Chapter 34.1: Date for a CAUSE

79 0 0
                                    

JESS POV

Bumuntong hininga ako at nagsalita.

"Ganito kasi iyon... Ang Head Mistress ng RDU, gusto niyang makalikom ng pera para sa Charity para makakatulong sa mga batang may Cancer."

"Magdodonate ako, How Much?" tanong naman ni Princess.

Nagtanguhan ang lahat maliban kay Bella na nakikinig.

"Yun nga mga sis.. Ayaw ng Head Mistress ng Donation gusto niya pinaghihirapan ng Student Council."

"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Angel.

"Like.. Selling goods... Concerts.. etc."

"So, ano'ng kinalaman namin dito?" tanong naman ni Grace.

"Okay lang ba na pumayag kayo?"

"Saan naman?"

"One of my members told me, tutal naman daw malapit na ang Valentine's Day... Naisip niya ang DATE FOR A CAUSE."

"Huwag mong sabihing?"

"Tama ka Angel, Pwede ba kayo maging auction sa darating na Date for a Cause?"

Lahat sila ay gulat na gulat sa tanong ko.

"Grabe naman ang reaction niyo. Okay lang naman na hindi kayo pumayag may isa pa namang choice. Pwede naman ako mag hire ng mga sikat na artist kaya lang magastos naman."

"No, I agree." biglang sambit ni Angel.

"So? Are you IN?"

"Yeah!" nakangiting sang-ayon nito. "For kids naman kasi... Alam niyo naman na hindi ako nakakatanggi sa mga ganitong magandang proyekto."

"Great! Wala ng bawian girl, ah?" masayang wika ko sa kanya. "So, sino pa pwede?"

"Okay, I'm in na rin." wika naman ni Ellen.

"Wala na?"

"Ano ka ba girl. kung kasali ako.. walang magbibid sa akin no." natatawang wika ni Bella.

Natawa kami sa sinabi ni Bella.

"Tska mahirap na kung si Bella ang i-auction baka magkagulo." seryosong wika naman ni Princess.

"Ah? Bakit naman?" kunot noong tanong ni Bella.

"Syempre si Kuya Jarvis... alam mo naman yun." maarteng sambit ni Grace.

Nagsang-ayunan ang lahat sa sinabi ni Grace.

"Bella, may isang request ako sa iyo."

"Shoot!"

"Alam ko na mahirap itong request ko pero sana pumayag ka."

Napakunot noo bigla si Bella sa sinabi ko.


BELLA POV

Napanganga ako sa sinabi ni Jess sa akin.

Naman... Paano na gagawin ko?

Baka hindi siya pumayag.

Nagtungo ako sa Headquarters ng BDG, alam ko naman na kanina pa ako hinihintay ni Jarvis.

Nagtext nga ang mokong na mag-date kaming dalawa.

Kinikilig naman ako.

Ganito pala yung feeling na in-love.

Naalala ko tuloy sina Kuya Rei at Taki.

Sigurado ako magiging masaya sila kapag nalaman nilang may boyfriend na ako.

Pagpasok ko sa Headquarters nila, napansin kong busy yata sila sa mga ginagawa nila.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon