BELLA POV
"You still can't outweigh me." nakangising sabi ng babaeng bumaba sa helicopter sa babaeng galing sa limousine.
"Oh, really bitch?" nakataas na kilay na sambit ng babaeng galing sa limousine.
At mukhang magkakilala pa ang dalawang pink ladies.
"Pare, si Faye at Denise 'yun, di ba?"
"Wow! Dito sila mag-aaral?"
"Di ba, si Faye 'yung model sa men's magazine?"
"Oo, pre. Ang hot niya. Actually, pareho sila."
"Oo nga, si Denise 'yung pinakasikat na carshow model di ba?"
"Astig pare. Sana maging kaklase ko ang isa sa kanila."
"Hati tayo pare ah. Akin si Faye, sa'yo naman si Denise."
"'Wag nga kayong maingay, nakakahiya kay Nerd oh."
'Yan ang narinig kong usapan nung mga lalaki bago sila naglakad palayo sa akin.
Sikat pala ang dalawang iyon lalo na sa mga lalaki.
Umalis na ako sa lugar at tumungo sa classroom ko. Laking gulat ko ng may kumpol ng tao sa labas nito.
"Argh. Paano ako makakapasok nito? Ang daming tao." inis na sambit niya.
Pagdungaw ko sa bintana ay nakita ko ang "Pink ladies". Binansagan ko na lamang silang Pink ladies dahil pareho naman silang mahilig sa pink.
Sa pagkakita ko sa kanila, isa lang ang ibig sabihin nito. Magiging kaklase ko sila. Sumingit na lamang ako sa mga tao kaya't nakapasok ako, sakto din naman na dumating na ang teacher namin.
"Good morning class."
"Good morning, sir."
"Oh! Nandito na pala ang bago niyong mga classmate. I thought, next week pa sila papasok. Come in front, introduce yourselves." patukoy niya saPink ladies.
Nagtungo ang dalawa sa harapan, naunang magpakilala 'yung galing sa helicopter na model daw ng men's magazine.
"Hi, I am Faye Lopez, ahm, I think most of you know me specially the boys, yes, ako nga 'yun." ngiting saad nito.
"Sabi ko sa'yo pare, siya un. Damn! Ang swerte natin." narinig ko sa aking likuran.
"Hello, Ako naman si Denise Montero, yes, ako 'yung carshow model. Kilala na siguro ako ng mga mahilig magpunta sa mga carshows." nang aakit na ngumiti ito.
"Miss, hulaan ko favortie color niyo." sabi ng isa naming classmate.
Nagtawanan ang lahat at pati sila ay napangiti.
"Ahh,so sikat pala talaga sila." nasa isip ko.
"Okay, we heard it from them, so let's proceed to our lesson." sabi ng aming guro.
Pagkatapos ng klase nami'y hinarang ako ni Denise sa labas.
"Hi, bago ka rin ba dito?" tanong niya sa akin.
"Ahm, oo, bago lang din ako dito."
"Oh, that's nice. Ako nga pala si Denise, can we be friends?"
"Yeah, sure. Ako nga pala si Bella." tugon ko sa kanya.
Sakto namang dumating ang aking girlfriend's kaya ipinakilala ko na rin siya dito.
"Girls, this is Denise, she's also new here at our school."
"By the way, Denise, I want you to meet Angel, Ellen, Grace, Jessica, and Princess. Sila ang girlfriends ko.
"Hello, Denise." bati nila.
"Maiba ako, narinig ko ang nangyari sa'yo, Bella. That was so rude and unfair." wika ni Angel.
"Ano un, Angel?" tanong ni Ellen.
"Ahm, sa amin na lang ni Bella 'yun. Confidential kasi." pilit na ngumiti si Angel.
"OMG! Buntis ka, Bella?" sabat ni Grace "Sira, hindi siya buntis." mabilis na sagot ni Angel.
"Tara na, maya na ulit tayo magkuwentuhan. PE na ang next class. Mapapagalitan na naman tayo ni Mrs. Santos." sabi ni Jessica
"Denise, anong next subject mo?" tanong ko sa kanya.
"PE din under Mrs. Santos." sagot niya sa akin.
"Good, magkaklase pa rin pala tayo. Tara! Masungit un tsaka inaabsent niya ung late."
Habang naglalakad kami ay nagkukuwentuhan kami.
"Magkaibigan din ba kayo ni Faye?" tanong ko sa kanya.
"Yes, she's my best friend and my best enemy."
"Whoa? Paano nangyari 'yun?"
"Actually, we're friends since we were kids. We hang out together most of the time, we share our secrets, we are like sisters in short."
"Bakit kayo best enemies?"
"Hindi ba obvious? We both want pink, ayaw naming magpalamang sa isa. Almost all of the things we have was pink."
"So ang laban niyo pala is to know who's the better pink?"
"I think so." sabay tawa niya. "I'll just go to the locker to get my PE uniform. See you later."
"Okay." tugon ko sa kanya.
DENISE POV
"Bella was kind, humble and very pleasing. Kaya pala siya nagustuhan ni Jarvis." ito agad ang naisip ko ng maghiwalay kami. "Pero sorry na lang."
"Nasaan na kaya si Faye?" kasasabi ko pa lamang nito'y pumasok agad ng locker room si Faye.
"Oh Denise, how was Bella?"
"She was good and nice. The plan was on the right track."
"Oh good. Classmate din ba natin siya sa PE?" tanong nito Faye.
"Yup. Move faster, masungit daw 'yung PE teacher, bago pa lang tayo kaya we should impress them."
"Oh yeah! Let's go." yaya niya sa akin.
FAYE POV
Pagpunta namin sa field ay pinagtitinginan na kami ng mga lalaki, as usual. Nasanay na kami sa ganoon.
Sanay na kami lalo na kapag may ramp, shows, shoots at kung anu-ano pa.
We have a lot of fans, and we have some stalkers. Good thing, wala pang nagtatangkang kidnapin kami.
Obviously, ang favorite namin na color ay pink. We always had a competition kung sino ang may pinakamaraming pink items, at this moment, lamang siya ng dahil kakatapos niya lang magshopping sa Hong Kong.
We just arrived at the field, soccer kasi ang PE namin. Ipinakilala ako ni Denise kay Bella and her friends. I just smiled.
"Okay, class, we'll have an exercise this afternoon, I've prepared your teams. I will post it on the board later. So the team that would win will be exempted from the midterms as a reward. Is that clear?"
"Yes, Ma'am." sagot naming lahat.
Naglapitan lahat ng estudyante sa board upang tignan kung sino ang kanilang mga kagroup. Magkakampi kami ni Denise, at kalaban namin ang team ni Bella.
"I will give her a good game." tumakbo agad sa isipan ko.
-------------To Be Continued------------