Chapter 34.2: Name your PRICE.

73 0 0
                                    


BELLA POV

"Let's start the bidding with Mr. Jace Navarro. The Ultimate Playboy. " rinig ko sa aking mommy.

"Whooooo."

"Kyaaaaaaaaaaaaaah!"

"Starting bid would be 20 thousand. Anyone?" dugtong niya pa.

Tumutok ang spotlight sa number 209 habang tinataas nito ang kanyang number.

"Anyone higher?" tanong ni mommy.

Nagtaas ng number ang may number 15, napansin kong iyon pala si Princess.

Inabutan ito ng mic ng usher na malapit sa table nila, "40 thousand." sabay upo nito.

Tumayo ang number 608, nagraise sa 100 thousand.

150 thousand naman para kay number 247.

Nagraise naman sa 250 thousand si number 499.

Hanggang sa may tumayong isa, number 173.

Nagulat ako na makilala ito kung sino.

Si Cleopatra este Alyana.

"1 million." maangas na banggit nito.

"3 million." agaw ni Princess sa mic nung usher.

"5 million." inis na sambit ni Alyana.

"8 million." at ngumiti ng matamis kay Alyana.

Nagulat ang lahat. Tila natigilan sila sa bid ng dalawang ito.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.

"8 million for a date with Jace by number 15, Ms. Princess Fortalejo. Anyone bidding higher?" tanong ni mommy.

"10 milllion." sagot naman ulit ni Alyana.

Napanganga ang lahat ng tao sa convention hall.

"15 million." agad na bawi ni Princess.

Nagkaroon ulit ng katahimikan.

15 million? whoa... ang laking pera nun ah.

"Number 173, want to bet higher than 15 million?" tanong ni mommy.

Napansin na lamang ng lahat na palabas na si Alyana at may kausap sa telepono, nagmamadali ito.

"Going once." sambit ni mommy.

Huminto panandalian.

"Going twice."

"Going thrice."

"Ms. Princess Fortalejo wins with 15 million. You can now get your date. Enjoy!"

Umakyat na ito papuntang stage.

Hindi ko mawari pero parang pilit ang ngiti ang nasa mukha ni Jace.

Hindi na hinintay ni Princess ibigay ni Jace ang rose, hinablot niya ito at ngumiti ng nakakaloko.

"Wooh!" sigawan ng mga tao.

Napailing na lamang ako sa nangyari.

Tumalikod ako at lumabas ng convention hall.

Napabuntong hininga ako.

Buti na lang sinuot ni Jarvis ang napili kong damit para sa kanya.

Naglakad ako at tinungo ang garden.

Napatigil ako sa paglalakad na makarinig ako ng sigaw.

"Kyaaah!"

"Hey. Let go of me... Murderer!" galit na sigaw ng babae.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon