Chapter 7: The Game. Who Will Win?!

98 1 0
                                    


JARVIS' POV

Magaling siya... teka bakit ko pinupuri ang babaeng iyon? Naka tsamba lang siya at hindi niya pa nababayaran ang ginawa niya sa akin, sa pag sagot at pagsipa niya sa treasure ko.

Ako si Jarvis Fortalejo. Mula nang magkaisip ako, ipinaintindi na sa akin na hindi ako ordinaryong tao.

I would manage a business empire someday.

Sa katunayan, "Emp" ang tawag sa akin dito sa school for short ng emperor.

Nakita ko si Bella na papunta sa Head ng P.E.

"Good Afternoon Sir, magta-try out sana ako para ma exempt sa P.E." sabi nito.

"Huh? Siya magta-try out? Ang lakas ng loob nito." Bigla akong may naiisip na idea.

"Ikaw pala Miss Uy,Sigurado ka ba? Sa totoo lang ikaw pa lang ang unang babaeng nagkalakas ng loob na mag try out dito. Alam mo naman kung paano diba? Tatayo ka lang sa "Free Throw Lane" at magsho-shoot ka ng bola sa ring ng tatlong beses sa kabilang side. Understand?"

Tumango lamang ito."Eh Sir, paano kung gusto ko ma exempt din ang mga kaibigan ko na lima?! So, 18 shoots na bola ang gagawin ko?!" tanong nito.

"Ah... Sila rin ba gusto mo ma exempt? Medyo mabigat ang kahilingan mo Hija" sambit nito kapagkuwan nag isip.

Napangiti ako sa aking narinig.

"Pare ano nginingiti mo riyan?!" tanong ni Jace.

"Eh ano pa nga ba, pag ganyan ang ngiti ni Jarvis asahan na ninyo na may gagawin yang di kanais-nais at kawawa man kung sino yun." iiling na lamang si Fuji.

"Teka si Bella yun di ba?!" kunot noong tanong nito kay Rain.

Nagkatinginan ang mga ito. "Kaya pala"sabay-sabay na sambit nila.

Lumapit ako kay Mr. Mallari na Head ng P.E."Mr. Mallari, give her a chance", sabi ko dito.

Nagdududang tinignan ako ni Bella. "Marunong ka ba maglaro ng Basketball?!" tanong niya dito.

Tumango lamang ito.

"Mabuti naman......Ang kailangan mo gawin ay kalabanin kami ng Black Dragon Gang, Madali lang naman eh... Anim kaming lalaki na dedepensa at kelangan mo maka shoot ng tatlong beses sa loob ng 30 mins....no rules dito sa laro natin ang kailangan mo lang isipin ay maka shoot ka......at presto exempted kana sa P.E at pati ang lima mong kaibigan."

"But------Jarvis" komento ni Mr. Mallari. Tinignan ko ito ng masama kaya napatungo na lamang ito.

"Pero.... kapag nag fail ka, aalis kana sa eskuwelahan na ito Ms. Bella Uy at magiging slave kita", ngingising sambit ko dito.

Tinitigan siya nito at dahan-dahang ngumiti. "Deal Mr. Fortalejo, But...kapag ako ang nanalo, patatahimikin mo na ang buhay ko sa eskuwelahan na ito"

"Sure Nerd". Ngumiti ako ng nakakaloko.

Stupid girl.

Tumalikod na ito at nagtungo sa mga kaibigan nito.

"Pare kaibigan pala niya ang grupo ng kapatid mo at pinsan ko", sabi ni Trace sabay turo sa direksiyon na pinuntahan ni Bella.

"Emp, sigurado ka?", kunot noong tanong ni Fuji.

"Tutal kaibigan naman sila ni Princess, hindi mo ba pagbibigyan?" tanong ni Rain.

"I don't care", sambit ko sa kanila.

"Shit Emp, bakit dinamay mo pa kami? Mukhang talo na yun sa atin." sambit ni Nathe.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon