Kabanata 16

71 18 2
                                    


Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng pananakit sa aking katawan. Ano bang nangyare? Natulog lang ako kagabi, paggising ko ay masama na ang pakiramdam ko. Hindi pwede ito! Paano nalang ang plano ko mamaya?

Ipinalibot ko ang aking mata sa buong silid. Puro puti lang ang nakikita ko at isang orasan na nakasabit sa dingding. Hindi ko naman 'to kwarto ah? Nakita ko na 3:46pm palang. Mukha napaaga yata ako ng-- What? 3:46 PM? Shit! Hapon na pala! Paano hindi tumunog yung alarm ko?

Babangon na sana ako ng maramdaman ko na may kung ano-anong nakakabit sa akin. Namamanhid din ang katawan ko kaya hindi ko na nagawang bumangon. Tinanggal ko yung oxygen na nakaharang sa bibig ko. Bakit nasa ospital ako? Meron bang nangyare kagabi habang natutulog ako? Inatake ba ako?

Napabaling ako sa pintuan ng bumukas ito dahil sa pagpasok ni mama. Tatawagin ko na dapat siya ngunit napalingon na siya sa akin. Literal na napanganga si mama. Tila gulat na gulat siya na gising na ako. Ano ba talagang nangyare kagabi? Nakita kong bumuhos na ang luha sa kanyang mga mata habang dahan-dahan na humahakbang papalapit sa akin.

"Ca-carolina.." at bigla nalang niya akong niyakap habang humahagulgol.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang ang reaksiyon ni mama. Malala ba ang nangyare sa akin? Ang naaalala ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko kagabi paguwi para matulog.

"Salamat sa diyos at gumising kana." humiwalay siya sa akin at hinarap ako. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko.

"Nasan na po si Jena, Ma? Pwede niyo po ba siyang tawagan?" tanong ko sa kanya. Kailangan kong makausap si Jena. Kailangan ko makapunta sa rest house nila.

Bakas sa mukha ni mama ang pagtataka sa sinabi ko ngunit sinunod naman niya ito. Dinial niya ang number ni Jena at ibinigay ito sa akin ng mag ring.

"Hello po, tita?"

"Jena, si Carrie 'to. Nanja---"

"Bhesie? Oh my! Ikaw ba talaga yan? Salamat sa diyos at gumising kana! Hintayin mo ako jan. I'll be there in twenty." agad niyang pinatay ang tawag.

Bakit pa siya pupunta dito? Hindi ba niya sinamahan sa tagaytay si Aj? At kung nasa tagaytay siya, paano siya makakarating dito in twenty minutes? Bumaling ako kay mama para iabot yung phone niya.

"Ma. Paano po ako napunta dito? Pwede po bang umuwi na tayo? May pupuntahan pa po kasi ako." nakita ko ang magkahalong gulat at pagtataka sa mukha ni mama.

"Carolina, wala ka bang naaalala? Hindi mo ba alam ang nangyare sa'yo?" nagtatakang tanong ni mama.

Ano ba ang nangyare sa akin? Wala naman akong maalala na nangyare kagabi?

"I-isang taon. Isang taon kang nacomatose, anak."

Nanlamig ako sa sinabi ni mama. Ayaw iproseso ng utak ko ang sinabi niya. Hindi yan totoo! Malinaw sa akin ang mga nangyare sa nagdaang araw. Dumalaw pa ako kahapon kay papa kaya paano nangyare ang mga sinasabi niya?

"Ano pong sinasabi niyo, ma?" napatawa ako dahil iniisip ko ay kalokohan lang ito.
"Paano mangyayare yun? E pumunta pa ako kahapon sa puntod ni papa!" hindi ko na napigilan na magtaas ng boses.

"P-pero kahapon ay nandito pa kami ni Gian na nagbabantay sayo. Paanong nakapunta ka sa sementeryo?" Nagtatakang tanong ni mama.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Kusa na silang tumulo. Hindi totoo ang mga ito! Hindi pwede!

"Marahil ay panaginip mo lang yun, anak."

"Hindi mama! Hindi pwede na panaginip lang iyon! Malinaw sa akin ang mga nangyare! Paano mangyayare yun? Ipaliwanag mo sa akin mama." sunod-sunod kong sabi kasabay ng pag agos ng mga luha ko. Sobrang gulo na ng isip ko!

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon