HOSPITAL, JAPAN
REI'S POV
"Joke ba yun?"
Biglang tumawa ng malakas si Taki "Pare, priceless yung expression mo..."
"Naaalala mo ako?"
"Gago ka talaga, natural... I'm lucky bastard! " natatawang sambit nito sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Siguro masmabuting hindi ko muna mabanggit si Bella sa kanya.
"So. Kelan ako makakalabas dito?" balewalang sambit nito sa kanya.
Napatingin ako sa doctor.
"It depends on how fast your body recovers, maybe a week or two." sambit ng doctor at lumabas na ng room.
Tinignan niya si Taki na nakatingin sa labas ng bintana, mukhang malalim ang iniisip nito.
"Baby B, sana andito ka na lang..." piping sambit niya sa sarili.
RED DRAGON UNIVERSITY
BELLA'S POV
Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki na magkamukhang-magkamukha. para silang carbon copy ng isa't isa. Di ko nga lang mawari, kung sino sa kanila si NERD na nakausap niya kahapon.
"Natulala ka na diyan dahil sa kaguwapuhan namin?" sarkastikong sambit na nangangalang Xander.
"Ah?"
"Alam mo---"
"Oo, matagal na naming alam na gwapo kami... nakakasawa na nga pakinggan"
Napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito."Wow. Napaka yabang ng lalaking ito."
"Siguro nung nagsaboy ang Diyos ng Kayabangan eh, gising na gising ka nun...mukha nasalo mo yata lahat.." nakataas na kilay na sambit niya dito.
Napangiti lamang ang isang kambal sa amin. Tumawa naman ng malakas si Xander.
"You're funny..." natatawang sambit ni Xander.
Napasimangot siya sa sinabi nito. "Ewan ko sa inyo, makaalis na nga.." sabay talikod sa mga ito.
"Hey Nerd, Im Xander at ito ang isa kong kambal si Alex."
"Whatever!"
XANDER'S POV
Tinignan niya si Bella na papalayo. Napapangiti siya sa girlfriend ni Emp. Pero hindi niya mawari, para siyang nasasaktan isipin na ito ang girlfriend ni Emp."Sayang"
"Alam ko ang nasa isip mo Xander... hindi pwede...."
"Alam ko... "
"Xander, Ano ang plano?" seryosong sambit ni Alex.
"Hindi magbabago, ganun pa rin..." seryosong sambit niya kay Xander.
Napapailing na lamang ang kambal niya sa sinabi niya. "Hindi ka ba nagsisisi na gagawin mo ito?"
"Huli na para magsisi, andito na tayo..." mapait na sambit niya kay Alex.
Tinapik siya ng kambal at iniwan siya nito.
ALEX POV
Iniwan niya si Xander para makapag isip ito. Alam ko nahihirapan ito sa gagawing mission.
Ako si Alex at ang kakambal ko ay si Xander. Anak kami ng Vice President ng bansa na si Kenji Echizen. Grandfather ko ang may ari na school na ito na si Ryoga Echizen, kapatid nito ng lolo niya na si Jiro Echizen na ama ni Kenji Echizen, na ama namin...