JACE POV
"Tatlong araw ng hindi nagpapakita si Jarvis ah. Hindi ko pa natatanong sa kanya kung ano'ng nangyari dun sa plano nila kay Black Butterfly" sabi ko kina Trace, Nathe, Rain at Fuji.
Ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam si Emp. Naisip ko nga, baka napatay na sila ni Black Butterfly kasi si Xander at Alyana ay hindi pa rin lumilitaw sa school.
Miyerkules na at noong Biyernes pa nila isinagawa ang plano.
"Nathe, tawagan mo nga si Bella. Itanong mo kung kumusta si Emp." utos ni Trace.
"Okay." mabilis naman nitong tugon. Agad siyang lumabas ng kwarto upang tawagan ito.
"Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" tanong ni Rain.
"Aba, malay ko sa isip mo. May laman ba yan?" pabirong sagot ko sa kanya.
"Sira. Baka may nangyari na sa kanila." sambit nito.
"May nangyari talaga. Kasi papatayin nila si Black Butterfly, di ba?" singit ni Fuji.
"I mean, baka napahamak sila."
"Si Emp, mapapahamak? Are you kidding me? Siya kaya ang pinakamalakas." singit ni Trace.
"Sira ulo! Ano'ng akala mo kay Emp, mahinang tulad mo?" sagot ko.
"Sige, sige. Wala na akong sinabi." pagtatapos ni Rain.
Saktong pumasok naman si Nathe.
"Guys, hindi pa rin pala nagkikita si Bella at Jarvis since Friday night."
"Baka nga tama ang naiisip ko." sabat ni Rain.
"Gago ka, Rain." sambit ni Trace.
"Pupunta nga raw dapat dito para itanong din si Emp sa atin." dugtong pa ni Nathe.
"Good thing. I have a plan." sabi ni Fuji.
BELLA POV
Hindi pa rin pala nagpapakita si Jarvis sa Black Dragon Gang.
Naglalakad na ako patungo sa headquarters nila noong tawagan ako ni Nathe.
Pagpasok ko ay agad nila akong binati.
"Hello, Mrs. Fortalejo!" pabirong sambit ni Jace.
"Bigyan niyo ng upuan si Empress." dagdag pa ni Rain.
"Mga adik ba kayo?" usal ko sa kanila.
"Bella, can we have a favor?" tanong ni Jace.
"Yeah, sure." tugon ko.
"Can you go to Jarvis' house?"
"What? Me?"
"Yup. Kasi mas gusto ka nun makita kaysa sa amin."
"Dati kasi, pinuntahan namin 'yun sa bahay tapos pinauwi agad kami." sabi ni Nathe.
"Hindi man lang nga bumaba sa kwarto niya para sabihin sa amin na umuwi na kami, pinasabi lang sa kasambahay nila." dugtong pa ni Trace.
"Pero 'wag mong sasabihin sa kanya na kinwento namin sa'yo 'yun, ha?" pangkukunsinte ni Jace
"Sige na, Bella."
"Pleeeeeeeaaaaaaaaaaassssssssssseeeeee." pangongonsensiya nilang lahat.
"Okay, sige. Kaya lang, hindi ko alam kung saan siya nakatira."
"We'll give you the sketch." desididong sabi ni Jace.
PAMELA POV