A/N: Hi guys :) May pinublished po akong isa pang kwento entitled "BELIE". Kung may time po kayo, basahin niyo rin po siya, kung ok lang po? Hehe. Advance salamat ;)
"Congrats bhesie! Finally.." masayang bati sa akin ni Jena.
"Salamat Jena." naiiyak ko siyang nilapitan at mabilis na inakap.
I can't believe na after all of the struggles, finally graduate na ako! I thought hindi ko na maipagpapatuloy pa 'to after what happened but now, ito na siya! Hawak ko na ang papel na matagal ko ng inaasam.
It's been two years, two long years for me to finally made it. Sobrang dami na ngang nangyare sa buhay ko sa nagdaang dalawang taon. Napagiwan na nga ako ng mga kabatch ko noon, but still it's worth the wait.
Ganito pala ang pakiramdam pag nahawakan mo na yung diploma mo 'no? Indeed, it's priceless! Lalo na nung makita ko yung mga reaksiyon nila mama habang ibinibigay 'to sa akin. They're all crying and I am so everwhelmed. Alam kong ito ang pinangarap sa akin ni mama sa umpisa palang kaya alam ko na talagang masaya siyang makita ako ngayon.
Matapos ang iyakan ay pumasok na kami ni mama sa sasakyan ni Jena para makauwi na. Kanina pa excited silang dalawa na pauwiin ako at sobrang weird ng kinikilos nila.
"Ma, bakit hindi niyo sinama sila Gian? Ang alam ko, gustong-gusto niya sumama ha?"
"May gagawin daw siya kaya hindi na nakasama." wala sa sariling sabi ni mama habang may katext sa phone niya.
Hindi ko na siya tinatanong pa dahil seryoso siyang nakabaling sa kanyang cellphone at baka maistorbo ko pa.
Mabilis rin kaming nakarating sa bahay. Papasok na sana ako kaso ay nakalock yung gate kaya napabaling ako kay mama.
"Umalis sila kanina kaya pinalock ko nalang" Aniya ni mama sabay abot sa akin ng susi.
Pagkabukas ay dumiretso na ako sa main door. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako ng biglang may pumutok at sumaboy sa akin ang mga confetti.
"Congratulations!!" Sabay-sabay nilang bati sa akin.
Napatakip nalang ako ng bibig habang tinitignan ang masasayang mukha nila Gian, Alyssa, Elyson, Ashley, Ric, at Kuya Josh. Lahat sila ay malaki ang ngiti habang hawak ang malaking banner na may picture ko pa.
Isa-isa silang lumapit sa akin at mahigpit ako niyakap. Kaya pala pinagmamadali nila akong pauwiin, may surpresa pala sila!
"Oh bakit ka nakabusangot?" tanong ko sa kapatid kong hindi mapinta ang mukha habang palapit sa akin.
"Si mama kasi! Sabi kong sasama ako at sila nalang ang maiwan dito e!" parang bata niyang sumbong sa akin.
Lahat kami ay napatawa dahil sa sinabi ni Gian. Nikayap na rin niya ako at may inabot siya sa akin na maliit na sobre.
"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.
"Buksan mo."
Pagbukas ko ay may laman 'tong dalawang ticket ng Star City. Taka akong tumingin sa kanya at nakita kong namumula ang mukha niya ngayon.
"Alam kong mura lang yan. Wala pa kasi akong pera e." nahihiya niya sabi.
"E bakit dalawa 'to?"
"Syempre kasama ako! Hindi kasi ako sinama nila mama kaya tayong dalawa lang ang magbabonding mamaya! Hindi natin sila sasama." parang bata niya ani sabay diretso sa kusina dahil sa hiya.

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...