Kabanata 9

147 20 6
                                    


AN: Nasa media po yung picture nung suot ni Carolina sa party ni Jena. Check niyo nalang po :) Comment/Vote na guys ^^ Salamat :D






Pagkapasok ko sa room namin ay nilock ko kaagad ang pinto. Napahawak ako sa dibdib kong malakas parin ang kalabog hanggang ngayon habang nakasandal ako sa pintuan.

Bwiset talaga ang bakulaw na yun! Malay ko ba na hindi yun ang ibig niyang sabihin? Sabagay, kasalanan ko rin naman dahil umeksena agad ako ng hindi siya pinapatapos. Pero kahit na! Nakakainis parin siya! Nakakahiya talaga!

Nakalapag sa kama yung susuotin ko para mamaya sa party. Isang floral dress ito. Mahilig kasi si Jena sa bulaklak kaya ito ang theme ng party niya.

Lumapit ako sa kama at kinuha yung dress para itinabi muna. Mamaya ko nalang ito susukatin.

Tumunog yung cellphone ko dahil sa tumatawag na kapatid ko.

"Hello?"

"Ate!" masigla niyang bungad. "Magbukas ka ng facebook mo, dali! may ipapanuod ako sayo." ano naman kaya ito?

Pinatay ko na ang tawag niya at pinindot ang icon ng facebook sa cellphone ko. Idiniactivate ko ito noong exam namin at ngayon nalang ulit ako magbubukas.

Pag log-in ko ay bumungad sa newsfeed ko ang isang video na ipinost ng isang Alyssa Cruz, 1hour ago. May caption ito na Lucky to have him ❤ at nakatag ito sa sa kapatid ko.

Video niya ito habang hinaharana niya yung babae. Hindi ko masyadong marinig yung boses dahil puro tilian ng mga nanunuod ang nangingibabaw. Pagkatapos ng pagkanta niya ay binigyan niya ng malaking teddy bear yung babae habang pulang-pula yung mukha nito.

Jusko! Ang babata pa lovelife agad inatupag! Biglang nag pop up yung mukha ni Gian. nagmessage ang tukmol.

Nakita mo na? Galing ko 'no? Haha. Sinagot na niya ako! Yes! Salamat sa tulong ate.

Nag log out narin ako matapos basahin ang kalandian niya. Sineen ko nalang ito at hindi na nireplyan.

Nagtext si Jena at sinabi niyang si Ashley daw ang magaayos sa akin at mamayang alas singko pa naman iyon. Pakiramdam ko ay inaatok parin ako kaya natulog nalang muna ako.

Nagising nalang ako ng makarinig ako ng katok sa pintuan. Nilock ko nga pala ito kanina! Haha. Saan kaya naglagi si Jena?

Bumangon na ako at binuksan ang pintuan. Sumalubong sa akin si Ashley. Nakasuot siya ng floral dress dahil ito nga ang theme ng party ngunit hindi gaya ng akin ay mas revealing ang suot niya.

"Nakakaloka ka Carrie! Kinalyo na ang kamay ko kakakatok sa pintuan! Nag ala Sleeping Beauty kana naman!" Nakabusangot ang mukha niya sabay irap sa akin.

"Wala kasi akong tulog kagabi."

Sumunod ako sa kanya at pinaupo niya ako sa tapat ng salamin para umpisahan na akong ayusan.

Light lang ang make-up na inapply niya sa akin para mahighlight lang daw yung features ng mukha ko. Hindi rin naman kasi ako pala make-up kaya sinabi kong wag niyang kakapalan. Naiinis kasi ako sa mga babaeng ang kakapal kung mag make-up! Yung ginagawang coloring book ang mga mukha nila at halos hindi mo na sila makilala!

Sinunod niyang ayusin ang buhok ko. Sinabi kong i-bun nalang niya ang hanggang bewang kong buhok dahil nakakairita pag nakalugay. Siya na daw ang bahalang mag style kung anong klaseng bun ang gagawin niya rito.

Pagkatapos ay pinaharap na niya ako sa salamin para makita ang itsura ko. I must say, magaling nga talaga si Ashley pag dating sa ganitong bagay.

"Ayan! Mas lalo kang gumanda." pagpuri niya sa akin.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon