Kabanata 49

74 12 2
                                    


Patakbo kong inikot ang paligid sa paghahanap kay Aj. Sigurado akong siya yun at alam kong hindi pa siya nakakaalis.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Ang makita siyang muli at makausap ay nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa.

It's been two years. I told to myself that i'm willing to wait, na kahit anong mangyare ay maghihintay ako. Na kahit pa malabo, na kahit katiting nalang na tyansa ay kakapit ako. At ngayon, ngayon na nandito na siya, ito na ang tamang oras para makita ko ulit siya. It's all worth it.

Pero may parte sa puso ko ang nakakaramdam ng takot. Natatakot ako sa mga posibleng nangyare sa nagdaang dalawang taon. Ang daming ideya ang naglalaro sa isip ko at hindi rito mawaglit ang batang kasama niya.


Patuloy lang ako sa paghahanap kahit pabalik-balik at paikot-ikot lang ako. Kanina ko pa nararamdaman sa bulsa ko ang pagbavibrate ng phone ko na dahil siguro sa mga text ni Gian pero hindi ko na inisip pa ito. Alam kong hinahanap na niya ako ngayon pero mas importante 'to. I really need to find Aj.


Isang beses pa ulit akong umikot pero wala akong nakita ni isang mang bakas niya. Alam kong siya yun! hindi pwedeng namalikmata lang ako.

Sa pagod at sakit ng paa ay napaupo na muna ako sa bench malapit sa ferris wheel. Ramdam ko na ang pagkirot ng binti ko at napayuko nalang ako out of frustration.

Hanggang sa mapukaw ang atensyon ko sa mga nagbababaang tao mula sa ferris wheel. Isa-isang kong tinignan ang mga tao nagbababaan mula rito sa kinauupuan ko sa pag-asang makikita ko room si Aj.


Biglang kumalabog ang puso ko ng makita ko ang huling taong bumaba mula sa doon. It was him, while carrying the kid. Masyadong malawak ang mga ngiti niya habang inaakay yung bata paalis doon. He really look so happy.


Mas lalo lang ako nabato dito sa upuan ng mapadapo ang tingin ni Aj sa gawi ko. Hindi ko alam kung nakita niya ba ako? kung kakaway ba ako para mapukaw ang atensyon niya? o maghihintay nalang na lapitan niya ako rito.

Biglang bumaba yung bata mula sa bisig ni Aj at patakbong lumapit dito sa gawi ko habang tumatawag ng "mama".  Sinundan naman ito ni Aj kaya't napatayo na ako.

Dahil sa pagtayo ko ay napunta sa akin ang tingin ni Aj at nang makita niya ako ay bakas sa kanya ang gulat. He's really shocked to see me. I can't say na he's surprised dahil hindi ko mabakas ang saya sa mga mata niya ng makita ako.

Lumagpas sa akin yung bata kaya't napabaling ako sa matangkad na babaeng lalapitan niya. Paglapit niya roon ay kaagad niya itong niyakap.


"Carrie?"


Nangilabot ang katawan ko ng marinig ko ang boses ng yun. After two years, ngayon ko nalang ulit narinig ang boses niya at kailanma'y hindi 'to nagbago.


Napabaling ako sa kanya at kita ko ang pagtataka sa mga mata niya. Para bang sinasabi niya na anong ginagawa ko rito? Na bakit ako nandito sa harapan niya ngayon.


"Carrie, i-ikaw ba talaga yan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.


Akmang sasagot na ako ng marinig ko ang paglapit nung babae sa gawi namin. Hatak-hatak siya ngayon ng bata at hinihila palapit sa kay Aj.


It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon