Kabanata 25

78 16 0
                                    


Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga at naabutan ko si Gian na nakaupo sa isang silya sa kwarto ko at nakatingin sa akin. Napabangon ako sa gulat. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman siya madalas mapadpad dito sa kwarto ko at ang aga-aga ay nandito na siya.

"Bakit ka nandito?" kunot-noo kong tanong ko sa kanya, na nakatingin lang sa akin ngayon ng seryoso. May nangyare ba? Anong problema?

"Sino yung lalaki kagabi?" Seryoso niyang tanong sa akin. Grabe naman. hindi parin niya nakakalimutan yun nakita niya kagabi?

"Pwede ba Gian, wala akong time para nakipagtalo sayo. He's just a friend, wag kang mag-alala." bumalik ba ako sa paghiga at nagtalukbong ng kumot.

Grabe naman talaga 'tong kapatid ko! Kulang nalang ay ipasok ako sa kumbento para lang masiguro na hindi ako magboboyfriend. Nakakaloka talaga ang pagiging overprotective niya.

"Kung kaibigan mo lang yun, bakit may nagpadala ng bulaklak? Gawain ba yun ng isang kaibigan?" Napabangon ako sa sinabi niya. Anong bulaklak? Ibig ba niyang sabihin ay may nagpadala ng bulaklak para sa akin?

"Anong bulaklak?" nalilito kong tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at tumayo na siya para lumabas na ng kwarto ko. Bumangon na rin ako at sinundan siya. Pagbaba ko sa sala ay nakita ko ang isang bouquet ng roses na nakapatong sa lamesa. So ito yung tinutukoy niyang pinadala. Sino naman magbibigay niyan? Kay Aj ba galing yan?

Lumapit siya sa lamesa at kinuha ang bulaklak. May letter din itong kasama at padarag niyang inabot yun sa akin.

"Ito may sulat pang kasama. Kahit gustong-gusto kong basahin ay hindi ko ginawa." Seryoso parin ang itsura niya. Kinuha ko sa kanya yung sulat at binuksan na ito para basahin.

Mukhang nageffort talaga ang nagbigay nito at maganda rin ang kanyang sulat. Nalaman ko na hindi pala ito galing kay Aj. Sabagay, aasa pa ba ako na bibigyan niya ako ng bulaklak? Pero ang pinagtataka ko, bakit ako binigyan ng bulaklak ni Elyson? Hindi ko pa naman birthday at hindi rin naman niya sinabi sa sulat na liligawan niya ako. Para saan 'to?

"Hindi naman sa kanya 'to galing." tamad kong sabi sa kanya. Bakit parang nanlumo naman ako na hindi yun sa kanya galing? Pagtingin ko kay Gian ay nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko. Anong problema niya? Gusto ba niya na galing ito kay Aj?

"Ibig sabihin ay may iba ka pang lalaki!?" Gulat niyang tanong sa akin. Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil sa sa itsura niya. Namumula na kasi siya ngayon at parang natatae na ewan.

"Nasa tamang edad naman na ako! Tigilan mo nga yan." natatawa kong sabi sa kanya. Tumalikod na ako iniwan siya doon na nakatulala lang sa akin.

Umakyat na ako sa kwarto para matulog ulit. Martes ngayon kaya wala kaming pasok. MWF at sabado lang ang pasok ko kaya pahinga ko ngayong araw. Dumiretso na ako sa kama at humiga dito. Naramdaman ko yung phone ko na nadaganan ko kaya kinuha ko ito at chineck kung may text doon. May anim na message dito, yung kay Jena at kay Aj na parehong Goodmorning lang at yung apat ay galing kay Elyson. Binuksan ko ito para basahin.

"Goodmorning"

"Did you receive the flowers?"

"Sorry ulit sa pag-alis ko kahapon."

"Text me pagkagising mo, please."

So yung flowers pala ay para lang sa panghihingi niya ng pasensya dahil sa pag-alis kahapon? I hope yun lang talaga yung dahilan. Gusto kong maging kaibigan lang muna siya dahil kung manliligaw siya sa akin ngayon ay wala siyang aasahan sa akin dahil alam ko sa sarili ko hindi pa ako nakakalimot kay Aj. Sana ay huwag muna niyang madaliian ang lahat. Kailangan ko munang ayusin 'tong puso ko. Dagli na akong nagtype ng irereply sa kanya dahil mukhang kanina pa niya ito hinihintay.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon