BELLA POV
Ang bilis nang pangyayari, una.. isa siyang binubully ngayon fake girlfriend na ako ng boss ng school. Alam ko naman na gusto ko magka boyfriend pero hindi naman sa ganitong paraan nakakaloka naman... haii.. kung hindi lang talaga ako nagbabagong buhay siguro... napatay ko na iyong Jarvis na iyon.
RRRRiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnngggggggggggggg....
.... Calling Unknown Number..............
"Sino kayA ito?"
"Hello?"
"Bella?"
"Speaking."
"Kon'nichiwa(Hello)...Bella..Dono yÅdesu ka? (How are you?)" masayang tanong nito..
"Taki?"
"BaKa(Idiot) Bella, Kinalimutan mo na ang bestfriend mo.."
Nagtawanan ang lahat nasa kabilang linya.
"Bestfriend musta na kayo diyan? Nakakainis kayo.. ngayon niyo lang ako tinawagan." naiinis na sambit ko dito.
"Okay lang kami dito... Eto namimiss na namin ang sigang Bella." sabi ni Taki sa kanya.
"Hey Taki pakausap naman sa Baby B ko.." sabi naman ng isa.
"Baby B?" kunot noong tanong ko.Hindi kaya?
"Taki... si Kuya Rei ba yan?" kunot noong tanong ko.
"Oo.. si Kuya Rei nga.. eto kausapin mo..." sabay abot kay Rei.
"Baby B... Madaya ka, hindi ka man lang nagpaalam nung umalis ka patungo kung saan ka man ngayon." panunumbat na sambit nito sa akin.
"Kuya Rei... Miss na miss na kita...Nakuu.. Di na kita inistorbo, alam ko naman na busy ka sa pambabae mo ahaha..." natatawang wika ko rito.
"Sira ka talaga..."
"Musta na kayo diyan?!"
"Eto namimis kana ni Taki---Aray ah Taki" natawa akko bigla...dahil narinig niya binatukan ito ni Taki.
"Totoo yun Baby B..." sambit nito.
Napangiti naman ako agad.
"Ako naman kakausap kay Bestfriend..." sabay hablot ni Taki ng cp nito.
"Bella, Kumusta kana? May nagkamali na ba diyan sa iyo manligaw? O baka naman may boyfriend kana diyan!"
"Ah...eh... actually bestfriend may boyfriend na ako----" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil nanlaki ang aking mga mata na makitang mag aalas kwatro na ng hapon... "Taki.. next time na tayo magusap ah... kasi may pupuntahan pa ako. Bye ingat!"
Dali-dali ako nagbihis...naku..male-late na ako. Nagsuot ako ng t-shirt at skinny jeans at chuck taylor na shoes.
Naalala ko tuloy si Kuya Rei... Actually dati siyang leader ng gang namin sa Japan, ipinasa niya sa akin ang pagiging Leader...pero hindi ako pumayag noon.. gusto ko kasi maging fair sa lahat kaya naman nagkaroon noon ng competition na kung sino man ang makatalo dito...siya ang magiging susunod na leader ng gang namin. Oh yeah, nakalimutan ko pala... gwapo at babaero pa ito... pero siya na ang tumayo kong Kuya nung nasa Japan pa ako, ang bait niya sa akin.
Siya lang ang tumatawag sa akin ng Baby B... Kaya nga ang mga babae sakin ay naiinggit pati tuloy ako natatawa na lang.
"Huwag na huwag kang male-late kundi you're dead!" nag eecho na wika ni Jarvis sa isip ko.
Shit..yari ako kay Jarvis... Kaasar naman..Kinuha ko ang props ko na bagong bili na malaking eyeglasses. Dali-dali na ako lumabas ng bahay at tumawag ng taxi.