Chapter 47: My Sweet Revenge

74 0 0
                                    

RESS'S POV

Nang mawala sa paningin namin si Bella ay seryosong tumingin ako sa mga underlyings ni Jarvis na hindi pa umaalis.

Masamang nakatingin sa amin sina Vix at Zach.

Samantala ang kambal ay hindi mabasa ang expression ng mga ito. Nakalimutan ko pinsan pala ito ni Bella, ano na ba ang gagawin nila? Kanino sila papanig?

Ang miyembro naman ng Black Dragon Gang ay para bang naghahamon ng away sa amin kung makatingin.

"End na ang show, pwede na siguro kayong umalis black dragon gang." Malamig na saad ni Kuya Rei.

"Kahit hindi mo sabihin Rei. Aalis na talaga kami." Malamig na saad ni Fuji.

"Bilisan niyo lang. dahil sukang-suka na ako sa pagmumukha mo." Nang iinis na saad ni Kuya Rei.

"Tama na yan Fuji. Huwag kang bumaba sa level nila. Hindi sila worth it." Mahinahong saad ni Trace rito.

"Magkikita pa tayo Shinigami Gang." Sabay tingin isa-isa sa amin, tumigil ang mga mata ni Trace kay Ryuuji. "Uranus."

Napataas ang aking kilay sa sinaad nito.

Nagkibit balikat lamang si Ryuuji.

Napatingin ako kay Natsume na nanghihinang tumayo.

Lumapit ako sa kinaroroonan nito at inalalayan ito.

"Kumusta sungit?"

"Huwag kang maingay." Pagsusungit na saad nito.

"Ikaw na nga tinutulungan, ikaw pa ang may ganang magalit." Simangot na saad ko.

Tinignan siya nito ng masama at nginitian ko lang ito ng matamis.

Habang tinutulungan ko ito tumayo at nakarinig na lamang kaming lahat ng sigaw ng isang lalaki.

Lahat kami ay napalingon sa direksiyon nito.

Nanlaki ang aking mga mata na makita si Ani na sumisigaw at sapo ang ulo nito.

"Ani!"

Nakita kong dali-daling lumapit si Kuya Rei kay Ani.

"What happened Taki?"

"My head."

"What?"

"My head is so fucking hurt. Damn! Who is she?"

"What?"

"Sino ang babaeng iyon? Bakit siya umiiyak?" naguguluhang tanong nito sa kanyang sarili.

Maya-maya tumigil ito sa pagtatanong at mukhang inaalala nito ang babaeng umiiyak.

"Yung girlfriend ni Jarvis bakit siya umiiyak? Bakit may alaala ako sa kanya? Damn!!!"

Nagkatinginan kaming lahat sa mga pinagsasabi nito.

Naguguluhan na napapakunot noo si Kuya Rei. "Taki, huwag mong sabihin na may amnesia ka?"

Amnesia? Si Ani may amnesia?

Galit na nilingon siya nito. "Ano pinagsasabi mo? Ah!" daing nito.

Agad kaming lumapit sa direksiyon ng mga ito.

"Are you okay Kier?" Tanong ng isang kanang kamay ni Taki. Sa palagay ko Reus ang name nito.

Hindi na sumagot si Ani dahil bigla itong nahimatay.

"Ani!"

"Shit! Tulungan mo ako Reus na buhatin natin si Taki." Utos ni Kuya Rei.

"Kuya saan kayo pupunta?"

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon