Kabanata 17

86 20 2
                                    


It's been two days since I woke up. Nandito parin ako sa ospital. Mabuti naman na ang pakiramdam ko pero ayaw parin ni mama pumayag na umuwi na ako ng bahay kahit kaya ko naman na. Kailangan ko pa daw magstay dito ng ilang araw.

Nung sinabi ko kay mama na gusto kong makita yung nakabangga sa akin ay agad naman niya itong tinawagan, kaso ay nasa ibang bansa daw ito at may inasikaso para sa business nila. Kung kailan ito uuwi ay hindi namin alam. Gusto ko siyang makita. Gusto kong isipin na si Aj nga talaga ang taong yun.

Nakatulala lang ako ngayon habang nagiisa dito sa kwarto ko sa ospital. Lumabas kasi sila mama at bibili daw ng makakain. Paulit-ulit kong inaalala ang mga nangyare. I feel so sad and lonely, ngunit walang lumalabas na luha sa aking mata. Siguro ay napagod nalang din ako sa pag-iyak at naubos na rin ang luha ko.
Hanggang ngayon ay masakit parin sa akin na malaman ang katotohanan.

May mga bagay nga talaga sa mundo na mahirap intindihin. Kagaya nalang ng nangyare sa akin. Sa bawat kasiyahan at may kakabit na kalungkutan. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit kailangan pang makaramdam ang tao ng paulit-ulit na sakit. Hindi pa ba sapat na minsan ka ng nasaktan? Bakit ba sa tuwing nahihirapan kana ay mas lalo ka pang pinahihirapan? Deserve ba talaga ng tao na maranasan 'to?

Bumalik tuloy sa akin yung panahon na nawala si papa. Ganito rin ako noon, halos hindi na ako kumakain at puro pag-iyak nalang ang ginagawa ko. Hanggang sa napagod nalang din ako. Wala na rin naman kasi akong magagawa. Nakatadhana na ang mga bagay na dapat mangyare. Ang siguro nga ay nakatadhana na palagi akong masaktan.

Naputol ako sa pag-iisip ng pumasok si Jena at Ric na may dala-dalang mga prutas. Napabaling ako sa kanila. Buti pa silang dalawa ay magkasama, sa panaginip ko man o sa reyalidad. Hindi ko maiwasang mainggit. Alam ko na hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito ngunit hindi ko lang talaga maiwasan.

I want to be selfish! Hinihiling ko na sana ay hindi na lang ako nagising, na patuloy nalang sana akong nabuhay sa panaginip ko. Kahit pa alam kong masasaktan sila mama kung mangyare yun ay hinihiling ko parin ito. Hindi naman siguro masama na isipin mo ang sarili mo kung minsan diba? People become selfless for their love ones. At the same time, they become selfish for the same reason.

"Malalim yata ang iniisip mo?" aniya ni Jena.

"Hindi ko parin matanggap, Jena. Kahit anong pilit ko ay hindi ko parin matanggap."

Dumating na rin si mama na may dalang mga pagkain. Inayos niya ito sa lamesa at tinulungan siya ni Ric dito. Napatingin ako kay Jena ng marahan niyang haplusin ang kamay ko.

"Gusto mo bang maglakad-lakad?" tumango nalang ako sa sinabi niya.

Nagpaalam kami kay mama na maglalakad-lakad muna. Alas kwatro na ngayon at hindi naman mainit ang panahon kaya sinabi ko na sa rooftop nalang niya ako dalhin. Gusto kong mahanginan, gusto kong makahinga. Pakiramdam ko kasi ay sobrang bigat ng nararamdaman ko sa nagdaang araw kaya kailangan ko ng hangin. Inalalayan niya ako paakyat doon.

Naglakad-lakad ako sa rooftop at nakasunod lang sa akin si Jena. Marahang dumadampi sa akin ang hangin. Malapit na pala ang pasko kaya malamig na ang simoy ng hangin. May mga bench dito sa rooftop para sa mga pasyenteng gustong magmuni-muni. Umupo kami ni Jena sa isa sa mga ito.

"Pwede mong ikwento sa akin ang lahat, handa akong makinig." pagbasag ni Jena sa katahimikan.

Malungkot akong napabaling sa kanya. Mabuti nalang at nandito siya ngayon. Kailangan ko talagang ilabas ang bigat na nararamdaman ko.

"Akala ko ay magiging masaya na ulit ako, bhesie. Akala ko ay hindi ko na ulit mararanasan ang ganung sakit. Pero wala e, pinaglaruan na naman ako ng tadhana." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Marahang hinaplos ni Jena ang likod ko at nakatitig siya sa akin habang matamang nakikinig kaya nagpatuloy na ako sa pagsasalita.

Ikunuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyare sa panaginip ko. Lahat ng mga masasayang bagay na minsan ko lang naranasan. Ang pagbabago sa akin ni mama, at pati narin si Aj. Lahat-lahat ay sinabi ko sa kanya.

"So siya pala yung Aj na hinahanap mo sa akin?" tanong niya sa akin ng nakangiti.

"Oo bhesie. Dapat ay sasagutin ko na siya nung araw na yun kaso ay nagising na ako." nanghihinayang kong sagot sa kanya.

"Kung bibigyan ka ba ng pagkakataon ay gugustuhin mo na bumalik nalang sa panaginip na yun?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Gugustuhin ko pa ba na bumalik sa buhay na yun gayong nalaman ko na na hindi pala totoo yun? Siguro ay oo. Kahit hindi yun totoo ay ok lang. Magtatanga-tangahan nalang ako at iisipin na totoo yun para lang sumaya. Ang selfish mang isipin pero desperado nga siguro ako na sumaya.

"Oo. Gustong-gusto ko." sagot ko sa kanya.

"Naiintindihan kita, Bhesie. Pero minsan kasi, Reality is better than dreams. Hindi talaga maiiwasan na masaktan ang isang tao. Part na kasi yun ng buhay. Siguro nga ay sasaya ka sa panaginip na yun pero masasaktan ka parin dahil alam mong hindi ito totoo."

"Things happened because it is bound to happen. Siguro ay nagising ka dahil may nakalaaan sayo na mas magandang bagay. You should not cage yourself with things that doesn't really exist. Face the reality. It may hurt you today but soon, you'll be thankful."

Napatulala lang ako sa sinabi niya. Sa totoo lang ay may point si Jena sa mga sinabi niya. Dapat talaga ay matutunan ko ng tanggapin ang mga bagay na nangyayare sa buhay ko, masakit man ito. Magpasalamat nalang ako at nabigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay sa mundong ito. Sa totoong mundo na kinabibilangan ko.

Bumalik na kami ni Jena sa room ko. Nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong kagaya ni Jena. Minsan pala ay may mga aral din na lumalabas sa bibig niya at hindi lang puro kalokohan.

"Bakit ngayon lang kayo? Sayang dahil dumaan pa naman dito si Mr.Fajardo! Alam na niya na gising kana at gusto ka niyang kamustahin."

Napabaling ako kay mama sa sinabi niya. Pumunta dito kung Mr.Fajardo? Baka siya na yun! Nasan na siya? Kailangan ko siyang makita!

"Mama nasan na po siya? Kailangan ko po siyang makita!"

"Umalis na siya. Kakauwi lang daw niya galing Hongkong at dumiretso siya dito para makita ka sana. Sayang at hindi mo na naabutan. Kakaalis lang niya ngayon-ngayon lang."

Mabilis kong lumabas ng kwarto para hanapin siya. Pinigilan pa ako nila mama dahil baka mabinat raw ako ngunit hindi ko na sila pinansin. Tuloy lang ako sa pagtakbo. Palinga-linga ako sa bawat room na nadadaan ko, baka sakaling nandun siya.

Ang isipin na baka si Aj siya ay nagbibigay ng pag-asa sa akin. Pero kung hindi man siya si Aj ay gusto ko parin siyang makausap. Baka ay kamag-anak niya ito? Baka kakilala? Pero paano kung wala naman talagang Aj na nageexist? Na kagaya ng panaginip ko ay hindi rin siya totoo?

30 minutes na akong naghahanap at hindi ko parin siya nakikita. Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop kakahanap sa kanya. Pero paano ko nga ba siya makikita, e hindi ko pa nga nakikita ang mukha niya? Ang tanging nasa isip ko lang ay si Aj siya!

Napaupo nalang ako sa isang bench dahil naramdaman ko na ang pagod at hingal. Marahil ay umalis na nga siya. Sayang lang at hindi ko na siya naabutan.

Napatingala nalang ako sa kalangitan. Bakit ganito? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Masama ba akong tao?

"Pwede ba akong tumabi sayo?" tanong ng lalaki sa gilid ko. Tumango nalang ako ng hindi siya binabalingan.

Naramdaman ko na umupo na siya sa tabi ko. Hindi ko nalang ito pinansin at nakatingala parin ako sa kalangitan.

"Mas maganda ka pala pag nakadilat." pagsasalita nung lalaki sa tabi ko. Ako ba ang tinutukoy niya?

Unti-unti akong lumingon sa lalaking nasa tabi ko. Nakatingin siya sa akin ngayon habang nakangiti.

Akala ko ay napagod na ako sa pag-iyak, ngunit ng magtama ang mga mata namin ay kusa nalang naglabasan ang mga luha ko.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon