ngayon ni Kuya Josh galing U.S kaya may paparty ito sa bahay nila't inimbita kaming mga kaibigan niya

Si Kuya Josh ay ang nakatatandang kapatid ni Jena. 15 palang kami noon ni Jena ng umalis si kuya papuntang U.S para doon na magpatuloy sa pag-aaral. Pasaway kasi yun noong highschool kami kaya pinadala doon nila tita sa kamag-anak nila dahil sakit lang daw si kuya sa kanila ng ulo.


"Carolina, bilisan mo't nandito na si Elyson."

"Opo ma, pababa na." aniya ko't dumiretso na sa sala.


Dapat kasi ay si Jena ang susundo sa akin ngayon at sabay na kami sa kanila pumunta, kaso lang ay nagkaproblema daw sa inorder nilang cake kaya pinuntahan niya ito't pinakiusapan si Elyson na isabay nalang ako papunta sa kanila.

Naabutan kong nakaupo si Elyson sa sofa habang busy sa pagkalikot ng phone niya. Naka white siyang polo ngayon na nakatiklop hanggang siko, itim na short at top sider. Ang linis niyang tignan kaya napatingin ako sa suot kong puting crop top at short. Hindi naman kasi sobrang formal yung party na yun knowing kuya Josh, magiinuman lang naman sila doon at magkakamustahan.

"Tara na?" excited kong sabi sa kanya kaya napabaling siya sa akin.

"Mukhang mas excited ka pa kesa kay Josh e?" natatawa niyang sabi sa akin at tumayo na rin para makaalis na kami.

Totoong naeexcite ako na makita si Kuya Josh. Crush ko kasi ito noom at talaga namang nakakaagaw pansin ang taglay niyang kagwapuhan. Magaling din itong sumayaw at mahilig magpatawa kaya kahit sino naman siguro ay hahanga sa kanya.

Buong biyahe ay puro asaran ang ginawa namin ni Elyson. Inaasar niya kasi ako na ang lakas daw ng loob ko na mag crop top e puro naman daw ako bilbil kahit wala naman, bwiset na 'to! Mabuti nalang at nakarating na kami kila Jena kaya natigil na siya sa pangungulit sa akin.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon