Chapter 35: LEIFR of Black Lion Gang / My Special Day

80 1 0
                                    

BELLA'S POV

"Black Butterfly"

Napapikit na lamang ako at hindi ako makagalaw ng banggitin niya iyon.

"Run away?" seryosong saad nito.

Tumigas ang expression ng mukha ko nang sabihin niya iyon.

Hinablot ko bigla ang baril niya na nakatalikod, tinanggal ang bala at hinagis sa ere.

Sabay harap ko sa kanya at balewalang sinalo niya ito.

Sandali akong nagulat nang makilala kung sino ang tumutok ng baril sa akin.

"I won't run. I'll never turn my back on an enemy and run away, Leifr." may diin kong sambit sa pangalan niya.

Tumawa ito ng malakas. "Hindi ka pa rin nagbabago Black Butterfly"

"Ganun ka din. Ano'ng kailangan mo? Hahamunin mo na naman ako?" sabay tingin sa kanan tenga nito na suot ang silver lion earrings.

Ngumiti ito ng makahulugan.

"Naalala mo ba yung sinabi ko sa iyo nung maglaban tayo sa Japan?"

Napangiti ako sa sinabi nito...muling naglakbay ang isip ko sa nakaraan.

FLASHBACK

JAPAN

Katatapos lamang ng laban ko sa mga gangster na walang ginawa kundi hamunin ako ng hamunin.

Lately, napapagod na rin pala akong makipaglaban, hindi natatapos ang isang araw na wala akong kinakalaban.

Napailing na lamang ako sa aking iniisip.

Paglingon ko nakita ko ang dalawang lalaki na nakatingin sa direksiyon ko.

Siya na naman? At nagsama pa siya.

Hinamon ako ng isang lalaki na may baril.

Dahil sa hindi ako tumatanggi sa laban. Pumayag na lamang ako.

"Sorry, Panther" at bigla niyang pinatulog ito.

Nagulat ako sa ginawa nito. Wow. Nahiya siguro panoorin ang laban nito.

"Shy?" tanong ko sa kanya.

Kunot noong napatingin ito sa akin.

"No, I don't want to watch my fight."

"Ah... Can we start, I'm hungry now." balewala kong sambit sa kanya at mahigpit na hinawakan ang katana.

Kinasa nito ang baril at tinutok sa akin pero nagulat ako na may kunin ito sa likod nito, isa pang baril at kinasa nito muli.

Napataas ang kilay ko sa ginawa nito.

"Not a bad idea", isip-isip ko.

Nagsimula na ito magpaulan ng putok ng baril

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko.

Gagamitin ko na lamang ang pakiramdam ko sa pakikipaglaban.

Parating na ang mga bala sa akin.

Pinangsasalag ko na lamang ang katanang hawak ko.

Habang tumatagal parami ng parami ang balang pinapaputok nito.

Napangiti ako na madaplisan ang braso ko sa ginawa nito.

Iminulat ko ang mga mata ko at tuwid na tumingin sa kanya.

Nakangisi ito.

"You know what? A Gun is Good. Unlike A sword or a knife, it doesn't leave the feeling of a person dying in your hands." wika nito.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon