Kabanata 33

75 13 2
                                    

AN: Intense po ang mga susunod na kaganapan! Comment na guys :)






Ramdam ko ang sobrang kaba ng bumaba na ako sa tapat ng school namin. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang harapin ngayon si Aj at isiwalat sa kanya ang katotohan, katotohanan na niloloko lang siya ng taong mahal niya.

Sa totoo lang ay ayokong sa akin manggaling ang mga ito. Kung maaari sana ay mas maganda kung siya ang pakakadiskubre nito ngunit hindi ko kayang magbulag-bulagan at magtanga-tangahan sa mga nalalaman ko. Alam ko na panghihimasok ang magiging labas ko ngunit ayokong manahimik nalang sa isang tabi.

Agad kong tinawagan si Jena para sabihin sa kanya ito. Hindi ko kakayanin na sabihin 'to kay Aj ng mag-isa lang ako. Kailangan ko ang tulong ni Jena dahil may alam din siya dito.

"Hello, Jena. Nasan ka ngayon?"

"Nasa bahay na ako. Bakit?"

"Nahuli ko na sila. Nandito ako ngayon sa school para sabihin kay Aj ang lahat. I need your help, bhesie."

"Ok, wait me there." At binaba na niya ang tawag.

Umupo na muna ako sa bleachers habang hinihintay si Jena. Iniisip ko na rin kung papaano ko ba sasabihin ito kay Aj. Napapaisip ako na huwag nalang sabihin sa kanya ang totoo sa tuwing naiisip ko ang malungkot niyang mukha. Alam ko na pag nalaman niyang niloloko lang siya ng dalawang taong pinaka pinagkakatiwalaan niya ay labis siyang masasaktan. Pero mas masasaktan naman siya kung patuloy lang siyang lolokohin at wala siyang kaalam-alam.

Labinlimang minuto pa at dumating na rin si Jena. Bakas pa sa mukha niya ang pagod na medyo namumugto pa ang kanyang mata. Nang makita niya ako ay agad siya dumiretso sa akin.

"Napuntahan mo na ba?" umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin.

"Hindi pa. Hinintay muna kita."

"Ano ba nangyare?"

Kinuwento ko kay Jena at lahat ng nakita ko kanina. Kung paanong nasaksihan ng dalawang mata ko ang kataksilan ng dalawa. Bakas kay Jena ang galit habang nagkukuwento ako at alam ko na pareho kami ng nasa isip ngayon.

"Kailangan na talaga nating sabihin kay Aj." pagsabi niya nito ay tumayo na siya at lumakad kaya sumunod na rin ako sa kanya.

Dumiretso na kaming dalawa sa gym kung saan nandoon si Aj. Walang masyadong tao roon marahil ay dahil katatapos ng ng praktis ng basketball. Pinagmasdan ko ang loob ng gym para hanapin kung nasan si Aj. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa loob at mukhang malalim at iniisip at sobrang seryoso ng ekspresyon.

Nilapitan na namin siya ni Jena at ng makita niya kami at bigla siyang tumayo. Nakayukom ang mga kamao niya't parang nagaapoy sa galit ang mga mata.

"Aj may dapat kang malaman." deretsahan sabi sa kanya ni Jena ngunit ang mga mata niya ay nakatuon parin sa akin. Nakaramdam ako ng panlalamug sa takot dahil sa mga titig niya.

"Alam ko na ang lahat." seryosong sagot ni Aj.

"Kung ganun ay alam mo ng--" nagulat ako ng bigla siyang nagtaas ng boses kaya napahinto ako sa pagsasalita.

"Shut the fuck up!" sigaw niya sa akin.

"Tangina Carolina, ganyan ka ba kadesperada?" anong sinasabi niya? Bakit nagagalit siya ngayon sa akin? Akala ko ba ay alam na niya ang totoo?

"A-anong sinasabi mo Aj?" nanginginig na ako habang kaharap siya na galit na galit.

"Sinabi na sa akin ni Trixie ang ginawa mong pambabanta sa kanya!"

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon