THIRD PERSON'S POV
Mabilis na pinatatakbo ni Jarvis ang sasakyan niya. Wala siyang pakielam sa mga sasakyan na bumubusina sa kanya. Ang tanging nasa isip niya lang ay galit siya. Naguguluhan siya sa pangyayari at parang anumang oras ay bibiyak na ang kanyang utak sa mga naiisip niya
Hindi man daretsong sinabi ni Rei sa kanya pero ang pagsulpot nito kanina ay isang declaration of war.
Ang hindi niya maintindihan kanina, ang mga makahulugang binitiwang salita ni Rei.
"Fuck!" mura niya. Sabay apak sa preno niya.
Muntik na siyang mabangga.
Naiinis na tinignan niya ang pulang sasakyan na dahilan na tumigil siya.
Galit siyang bumaba pati ang sakay nang kotseng pula.
Hindi na niya pinasalita ang lalaking sakay ng pulang kotse dahil sinuntok na niya ito ng malakas.
Mukhang gulat na gulat ang lalaki at hindi na nakaganti.
Sa sobrang galit na nararamdaman ni Jarvis ay wala itong tigil sa pambubugbog sa lalaki.
Walang magawa ang mga taong nakasaksi sa kaganapan
May ilan na nagpapanic na at tumawag ng pulis.
Parang walang kapaguran si Emp sa kanyang ginagawa.
Ang iba'y naaawa na lamang sa lalaking binubugbog niya. May nagtangkang awatin siya ngunit tinignan lamang sila ng masama na dahilan na hindi nila ipagpatuloy ang kanilang balak.
Mga ilang minuto ay dumating na ang pulis na tinawag nila at inaawat na nila si Jarvis.
Gulat na gulat ang mga pulis na makita ang mukha ng lalaki na binugbog ni Jarvis.
Naiisip nila na mukhang kinakailangan nito mag pa surgery dahil sira na ang mukha nito.
Walang imik na sumama si Jarvis sa kanila.
Hanggang makarating sa presinto ay wala itong imik.
Tinatanong siya ng pulis ngunit hindi ito kumikibo.
Ayaw naman nila pilitin si Jarvis na magsalita dahil alam naman nila ang mangyayari.
Kilala nila si Jarvis at takot silang mawalan ng trabaho.
TRACE'S POV
Nagulat ako na may tumawag na pulis sa akin pero mas nagulat ako na malaman na naroroon ngayon si Jarvis.
Mukhang galit na galit ito ngayon.
Nadatnan ko ito na tinatanong ng mga officer ngunit hindi ito sumasagot sa mga tanong nila.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Nang makita ako ng mga officer ay tumayo sila agad at sumaludo.
Tumango lamang ako at sinenyasan sila na iwan kami.
Agad naman sumunod ang mga ito.
Lumapit ako kay Jarvis. "Emp." Mahinang pagtawag ko sa kanya.
"You're late." Walang emosyon na saad nito.
Napalunok ako bigla dahil hindi ko mabasa ang naiiisip ni Emp ngayon at ang masaklap DEMON MODE siya ngayon.
"Give me your keys."
Hindi na ako umangal at inabot ko na sa kanya ang susi ng sasakyan ko.
"Yung car ko naiwan sa C5." Hindi na niya ko hinintay sumagot at lumabas na siya.