JAPAN
BELLA'S POV
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng aming bahay. Madilim ang paligid, nagulat na lamang ako nang biglang lumiwanag. "Patay!" bulong ko sa aking sarili.
Dahan-dahan akong lumingon at pilit na ngumiti sa aking yaya na mukhang alalang-alala.
"Bella, look at you. Have you been fighting again?!" naiiyak na sambit ng aking yaya.
Napangiti ako sa kanya.
"H-hello, yays. Huwag ka nang umiyak", sabay akbay ko sa kanya.
Bumungtong-hininga si yaya at hindi ko alam kung matatawa ako sa mga sumunod niyang sinabi. "Im not sure if you are a boy or a girl".
"Jeez...yays, lalabas ang mga wrinkles mo niyan." Natatawang yakap ko. "Don't you know that you are pretty when you smile? So, give me a smile, yays!"
Napangiti naman si yaya sa sinabi ko."Hay, nakung bata ka. Hala kumain ka na para may energy ka."
Natatawang binitawan ko siya. "Ahh! Soo hungry."
"Ikaw na bata ka, hindi ka ba napapagod sa pakikipagbasag-ulo mo?"
Dumulog na kaming pareho ni yaya sa hapag-kainan. "You know me, Yays." Sagot ko sa kanya.
Napailing na lamang siya sa akin at inihain na sa akin ang kakainin. Namilog naman ang aking mga mata sa masasarap na pagkain na nakahain sa lamesa.
Nagsimula na akong kumain. Ang sarap talagang magluto ni yaya!
"Ahh! Delicious, more please", ngingiting sabi ko pa sa kaniya.
"An 18-year-old girl who has an appetite like a sumo wrestler, sino kaya ang magkakagusto sa iyo?" naiiling na sabi niya.
Panay subo ako ng subo. Ang sarap, eh.
Dahil sa subo ako ng subo, muntik na akong mabulunan at dali-dali ako uminom ng tubig.
Napailing na lamang si yays sa nangyari.
Tinignan ko siya at ngumiti ako ng kay tamis-tamis. "Don't worry, if I find a boy I want, I'll get him no matter what... even if I have to kidnap him." Pagpapatuloy ko sa sinabi niya sa akin kanina.
"Oh, well...there's nothing you can't say. Why did you fight again today?" kunot-noong tanong niya sa akin.
Tumigil ako sa pagsubo at naiinis na nagsalita. "Some assholes decided to bully them just because they're Filipinos. Those bastards!"
"Are there still students who behave like that at your school?"
"Yap...and you know me; I can't really leave the weak alone"
Napatigil na nanaman ako sa pagsubo sa pagkain nang marinig na nag-ring ang telepono. Napatingin kami ni yays sa isa't-isa.
"Wait, I'll take it." wika ni yays at sinagot ang tawag.
Nagkibit-balikat na lamang ako at kumain nalang nang kumain.
Tumingin sa akin si yays na ikinanoot ng noo ko, nagsalita pa siya ng walang boses. "For you."
Tumayo ako at kinuha ang telepono.
".... Bella there's a big trouble." Bungad sa akin ng boses. Itinutok ko pa lalo ang tenga ko sa telepono at seryosong pinakinggan siya.
"Taki has been kidnapped. The Poison Spiders you fought last time got a new gang leader and started their revenge. If you don't come and beg, they won't hand Taki to us."
Napahigpit ako ng hawak sa telepono."Where is this place?!"
"..... Harajuku." nginig na sagot ng underling ko. Natakot yata nang magtaas ako ng boses.