ECHIZEN MANSION
BELLA'S POV
Masayang binati ko ang secretary ng lolo ko. Nang nagdaang araw ay tumawag na ako dito para ipaalam sa kanya ang desisyon ko.
"I'm glad you're here Ms. Bella", masayang wika nito habang nakikipagkamay ito sa akin.
"I'm glad too," tugon ko.
"This way Ms. Bella", nauna itong pumasok sa loob ng mansion, napapa wow ako sa laki at ganda ng loob ng bahay. Huminto ito sa malaking pinto at binuksan.
Tumambad sa akin ang eleganteng kwarto na may mamahaling gamit.
"Please sit-down Young Mistress", sabi nito sa akin.
Napangiti ako at umupo sa malambot na sofa.
"Eto ang magiging kwarto mo 'pag nandito ka sa Mansion."
Nanlaki ang aking mga mata sa tinuran nito.
"Miss Bella, maari ko na bang basahin ang last will and testament ng iyong lolo?"
Tumango ako ng marahan bilang tugon ko dito.
Dated September 30, 2010
WILL OF MR. RYOGA ECHIZEN
I, Ryoga Echizen, do hereby declare this to be my last and will testament.
I APPOINT Mr. Henry Jackson, of legal age, 27, living in Manila, Philippines, to be the sole executor and trustee of my will.
To my Granddaughter, Bella Echizen Smith, I give the sum of eight hundred billion dollars to be held in trust until her eighteen birthday, and all of my real estate property, my cars, my 150 BE Malls, and most important to me, the RED DRAGON UNIVERSITY.
"BE Mall? Ang pinakasikat na mall sa buong mundo? Ang lolo ko ang may-ari?" naguguluhang tanong ko sa aking sarili.
RED DRAGON UNIVERSITY, with state of art facilities and world-class teachers to match. An elite school, a place where only the rich & top students in the Philippines will gather.
On Behalf of me, I entrust my granddaughter to be the Headmistress of RDU.
Biglang tumigil si Mr. Jackson sa pagbabasa at tumingin ito sa akin.
"Young Mistress, magiging Head Mistress ka ng palihim."
"Palihim? But why?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"You will know kapag nakapunta ka na ng Red Dragon University."
"I see." tumatangong wika ko sa kanya.
Nagpatuloy na ito sa pagbabasa.
I know that she would not accept any from me but I hope this my last will and testament will remind her of the never-ending love I felt for her.
Signed by:
Ryoga Echizen
Malungkot akong napangiti nang matapos magbasa nito.
"Any questions, Young Mistress?"
"Kailan ako papasok sa RDU?" tanong ko sa kanya bigla
"Pwede na bukas kung gugustuhin mo. Naayos ko na ang papers mo."
Tumango ako at tumingin ako ng direkta sa mga mata nito. "I have a favor."
"Yes, Young Mistress?"
"Pakipalitan ang Student's Info ko. I don't want na malaman nila na isa akong Echizen."