Kabanata 8

132 21 1
                                    


Dito na ako natulog kila Jena kagabi. Maaga kasi ang alis namin ngayon para hindi raw kami tanghaliin sa daan.

Kagabi pa lang ay abala na ang lahat sa pagaayos ng mga kinakailangan sa party niya. Ang kanyang susuotin, ang magaayos sa kanya ay handa na at pinauna na sa resort na pagdadausan ng party kasama sina tito at tita.

Van nila Jena ang sasakyan namin papuntang Quezon. Gusto kasi nila na sama-sama kami. Pero sa tingin ko'y sa dami namin ay hindi kakasya ang lahat, pwera na lamang kung may magdadala ng sariling sasakyan.

Unti-unti nang nagdadatingan ang mga kaibigan namin.

"Sino pa ba ang wala?" Aligagang tanong ni Jena. Kagabi pa siya ganyan. Epekto siguro ng excitement.

"Kalma lang, bhesie! 4:30 palang ng madaling araw oh! Hindi naman halatang excited ka 'no? Mamayang gabi pa naman ang party mo at siguradong hindi naman tatakbo ang resort ng tita mo." untag ko sa kanya.

Inirapan lang niya ako at bumaling sa van nila para tignan kung sinong wala pa. Hindi talaga siya mapipigilan, haha.

Pasado alas singko ng makumpleto kaming lahat. Sa kanilang lahat ay si AJ at Jericho, boyfriend ni Jena, lang ang may dala ng sariling sasakyan.

Papasok na sana ako ng van ng pigilan ako ni Jena.

"Oppps! Puno na jan bhesie! Tignan mo oh para na silang sardinas."

Tinuro niya ang loob ng van at nakita kong puno na nga ito. Halos magkalong-kalong na nga sila mapagkasya lang ang lahat.

Si Jena, Jericho, AJ at Ako nalang ang hindi nakakasakay. Binalingan ko si Jena.

"So isasabay niyo nalang ako ni Ric papuntang resort?" Takang tanong ko sa kanya.

Napalingon ako sa umiiling na si AJ. Nagiwas ako ng tingin ng magtama ang paningin namin.

"Ofcourse not!" Nakangising sagot sa akin ni Jena. Kinabahan ako sa ngisi niyang iyon. Parang may masama siyang binabalak.

"Maiistorbo mo lang kami ni Ric kapag sumabay ka sa amin. Besides, may dala naman si AJ na sasakyan. Pwede ka naman niyang isabay."

Bumaling siya kay AJ. "Right, AJ? Ok lang naman na isabay mo ang bhesie ko diba?" at ngumisi na naman siya.

Sinasabi ko na nga ba e! May binabalak na namang masama 'tong babaitang ito. Kung hindi lang niya birthday ay kinalbo ko na siya. Ahhhh!!!

"Ok lang." Tipid na sagot ni AJ. Parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Jena. Akala ko ba ay iniiwasan mo ako? Bakit ka pumayag? Bakulaw ka talaga!

"Then it's final! Sasabay si Carrie sayo, period." todo ngiti ang loka-loka at pumalakpak pa sabay hila sa akin at bumulong.

"Huwag ka nang mag-inarte! malalate na tayo. Gusto mo ba na mahuli tayo dahil sayo? Birthday ko naman e, pumayag ka na! Hahaha." Sabay halik niya sa pisngi ko.

Bwiset ka! Kung hindi mo lang birthday ay kanina ka pa bumulagta dito. Sarap mong saktan! Kaibigan ba talaga ang isang 'to?

Nakita kong dumiretso na siya sa sasakyan ni Ric kaya kami nalang dalawa ni AJ ang naiwan dito.

"Wala ka pa bang balak sumakay?" Tanong niya sa akin at lumapit na sa kanyang sasakyan.

Dumiretso ako sa likod ng driver seat ng sasakyan niya nang marinig ko na naman siyang magsalita.

"San ka pupunta?"

"Sasakay malamang!" mataray kong sagot sa kanya.

"Gagawin mo akong driver? Sa Front seat ka." sabay bukas niya sa pintuan ng front seat at hinintay akong pumasok doon. So magtatabi kami?

Nakita kong umandar na ang van nila Jena paalis. Bago pa kami mapansin nila Jena ay pumasok na ako sa front seat at hindi na naginarte pa. Pumasok na rin si AJ at umupo sa driver seat. So magkatabi nga talaga kami ngayon? Ok fine! As if i care.

Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusuot niya ang seat belt. Napansin niya siguro na natingin ako sa kanya kaya nilingon niya ako.

"Bakit ka nakatingin? Namiss mo ako 'no? Haha." Kinilabutan ako bigla sa pagtawa niya.

"Asa ka pa." Pagtataray ko sabay iwas ng tingin.

Hinawakan niya ang seat belt ng upuan ko at akmang lalapit sa akin. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Bago pa niya maikabit ang seat belt ay iniharang ko ang kamay ko sa mukha niya kaya't napahinto siya.

"Anong iniharang ko sa mukha mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kamay mo, malamang." sabay alis niya sa kamay kong nasa mukha niya.

"Tama! kamay ko!" Madiin kong sambit sa kanya. "Ibig sabihin lang niyan ay may kamay akong pwede kong gamitin para ikabit ang seat belt ko."

Ikinabit ko ang seat belt ko sabay tingin sa kanya. "See? Kaya kong gawin diba? Kaya tigilan mo ako sa mga damoves mo dahil alam ko na ang mga ganyang eksena! Gasgas na yan." Sabay irap ko sa kanya.

Narinig kong inistart na niya ang makina.

"Grabe. Hindi mo man lang ba ako namiss? Sayang lang pala ang pagtitiis ko na iwasan ka. Wala kang puso!" umarte pa siya na umiiyak at suminghot pa. Kadiri talaga ang bakulaw na 'to!

"Tigilan mo nga ako sa kadramahan mo! Umalis na nga lang tayo. Huli na tayo oh!"

Ipinagwalang bahala ko nalang ang tanong niya, pero sa loob ko ay nangingiti ako dahil sa sinabi niyang pagtitiis niya na iwasan ako. Hindi ko ba alam pero ang malaman na nagiinarte lang siya sa pag iwas sa akin ay nagpagaan sa loob ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Wala kasi akong tulog kagabi kaya antok na antok ako.

"Gising na, Baby. We're here." Malambing na sambit niya sa akin.

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Baby daw? Iww. Baby mong mukha mo!

Alas onse na nang makarating kami sa resort. As expected, kami ang huling dumating. Lahat sila ay nasa kanya-kanyang mga kwarto na at si Jena nalang at Jericho ang sumalubong sa amin.

"Mukhang nagenjoy kayo sa biyahe ah? Natagalan kayo e. Yieee!" Bungad sa amin ni Jena paglabas namin ng sasakyan.

"Nagenjoy? E tinulugan nga lang ako niyang kaibigan mo!" Sagot niya kay Jena. Bumaling siya kay Ric para umapir.

Dumiretso na kami sa restaurant sa loob ng resort para magtanghalian. Kumain na daw ang lahat at nagpapahinga na. Hinintay lang kami nila Jena para sumabay sa amin kumain.

"San ang room namin, Jen?" Napalingon ako kay AJ nang marinig ko ang tanong niya. Namin? Ibig ba niyang sabihin ay naming dalawa? Aba!

"Anong namin? Bakit? Magsasama ba tayo sa iisang kwarto?" Utas ko kay AJ kaya napalingon silang tatlo sa akin.

"Ang ibig kong sabihin ay kwarto naming mga boys. Sinabi ko ba na kwarto nating dalawa? Pero kung mapilit ka ay ok lang naman. Pagtitiisan ko Hahaha."

Nagtawanan silang tatlo samantalang ako ay pulang pula dahil sa hiya. Bakit pa kasi ako nagsalita, e! Yan tuloy ang napala ko! Bwiset kang bakulaw ka!

"Room 104 tayo, pre." sagot ni Ric kay AJ. Tumango lang ang damuho habang ngiting-ngiti parin at nakatingin sa akin. Nagaasar talaga ang isang 'to ah! Bwiset ka!

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa kinakain ko. Kanina ay ramdam ko ang gutom pero dahil sa nangyare ay biglang naglaho ang pagkalam ng sikmura ko. Gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon.

"Bhesie, room 103 tayo. Nandoon na rin yung susuotin mo para mamaya sa party." Baling sa akin ni Jena.

Sinabi kasi niya sa akin na siya na ang bahala sa isusuot ko kaya swimsuit at ilang damit pamalit lang ang dala ko ngayon.

Tumango lang ako kay Jena at itinuloy ang pagkain.

Tumayo na ako kaagad pagkatapos kong kumain at hindi na sila hinintay pa na matapos.

"Punta na ako sa room. Inaantok pa ako." At dagli akong tumalikod sa kanila.

Narinig ko pa ang halakhakan nilang tatlo. Leche kang bakulaw ka! May araw ka rin sa akin! >.<

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon