Ngayon ang labas ko sa ospital kaya nagaayos na kami ngayon. Si Jena, Ric, Gian at Mama ang nandito."Ma hindi pa ba tayo uuwi? Sino pa ba ang hinihintay natin?" tanong ko kay mama dahil inip na inip na ako.
Gustong-gusto ko nang umuwi sa bahay. Naminiss ko na yung kwarto ko. Ano na kaya ang itsura ng bahay? Isang taon na pala akong natutulog ng hindi ko alam.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung makita kong muli si Aj. Araw-araw siyang dumadalaw sa akin at kung minsan ay kasama niya si Trixie. Hindi rin naman kami naguusap pag dumadalaw siya dahil lagi akong nagpapanggap na tulog. Iniiwasan ko talaga na magkausap kami kaya ang laging nangyayare ay sila ni mama ang naguusap. Gigising lang ako nun pag nakaalis na siya. Hindi rin naman napapansin ni mama ang pag-iwas ko kay Aj dahil tanging si Jena lang ang nakakaalam sa nangyare sa panaginip ko.
"O ayan na pala." aniya ni mama habang nakatingin sa pinto. Napatingin din kami dun. Bakit siya nandito?
"Sorry po at medyo natagalan." magalang na sabi ni Aj habang palapit sa amin. Napabaling ako kay Trixie na nakasunod sa kanya. Anong ginagawa nila dito?
"Let's go?" masiglang tanong ni Trixie.
Napag alaman ko na sila pala ang maghahatid sa amin sa bahay. Bakit kailangang sila pa? Kaya naman naming umuwi ng kami lang.
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sila sa akin. Lahat sila ay nakatayo na at handang ng umalis, habang ako ay nakaupo pa at nakatitig lang kay Aj at Trixie. Tumayo na rin ako at dumiretso na sa pintuan. Hindi ko na sila muling tinignan pa dahil baka mapansin pa ako ni Trixie.
Paglabas namin ng ospital ay nakita na namin ang nakapark na Fortuner ni Aj. Sumakay na sa front seat si Trixie at si Aj naman ay pinagbuksan kami ng pinto. Napansin ko na nakatingin sa akin si Aj at ng lumingon ako sa kanya ay nginitian niya ako. Pumasok na ako sa loob dahil may nararamdaman na naman akong kung ano sa tiyan ko.
Tahimik lang ang naging biyahe at mukha wala namang may balak na magsalita. Hindi na rin pala sumabay sa amin si Ric dahil may trabaho pa pala ito.
"Babe, ibaba mo nalang ako sa mall. Madadaanan naman natin yun." aniya ni Trixie.
Inihinto ni AJ ang sasakyan ng nasa tapat na kami ng mall. Pagbaba ni Trixie ay sinalubong siya nung kasama nila nung isang linggo, Jay yata ang pangalan nun? Kumaway lang ito kay Aj at sinara na rin ang pintuan ng sasakyan. Napabaling ako kay Jena na nakatitig sa dalawa. Nang lumingon siya sa akin ay binigyan niya ako ng makabuluhang tingin. Hindi ko nalang ito pinansin pa.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay. Pinagbuksan kaming muli ng pinto ni AJ at kinuha na ni Gian yung mga dala namin. Aalalayan sana ako ni Aj ngunit tinanggihan ko siya.
"I can handle this." aniya ko.
Hindi na rin naman siya nagpumilit pa. Sana ay makaramdam siya na iniiwasan ko siya. Pasakay na siya sa loob ng sasakyan ng biglang magsalita si mama.
"Tuloy ka muna sa loob. Dito kana mag lunch." napatingin ako kay mama ng alukin niya si Aj. Sana ay hindi ito pumayag.
Bago pa makasagot si Aj ay hinatak na siya ni mama papasok sa loob. Nagulat ako sa ginawa ni mama. Ganyan na ba sila kaclose?
Pumasok na rin ako sa bahay at dumiretso sa kwarto. Bakit ba ganito? Sa tuwing iiwasan ko na siya ay ang tadhana naman ang naglalapit sa kanya sa akin.
"Kumain ka muna dito, Carrie. Sabayan mo na kami."
"Ok lang po ako, Ma. Busog pa po ako." nagtama ang paningin namin ni Aj habang sinasabi ko ito. Parang binabasa niya ang isip ko. Tumalikod na ako at agad pumanik sa kwarto bago pa nila mahalata na nagsisinungaling ako.
Alam mo kung ano ang mahirap sa lahat? Ito ay yung iwasan mo ang mga bagay na gustong gusto mo. Sa tuwing nakikita ko si Aj ay gusto kung tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya. Gusto ko na sabihin sa kanya ang lahat.
Pero anong gagawin ko? E wala namang katotohanan ang mga yun. Lahat ay parte lang ng aking pagnanais na takasan ang reyalidad. At sa tuwing nakikita ko siya ay nasasaktan ako dahil paulit-ulit na pinapamukha sa akin ng mundo na hindi siya sa akin. Na kahit kailan ay hindi siya magiging akin.
Wala namang nabago sa kwarto ko, ganito parin ang ayos niya. Nahiga nalang ako sa kama ko at napatulala. Hanggang ngayon ay nakararamdam parin akong kirot sa puso ko. Gusto kong sumigaw! Gusto kong ilabas ang bigat na nakabara sa dibdib ko.
Napabaling ako sa may pinto ng may kumatok dito.
"Pasok." walang gana kong sabi."
"Dinalhan kita ng makakain. Alam ko na gutom ka." bakit hindi nalang si Jena ang nagdala? Bakit siya pa? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? Paano ako makakalimot kung lagi siyang sumusulpot?
"Bakit ikaw ang nagdala? Nasan na sila Jena?" aniya ko sa kanya. Bakas sa boses ko ang irita. Naiirita ako sa ginagawa niya dahil hindi ko maiwasan na umasa.
"May problema ka ba sa akin? Bakit napapansin ko na nilalayuan mo ako? Akala ko ba ay ok na tayo at napatawad mo na ako?" malumanay niyang tanong.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.
"leave me alone." mariin kong sabi sa kanya.
"Sagutin mo muna ang tanon--"
"I said leave me alone! Hindi ka ba marunong umintindi? I don't want to see you! Lagi ko lang naaalala ang aksidenteng nangyari. Hindi na tayo magiging ok! So get the fuck out of my sight!" sigaw ko sa kanya.
I need to do this. Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan na pagmamay-ari na siya ng iba. Na kailangan ko ng ibaon ang nararamdaman ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya, hindi niya siguro inaasahan ang naging reaksiyon ko. Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan siya at bawiin ang mga sinabi ko. Kailangan kong gawin ito dahil ito ang dapat. Napatitig ako sa mata niya at parang nasasaktan siya. Nasasaktan ba siya sa sinabi ko? Marahil ay kung siya si Aj na nakikila ko sa panaginip ko ay masasaktan siya, pero hindi siya yun kaya kailangan kong itigil ang pag-iisip dito. Tumayo na rin siya at lumabas na sa kwarto ko.
Tuluyan nang bumuhos ang mgaluha ko na kanina ko pa pinipihipan. Tama ba talaga ang ginawa ko?Kasi kahit anong dikta ng isip ko ay hindi sumasang-ayon ang puso ko. Gusto ko siyang habulin. Gusto ko na bawiin na ang sinabi ko at sabihin na sa kanya ang lahat ng nangyare sa panaginip ko. Pero bakit pa? Hindi rin naman siya magiging akin kahit pa sabihin ko yun.
Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan na may mga bagay lang talaga sa mundo na hindi nakalaan sa atin. Masakit man ay kailangan nating iwan nalang ang mga ala-ala sa nakaraan.
Hindi ko inisip kailanman na makakaranas ako ng ganito. Noon ay aral lang ang inaatupag ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala mainlove, masakit. Bakit pa ba kasi tayo nagmamahal kung masasaktan lang din tayo?
Sa pagmamahal, kailangan nating matutunan mag let go, dahil part yun ng proseso. Ang kumplikado lang dahil bakit mo ile-let go ang bagay na nagpapasaya sayo? Pero sabagay, ito rin kasi yung bagay na nagdudulot ng sakit sayo. Patuloy kang kumakapit kahit wala ka naman ng aasahan, kaya mas mabuti pa na mag let go nalang. Ang kumplikado ba? Ganun talaga, Love is complicated.
At simula ngayon ay kailangan ko ng kalimutan si Aj at ang mga ala-ala na likha lamang ng aking isipan. Kailangan ko na siyang iwasan dahil alam ko naman na masasaktan lang ako kung aasa pa ako sa kanya.
I am letting him go, even if his not mine.
---
AN: Pasensya guys hindi nakapag update kagabi, late na rin kasi nakauwi e. meeeychurut ito na mars ❤️
BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...