Kabanata 14

82 19 3
                                    

Love is not what the mind thinks, but what the heart feels.

Ito ang narealize ko pagkatapos magconfess sa akin ni Tristan. Siguro nga ay nasabi kong gusto ko siya dahil ayun na ang itinatak ko sa isip ko.

Ewan ko ba? Dapat nga ay matuwa ako diba? Dahil all this time, gusto rin pala ako ng taong gusto ko. Pero bakit hindi ako lubos na natuwa? Oo natuwa ako nung nalaman kong gusto niya ako pero parang may kulang talaga e.

Marahil ay dala 'to ng masyadong pagiisip ko sa kanya noon. Ang kanyang mga ngiti, ang mga katangian niyang kaiba sa mga nakakasalamuha kong lalaki. Lahat yun ay itinatak ko sa utak ko kaya siguro nasabi ko noon na gusto ko siya. Pero nakalimutan ko naman na itatak ito sa puso ko.

Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata. Baka sakaling may maramdaman akong kakaiba. Pero wala talaga e! Bakit ganito?

Masasabi niyo ba na masama ako kung sasabihin ko na hindi ko pala talaga siya gusto? I mean, in a romantic way. Pagpapaasa ba ang tawag dun? Siguro nga ay oo. Dahil nabasa niya yung mga nakalagay sa notebook ko. Dahil doon ay nagawa niyang ipagtapat sa akin ang nararamdaman niya.

Nagtatalo na ang puso at isip ko ngayon. Sinasabi ng utak ko na matuwa ako dahil finally nagustuhan na ako ni Tristan pero ang puso ko naman ay hindi sumasang-ayon. Maging ako ay naguguluhan dahil alam kong may mali at alam kong isang tao lang ang may kakayahan na pabilisin ang tibok ng puso ko at magbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Yung tipong kahit itanggi man ng isip ko na gusto ko siya, ayun naman ang isinisigaw ng puso ko. At hindi si Tristan ang taong yun.

I want to be fair to him. Alam ko naman na i gave him false hopes, at kasalanan ko iyun. Kaya kailangan ko talaga na linawin ito sa kanya.

"Sorry Tristan." nanatili parin ang mata niya sa akin.

"Oo. Inaamin ko na gusto kita, noon. Pero kasi--"

"Pero iba na ang gusto mo ngayon, tama ba? Si Aj?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Paanong.. Alam niya? Oo. Si Aj ang tinutukoy ng puso ko. Siya ang taong gusto ko. Alam ko noon na may iba na akong nararamdaman sa kanya pero pilit kong itinanggi ito sa isip ko dahil nga ang alam ko ay si Tristan ang gusto ko. Pero ngayon ay nalinawan na ako.

"Alam ko Carrie na gusto mo siya. Kahit sino ay mahahalata yun. Masyado ka kasing tranparent."

Ha? Paanong mamahalata yun ng lahat? E ang sarili ko nga ay ngayon lang ito napagtanto.

"Wala naman ako balak na kalabanin siya, dahil alam ko naman na talo na ako. Sinabi ko lang ito sayo dahil gusto ko na malaman mo ang nararamdaman ko. Malay mo, may pag-asa pa pala ako? Haha."

Malungkot siyang nangiti. Naiinis ako sa sarili ko ngayon. Alam ko na nakasakit na naman ako ng isang mabuting tao. Bakit kasi ngayon pa Tristan? Kung maaga niya sigurong sinabi ito ay baka dumandusay na ako sa tuwa ngayon. Pero huli na. Dahil nahulog na ako kay Aj. Iniisip ko nga kung nagustuhan ko ba talaga si Tristan e.

"Sorry." Wala akong ibang maisip na pwedeng isagot sa kanya.

"Ok lang. Nagbaka sakali lang ako, tutal una mo naman akong nagustuhan. Pero gaya nga ng sabi nila, hindi ka mahuhulog sa pangalawa kung gusto mo talaga yung una." bakas sa mga mata niya ang lungkot.

"Kahit ako hindi ko alam kung paano ako nahulog sa bakulaw na yun! Ang alam ko ay ikaw ang gusto ko e." natatawa ako sa sarili ko ngayon. Paanong nakuha kong ipagtapat ito kay Tristan ng hindi nahihiya?

"Hindi mo naman kasi talaga malalaman kung nahulog kana, mararamdaman mo nalang ito. Pero masaya narin ako. Atleast kahit papaano alam kong ako ang nauna mong nagustuhan. Ako ang una." At napangiti siya.

Ngayon ay medyo nawala na yung bigat na nararamdaman ko sa puso ko dahil nasabi ko na kay Tristan ang totoo. Sana lang ay huwag niya akong layuan dahil nakakapanghinayang naman. Gusto ko siyang maging kaibigan.

"Maiintindihan ko kung lalayo ka na sa akin pagtapos nito, pero sana naman kahit maging magkaibigan man lang tayo." baling ko sa kanya.

"Bakit naman ako lalayo sayo? Syempre magkaibigan tayo." sabay gulo niya sa buhok ko. "At isa pa, gusto kong nasa tabi mo ako. Para kung sakaling bitawan ka ni Aj, agad kitang masasalo." sabay kindat niya.

Natawa lang ako sa kanya. Kung noon niya ito sinabi ay baka nahimatay na ako ngayon, Ahaha. Nagpaalam na rin siya sa akin pagkatapos namin magusap. Dumiretso na ako sa room namin dahil malapit na ang klase namin.

"Good morning bhesie!" bati ko kay Jena pagpasok ko sa classroom. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako umupo sa tabihan niya.

"Good mood ka yata ngayon? Anyare?" tanong niya sa akin. At dahil bestfriend ko siya, sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyare. Open kasi kami sa lahat ng bagay.

"Ahh.."

Punyeta! pagkatapos kong magmonologo sa harapan niya ay Ahh lang ang isasagot ng bruhang 'to? Pinandilatan ko nga siya.

"Yun lang pala. Matagal ko nang alam na si Aj ang gusto mo! Halata naman talaga, e." walang gana niyang sabi sa akin.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang dumating na yung prof. namin sa english.

Buong klase ay tanging si Aj lang ang nasa isip ko. Oh wag kayong ano! Iniisip ko lang kung paano ko siya nagustuhan. At paanong lahat sila ay nahahalata yun.

Sabay na kaming lumabas ni Jena pagtapos ng klase namin. Dumiretso na kami sa canteen dahil nagugutom rin ako.

"So alam na ba ni Aj na gusto mo siya? sinagot mo na ba?" pagtatanong niya habang hinihintay namin yung pagkain namin.

"Hindi pa." baling ko sa kanya.

"Edi sabihin mo na! Bakit papatagalin mo pa e pareho niyo namang gusto ang isat-isa? Oh speaking of him, nanjan na si papa Aj!" sabay nguso niya sa likuran ko kaya napabaling ako sa bakulaw na papalapit sa amin.

Hinatak niya yung upuan sa tabi ko at umupo doon. And guess what? Naghuramentado na naman ang puso ko. Ano bang meron ang bakulaw na 'to at lumalandi sa kanya ang puso ko?"

"Mukhang seryoso ang pinaguusapan niyo ah?" tumingin siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Oo matamis! Natikman ko!

"Si Carolina kasi gusto kana daw."

Napalingon ako sa bruhang si Jena na prenteng nakaupo lang ngayon habang kaharap ang cellphone niya. Really? Parang wala lang sa kanya yung sinabi niya. Sinipa ko yung hita niya sa ilalim ng mesa kaya napadaing siya sa sakit sabay tingin sa akin. Matalim ko siyang tinitigan! Gaga talaga 'to!

"Anong sabi mo, Jen?" gulat na tanong ni Aj kay Jena.

Bago pa ko muling ilaglag ng bruha ay inunahan ko na siya.

"Ang ibig niyang sabihin ay gusto ko na kumain." sabay turo sa order namin na papalapit na. Grabe ang kaba ko ngayon. Magugupit ko talaga yang nguso ni Jena! napakadaldal.

Hindi naman na sumagot pa si Aj at tumayo na rin para umorder ng pagkain. Pagkaalis niya ay binalingan ko agad si Jena.

"Madaldal ka talaga! Wag ka nga maingay! Ako na magsasabi sa kanya sa birthday niya. At subukan mong ilaglag ulit ako, gugupitin ko talaga yang nguso mo!" sabay irap sa kanya. Tumango-tango naman siya at mukhang natakot.

Yes, you heard este read it right. Malapit na ang birthday ni Aj at sa araw na yun ko siya balak sagutin. O diba? Ang taray ng gift ko sa kanya! Ahaha :D

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon