Chapter 5: School Bullying

107 1 0
                                    

BELLA'S POV

Naboboringan ako sa klase, actually hindi ako nakikinig sa professor namin sa harap.

"Dismissed!!!", sambit ng Professor namin.

Napaunat ako bigla sa sinaad ng prof namin.

Agad ko niligpit ang gamit ko at tinungo ang pinto, pero hindi pa ako nakakalapit sa pinto. May humahawak na sa braso ko, pag lingon ko nakita ko si Jarvis.

Ang lahat ng classmate ko ay napahinto sa ginagawa at nagbulong-bulungan sa nangyari.

"Ano tinitingin-tingin niyo diyan?! Lumabas kayo lahat sa classroom na ito ngayon din!!!", bulyaw ni Jarvis sa lahat ng classmates namin.

Namutla ang mga ito at dali-dali lumabas ng classroom.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Dapat pala hinayaan ko na lamang ito sa ginawa nito sa akin. Haii.. lalong hindi talaga magiging normal ang buhay kong ito.

Ang natira na lamang ang Black Dragon Gang at ako.

Tinignan ito ni Jarvis ang mga ito, nakuha naman nila ang ibig sabihin nito kaya ayun lumabas ang mga ito.

"Don't worry Bella hindi nangangagat si Jarvis", bulong ni Jace na dumaan siya sa gilid ko.

Tinignan ito ni Jarvis ng masama at ang mokong Jace naman ay ngingiting nag PEACE SIGN lang ito.

Kaming dalawa na lamang natira sa loob ng classroom.

I gulped a three times bago nagsalita. "Ano kailangan mo?!", kunot noong sabi ko sa kanya..

"Ikaw bitch, fucking shit... Ang lakas ng loob mo kalabanin ako", naiiritang sambit nito sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata sa tinuran nito "Huh?"

"Sa ginawa mo... hindi ka ba natatakot na mapatalsik ka sa school na ito?!", seryosong tanong nito sa akin.

Tinignan ko ito at tinanggal ang kamay ni Jarvis sa braso ko. "Bakit ako matatakot?! Ang pag kakaalam ko wala akong ginagawang masama Mr. Fortalejo.", at ngumiti ng nakakaloko dito. "O baka naman nate-threaten ka sa kagaya kong babae?! How funny Mr. Fortalejo.... hahaha...", tumawa ako ng malakas.

Sa ginawa kong pagtawa, hinablot ako ni Jarvis at napasandig ako sa pader. Ang dalawa kong kamay ay hawak niya. Napatigil ako sa pagtawa dahil ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin...

Ngayon ko lang natitigan siya, ang gwapo pala talaga niya sa malapitan.

Shit! bakit ganito ang nangyayari sa heart ko? Hindi kaya heart attack na ito?!

"Miss Uy, kayang kaya kita patalsikin sa school na ito, isang pitik ko lang wala ka na dito", bulong nito sa akin. Parang nanayo ang mga balahibo ko sa bulong nito.

Dahil iba na ang feeling ko sa lalaking ito ay... tinadyakan ko siya sa kanyang treasure.

"ARGH! hiyaw ni Jarvis. Namimilipit ito sa sakit at hindi makatayo.

"Ayaw ko sa lahat na hinahawakan ako Mr. Fortalejo, pasalamat ka yan lang ang natikman mo sa akin.", akmang tatalikod na ako, nilingon ko ito muli at nagsalita. "I bet Mr. Fortalejo, hinding hindi mo ko mapapaalis sa eskuwelahan na ito kahit ubusin mo ang yaman mo", taas noong sambit ko.

"Pagsisisihan mo ang pagpasok sa eskuwelhan na ito Bella. I'll make your life like a living hell.", namimilipit na sambit nito.

"I know Mr. Fortalejo, you have already proven to us.", tuluyan ng lumabas ng classroom.

"Phew! Thank God nakalabas din ako".

Nakita ko ang mga barkada ni Jarvis at nilapitan ako ng mga ito.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon