Chapter 13: The Playboy with his Jealous Girl

89 0 0
                                    

HOSPITAL, JAPAN

REI POV

Bakit kaya hindi pa ito gumigising? Nakauwi na ako lahat-lahat tulog pa rin ito.

Sabi naman ng doctor okay naman siya. Napabuntong hininga na lamang siya.

"Taki bakit ka ba nagpadalos-dalos sa ginawa mo? Ayan tignan mo kung ano nangyari sayo" nababaliw na kausap niya dito.

Narinig niyang umungol ito, gulat siyang napatingin dito. "Taki?"

Pinindot niya ang nurse intercoms. "Nurse, the patient in room 111 is now awake. Need some assistance. Please!"

Dali-daling pumasok ang Doctor at isang Nurse. Nakahinga siya ng maluwag na makita niyang okay na si Taki.

"W---where a-m I?" mahinang tanong nito. "W-why does my body aches?"

"You're at the hospital, can't you remember what happened?" tanong ng doctor sa kanya.

Umiling ito.

"You met an accident Mr. Saisuke, your motorbike bumps into a car.... then you almost died because of it. You're lucky enough to surpass such accident." nakangiting wika ng doctor dito.

Pero si Taki mukhang gulong-gulo sa mga sinasabi nito.

"Your friend worried badly" sabi ng doctor.

"Friend?!" nagtatanong na wika nito sa doctor.

"Yes, there he is" sabay turo sa akin.

"Who are you? I can't recognize you." kunot noong tanong nito sa kanya.

Napatigil sa ginagawa ang doctor. Napanganga siya sa sinabi nito.

"Joke ba yun?"


BELLA POV

Inihinto ni Jace ang motorbike nito sa tapat ng isang Bar na nakasabit na "Hard Rock Cafe".

"Bakit dito?" kunot noong tanong niya.

Ngumisi ito sa kanya." Ang sabi mo kasi kahit saan, so... dito kita dinala..."

"Ano daw?"

Tinungo na nito ang pinto ng Bar. "Ano tinatayo-tayo mo diyan?! Tara na..."

"Ano gagawin natin diyan?" tanong niya dito.

"Mamaya na kita ihahatid...."

Napakunot noo siya sa sinabi nito.

Mukha naman nabasa niya ang nasa isip niya. "Ipapaalala ko lang sa iyo walang dumadaan dito na public vehicle kaya huwag kana magbalak umuwi mag isa, kung lalakarin mo naman imposible malayo ito, mga pitong kilometro lang naman lalakarin mo.... hehe...." natatawang paliwanag nito sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" naiinis na tanong niya dito.

Napakamot ito sa ulo nito. "Sabi mo kasi umalis na tayo agad at kahit saan tayo pumunta, okay lang sa'yo."

"Oo nga naman"Napabuntong hininga na lamang siya.

"Tara na. Naghihintay na ang mga ka-date ko."

Kahit nag-aalinlangan, sumunod siya dito. Pagpasok nila sa loob, nakita niya ang madilim, mausok at maingay na kapaligiran. Feeling niya, hindi siya nababagay doon dahil sa suot niyang maong pants at t-shirt na may mukha ni Mickey Mouse.

Isa-isang binati ni Jace ang mga kakilala nito.

"Hi, honey!" sabay halik sa labi ni Jace.

"Babe, bakit nauna pa siyang kumiss sa'yo?" sabay halik din nito.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon