JAPAN, HOSPITAL
REI POV
Last day ni Taki ngayon sa hospital.
Hindi ko pa rin mabanggit sa kanya about kay Bella. Napatingin ako kay Taki na mukha may malalim na iniisip. Iniisip niya ba si Baby B?
Napabuntong hininga na lamang siya.
"Uy pare, tara na.. nag eemote ka na naman diyan." sabi niya dito.
Napalingon ito sa kanya. "Sira ka talaga.." napapailing na wika nito sa kanya.
"Jeez...Alam mo naman na ayaw ko na mag stay dito sa hospital, allergy kaya ako dito." naiiritang sambit ko sa kanya.
Natawa ito ng malakas.
Napailing na lamang siya sa pagtawa nito. "Let's go!"
Nagtungo na ako sa pinto. sumunod naman si Taki. Napahinto ako bigla at nanlalaki ang kanyang mga mata sa nakita.
TAKI POV
Last day ko dito sa hospital, hindi ko mawari pero.. parang may kulang sa sarili ko.
Napabuntong hininga na lamang ako. Lagi pala may kulang... Nagtaka pa ako, simula pa noong bata ako.
Sumunod na ako kay Rei na papunta sa pintuan. Dahil ang lalim ng iniisip ko, nabunggo ko ang likod ni Rei.
"Baklit ka huminto?" inis na tanong niya dito.
Napatingin siya dito na nanlalaki ang mga mata nito. Tinignan niya ang direksiyon na tinitignan nito.
Naging seryoso ang kanyang mukha na makita ang di inaasahang bisita.
"Oji-Sama"
"Huwag mo ako tawagin sa ganyan Secretary Han, hindi na ako prince, isa na lamang akong ordinaryong tao. Bakit ka andito? Pinadala ka ba niya?" malamig na tanong niya dito.
Tumango lamang ito.
"Sabihin mo sa kanya, kahit ano mangyari, hinding hindi ako babalik. Hindi ko kailangan ng pera niya." matigas na sambit niya dito.
"But---"
"Secretary Han, Stop it!" sigaw ng isang lalaki.
Nilingon niya ang lalaking sumigaw. Pero, nagulat siya ang sumalubong sa kanya ay isang suntok.
Napaupo siya bigla at sapo ang kanang pisngi niya. Napangiti siya sa ginawa nito.
"Damn you Ani! We're here dahil sa pag aalala sa iyo, lalo na si Mama. Hindi mo ba alam kung ano nangyari sa kanya? Inatake lamang siya kuya dahil nalaman niya ang aksidenteng kinasangkutan mo." galit na bulyaw ni Akira.
Oo, kapatid ko siya si Akira Saisuke. Ang bunsong kapatid ko, 16 years old. Hindi ko akalain na magiging matapang ang masunuring kapatid ko sa muli nilang pagkikita.
Nang marinig ko ang nangyari sa Mama ko. Kinabahan ako.. Mahal na mahal ko si Mama.
"Pero sana Ani... Kahit labag sa iyong kalooban, bumalik kana sa atin... alang alang lamang kay Mama." naiiyak na pakiusap nito sa kanya.
Inalalayan ako ni Rei upang tumayo. Nilapitan niya ito at ginulo ang buhok nito. "Akala ko naman naging matapang kana. Iyakin ka pa rin pala."
"Ani naman eh.."
Natawaako sa expression ng kanyang mukha.
"Don't worry everything will be fine. Trust me. Umuwi na kayo. Magkita na lamang tayo sa bahay."
Napaangat ito ng tingin sa kanya. Napangiti ito sa sinabi niya at tumango.
"Let's go Secretary Han." yaya ni Akira dito. "Bye Ani, hihintayin ka namin ni Mama, sigurado ako matutuwa siya." at tuluyan ng umalis.