AN: Update pa more! Comment na guys.Anyways, para sa mga sawi, niloko at hindi pa nakakamove-on, basahin niyo yung "run away" ni jnnfrcrvnts. Maganda yang story na yan. Salamat! :)
---
Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko habang nakatitig ako sa mukha niya. Ang kanyang mga mata, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, at ang manipis at mapula niyang labi. Lahat ng ito ay pinagmasdan kong mabuti. Parang kay tagal ko itong hindi nakita kaya't itinatatak ko na ito sa aking isipan. Natatakot ako na baka panaginip na naman ito, na baka hindi totoo ang nakikita ko. Gosh! Miss na miss ko siya. Nakikilala ba niya ako?
Marahan niyang pinawi ang mga luha ko sa aking mata. Ang banayad niya haplos ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Pakiramdam na tanging siya lang ang nagdudulot sa akin. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na haplusin ang kanyang mukha. Marahan kong hinaplos ang bawat parte nito. Mula ng nagising ako ay ngayon lang ako nakaramdam ng saya. Pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat sa puso ko.
"A-aj? Ikaw ba talaga yan? Totoo ba 'to?" humihikbi kong wika sa kanya. Bakas sa kanya ang pagtataka.
"Kilala mo ako?" takang tanong niya sa akin.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi niya ako nakikilala? Pero bakit niya ako nilapitan? Ibinaba ko na ang aking kamay na nakahawak sa kanya mukha. Nakaramdam na naman ako ng pagbabara sa aking lalamunan. H-hindi niya ako nakikilala? Hindi nga totoo ang lahat.
"Alam mo na ba na ako ang nakabangga sayo?" tanong niyang muli sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. Sigurado akong siya si Aj dahil pareho sila ng itsura. Sabagay, siya naman talaga si Aj. Hindi nga lang yung taong nakikilala ko sa panaginip ko.
"O-oo. N-nabanggit na sa akin ni mama." nagiwas akong tingin sa kanya ng maramdaman ko na naman na tutulong muli ang mga luha ko.
Akala ko ay nakikilala niya ako. Akala ko ay naaalala niya ako bilang si Carolina na gusto niya. Ngunit tama nga sila mama, panaginip lang ang lahat. Ilusyon ko lang 'yon. Pero bakit siya? Bakit si Aj ang nakilala ko? Bakit hindi nalang si Tristan o ang iba kong kakilala? Bakit si Aj na hindi ko naman kilala?
"Sorry sa nangyare. Ok kana ba?" nagaalala niyang sambit sa akin.
"Aksidente ang lahat kaya wala kang kasalanan. Ok na ako." hindi na ako tumingin pa sa kanya. Lalo lang akong masasaktan sa paulit-ulit na pagsampal sa akin ng katotohanan.
"May kasalanan din ako. Hindi ako nakatingin sa kalsada dahil inuna ko ang telepono ko. Pasensya talaga, Carolina."
Tumulo na naman ang mga luha ko ng sambitin niya ang pangalan ko. Mas mabuti nga yata na hindi ko nalang siya nakita. Mas nasasaktan ako ngayon kaysa sa inaasahan ko.
Tinanong ko sa kanya kung ano ang nangyare nung araw na yun, kung papaano niya ako nasagasaan.
"Nagmamadali kasi ako nun dahil may usapan kami ng girlfriend ko. Nalate ako nun kaya tinawagan ko siya habang nagmamaneho ako. Hindi siya sumasagot kaya nafrustrate ako at dahil sa masyado akong nakapokus sa pagtawag sa kanya ay nakalimutan kong tumingin sa kalsada. Pag angat ko ng tingin ay nakita na lang kita na patawid. Bumusina pa ako ngunit huli na dahil nabangga na kita."
So may girlfriend siya? Biglang sumikip ang dibdib ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko na maiyak na naman. Tama na. Kailangan ko nang tanggapin ang katotohan na panaginip lang ang lahat. Hindi totoo ang lahat!
"Kasalan ko din naman dahil hindi ako tumingin sa kalsada." aniya ko.
Nakatitig lang siya sa akin. Gusto kong isipin na may naaalala siya pero ayaw ko nang paasahin ang sarili ko.
Akala ko ay sasaya ako pag nalaman ko na si Aj ang nakabangga sa akin. Ngayong nasa harapan ko na siya ay gusto ko ng bawiin yun. Sana pala ay hindi ko nalang siya nakita. Sana pala ay hindi ko nalang pinilit na hanapin pa siya dahil mas lalo lang akong nasasaktan ngayon. Mas lalo lang akong nagising sa katotohanan na wala na dapat akong asahan.
Pero mas nasasaktan ako dahil alam kong gusto ko na siya. Na nahulog na ako sa kanya at wala akong ibang pwedeng gawin kundi itigil na itong nararamdaman ko! Minahal ko siya sa ibang panahon at kailangan kong tanggapin na may iba siyang mahal. Totoo niyang mahal at hindi likha lamang ng isang ilusyon.
Nagpaalam na ako sa kanya na babalik na ako sa kwarto ko. Hindi ko na kaya na magstay pa kahit isang minuto kasama siya dahil lalo lang akong mawawasak. Kaso lang ay nagoffer siya na ihahatid na niya ako dahil gusto daw niya makausap si mama about sa bill dito sa ospital. Hindi na ako tumanggi pa at nauna na ako sa kanya para maiwasan ang pakikipag-usap sa kanya.
Habang naglalakad kami ay may biglang yumakap sa kanya na isang babae. Nagulat ako dito kaya nagiwas ako ng tingin. Napansin ko rin yung lalaking kasama nung babae na nakatingin sa kanila habang nakakunot ang noo. Kumalas na yung babae sa pagkakayakap at napalapit naman yung lalaki kay Aj para umapir.
"Babe, san ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap!" pagsasalita nung babae.
Napatingin ako sa kanya. Ang kanyang mahabang buhok na may kulot sa dulo ay bumagay sa mala-anghel niyang mukha at sa maganda niyang katawan. Napakaganda niya. Siya siguro yung girlfriend ni Aj. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kirot sa aking puso pag naiisip ko ito.
"Sa rooftop lang babe. By the way, this is Carolina. Siya yung kinukwento ko sayo na nabangga ko." aniya ni Aj.
Napalingon sa akin yung babae pati na rin yung lalaking kasama niya. Siguro ay kaibigan ni Aj yung lalaki. Ngitian ako nung girlfriend niya at naglahad ito ng kamay.
"Hi! I'm trixie. Joaquin's Fiancee. And this is Jay, my umh.. friend."
Fiancee? Ikakasal na pala sila. Napatingin ako sa lalaking kasama niya. May kung ano sa kanyang aura na hindi ko maipaliwanag. Parang galit siya. Nang magtama ang paningin namin ay nginitian niya ako at naglahad ng kamay. Tinanggap ko ito at hindi nalang pinansin pa siya.
Dumiretso na kami sa room ko at bumungad sa amin sila mama. Agad siyang lumapit sa akin at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"San ka ba nagpunt--"
Naputol siya ng makita niya ang mga tao sa likod ko. Marahil ay alam na niya kung saan at bakit ako umalis.
"Nagkita na pala kayo ng anak ko, Mr.Fajardo." baling ni mama kay Aj.
"Joaquin nalang po, ma'am. Nakita ko po siya sa rooftop kanina at nakapag usap na po kami."
Nagusap lang sila ni mama ng bigla akong hinatak ni Jena sa gilid.
"Siya ba yung Aj sa panaginip mo?" tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
"And who is that girl? Kung makakapit ay parang tuko ah?" nginuso niya si Trixie kaya napalingon ako sa kanila.
Nakita ko na nakakapit nga ito sa braso ni Aj habang kinakausap si mama. Bumati ito kay mama. May sinabi si Aj kay mama at kinuha yung kamay ni Trixie. Ipinakita nito ang singsing na suot niya, siguro ay sinabi nila kay mama na ikakasal na sila. Mukha silang masaya at hindi maitatanggi na bagay nga sila.
Nagulat ako ng biglang hinalikan ni Aj yung babae.Nakita ko na napatakip ng bibig si Jena sa gulat at napatalikod naman ako dahil ayaw ko itong makita. Muli na namang tumulo ang mga luha ko. Shit!

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...