BELLA POV
Naglapitan lahat kami sa board upang alamin kung sinu-sino ang magiging magkakampi.
Magkakampi kami nina Angel, Princess at Ellen. Kalaban naman namin si Grace, Denise at Faye. Samantalang si Jessica ay hindi sumali dahil kagagaling lamang nito sa sakit.
Napatingin ako kay Faye na titig na titig sa akin. Ngumiti ito, pero may kakaiba sa ngiti nito na hindi ko mawari.
"Good luck mamaya!" sambit sa akin ni Denise.
"Sa'yo din." sagot ko sa kanya.
Agad na naghiwalay ang aming landas, tumungo kami ng aking mga girlfriend sa canteen.
2:00 pm pa ang game, 12:00 noon pa lang kaya't kakain muna kami ng lunch.
"Ayaw ko sa kanya." sabi ni Grace
"Sino?" tugon ko
"Si Denise."
"Bakit naman?"
Katabi ko siya kaya 'yun agad ang aming napagusapan.
"Hindi ko siya feel. Tingin ko nga, nagbabait-baitan lang siya para magkaroon ng mga kaibigan."
"Ako nga ayaw ko sa kanilang dalawa, lalo na dun kay Faye. Sobrang arte at maldita niya." sabat niEllen.
"Pareho tayo, Ellen." pagsegunda ni Angel na inapiran sii Ellen.
"Don't judge them. Time will come and we'll know if your instincts were right." pagpapakalma ni Princess.
"Let's eat first girls' para magkaroon tayo ng energy. Ayaw kong matalo mamaya. Lalo na't 'yung dalawa ung kalaban ko." sabi ni Ellen.
"Ayaw ko din matalo mamaya.Kaya lang magkalaban tayo e. Kaya humanda na kayong matalo." Tumatawang sambit ni Grace
"Hmp! Kayo ang matatalo!" mabilis na sagot ni Angel
"Enough, wag kayong mag-away sa harap ng pagkain."
Tumahimik sila at kumain na lang ng kanya-kanya. Pareho talaga itong si Princess sa kuya niyang si Jarvis.
Boss ang dating at isang salita lamang ay nakikinig agad sila dito.
"Bella, are you okay? Anything bothering you? Tahimik ka kasi." tanong niya sa akin.
"Ahm, wala naman Princess. I'm okay. Iniisip ko lang ang game mamaya." natawa kong sagot sa kanya.
Ang iniisip ko talaga ay ang sugat ko sa kaliwang braso.
"Don't take it seriously, it's just a game." mahinahon na sabi niya.
DENISE POV
Naglakad kami ni Faye palabas ng campus upang kumain sa malapit na restaurant.
Habang naglalakad kami. "What would be our plan?" tanong ko kay Faye
"Let's just do everything to win." sagot niya
"What do you mean?"
"You know what I mean, don't act like an innocent."
"Seriously?"
Tumango lamang si Faye sa akin at ngumisi sa akin.
"Bad girl" naisip ko.
Mukhang mapapasabak kami mamaya kaya kailangan kong kumain ng madami, ngunit hindi ko pa rin dapat pabayaan ang diet ko. Masamang makita ng mga fans ko na tumataba ako.