Chapter 38.2: Fear the Emperor's Wrath Part 2

66 0 0
                                    

RESS'S POV

Prenteng nakaupo ako sa isang coffee shop habang sumisip-sip ng Americano.

This is life.

Nabasa na kaya niya ang regalong na pinadala ko?

Napatingin ako sa cellphone ko na tumunog ito.

Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Kuya Rei sa screen.

"Yes, Kuya?"

"Mukhang sanay na sanay ka na sa Pilipinas ah."

"Duh... kung hindi lang talaga sa favor mo, hindi ako pupunta dito." irap na sagot ko sa kanya.

Natawa ito sa sinabi ko. "Straight na ang dila mo sa pagtatagalog ah."

"Hmp! Whatever! Nga pala nagkita kami ni Bella."

"Really? Kumusta siya?"

"Kuya, Masha-shock ka kasi lalong gumanda si Bella at ayun may boyfriend na siya."

"So, it's true."

"She told me tinawagan ka at kinumusta daw kayo."

"Yeah."

Ano ba namang lalaki ito ang tipid sumagot.

"Jezz! Why are calling me? May ipapagawa ka na naman ba?"

Natawa ito ng malakas sa tanong ko. "How did you know?"

"Ikaw pa. User!" natatawang ssambit ko sa kanya.

Tumigil ito sa pagtawa at sumeryoso ang tinig nito. "I need a feedback sa pinadala mo."

"What?! It's complicated my dear. Mahirap pasukin ang sinasabi mo. Ayaw ko na, I'm tired!"

"Sige, kung ayaw mo..."

"Galing mo din mam-blackmail ah. Okay, I won't promise kung magagawa ko..but I'll try my best."

"Hihintayin ko Ress." pagtatapos ng usapan nito.

Inis na inis ako na nakatingin sa cellphone ko.

Argh! Actually, ayaw ko naman talaga pumunta dito sa Pilipinas, si Oyaji ang nagpilit pero si Kuya Rei ang nagsabi kaya no choice ako.

Paano niya ako napapayag?

Napapailing na lamang akong inalala ang nangyari that was 1 week ago.

FLASHBACK

1 WEEK AGO

Pinaharurot ko ang kotse kong Pink Porsche. It was the first time I drove that fast. Sa iisang pagkakataon lang ako nagmamaneho ng ganoong kabilis, at iyon ay kapag nagkakarera ako.

"Shit!" mahinang usal ko nang sumulyap ako sa aking relo. Talagang late na ako sa date namin ni Ryuuji. Paano hindi man lamang ako ginising ng maid ko. Argh!

Sa inis ko sa maid namin, pinalayas ko nga.

I'm sure inis na naman sa akin si Ryuuji, mainiping tao pa naman iyon.

Pagkarating ko sa isang Hotel, agad kong iniwan sa isang boy ang susi ng aking kotse at dali-daling pumasok.

Sinuklay ng mga daliri ko ang aking buhok. I'm sure nagulo ito. Kitang-kita ko si Ryuuji na inip na inip nang naghihintay sa isang sulok.

Lagot.

Smile Empress.

Naglakad na ako patungo sa direksyon nito.

Agad namang napasulyap ito sa akin. Ngumiti ako ng pilit dito.

Binilisan ko ang lakad at umupo sa harapan nito.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon