Chapter 49.1: Two Years Ago, 2

55 0 0
                                    

SELENA'S POV

Masaya kaming nagtatawanan ni Jarvis na may tumawag sa kanya.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan na mabosesan ito.

Dahan-dahan akong lumingon upang malaman kung tama ang nasa isip ko.

Namutla ako na mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko.

Magkaibigan sila?

Nakatingin sa akin si Dash, wala kang mababasang expression sa mukha nito subalit ang mga mata nito ay puno ng katanungan.

"Selena, I would like to introduce to you my perverted best friend Dash Lorenzo." Ngingiting pagpapakilala ni Jarvis sa akin.

Ngumiti ako ng pilit sa sinabi nito. "Nice to k-know you D-Dash." Kinakabahan kong sambit at inilahad ang kanang kamay.

Matagal tinitigan ito ni Dash. Napalunok ako na makitang hindi inaabot ni Dash ang nakalahad kong kamay.

Napaangat ako ng tingin at nagmamakaawa na sana huwag akong ipahiya nito.

Inabot nito ang aking kamay na kinahinga ko ng maluwag.

Nagulat na lamang ako na hilahin ako palapit nito at hinalikan ang aking mga labi.

Mabilis at sandaling dampi lamang ito.

Nanlalaki ang aking mga mata sa ginawa nito.

"Dash!" pagbabanta ni Jarvis.

Sa ginawang pagtaas ng boses ni Jarvis ay agad naman ako binitawan nito.

"You're mad at me?" natawa ito ng malakas. "Dati-rati naman shinashare mo ang mga girlfriends mo sa akin. Bakit ngayon? Whoa...Don't tell me na seryoso ka, Jarvis?" hindi makapaniwalang wika niya.

Napakunot-noo ako sa mga pinagsasabi niya.

Tumikhim siya ng malakas at nagsalita."No games anymore Dash. You see.. Seryoso ako sa kanya." Sabay tingin niya sa aking mga mata. "I really like her." Sabay hawak niya sa aking kamay at pinisil pa nito na para bang sinasabi na okay ang lahat. Natulala ako sa ginawa niya.


DASH'S POV

Naikuyom ko aking kamao sa binitiwang salita ni Jarvis.

No games anymore?

Bullshit!

She's my girlfriend too.

And I'm the first one

Tinignan ko si Selena ng matiim. "I'm sorry Jarvis. I'm just testing you. I'm sorry Miss Selena, hindi ko mapigilan na halikan kita. Alam mo naman Jar na kapag nakakakita ako ng maganda ay hinahalikan ko agad." Bawat binibitiwang salita ko ay may diin.

Napakagat siya sa kanyang labi.

"Oh, by the way Jarvis, nagkita kami ni Kier sa Tokyo." Pagbabalita ko sa kanya.

"Kumusta siya?"

"He's still alive." Sabay tawa ko ng malakas.

Natawa din si Jarvis at masayang inakbayan si Selena na kinatigil ko sa pagtawa.

Tumikhim ako ng malakas

Nagtatanong ang mga mata na tumingin sila sa akin.

"Kadiri ka Jarvis. Nangingilabot ako sa ginagawa mo. Maiwan ko muna kayo." Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at tumalikod na lang ako agad.

"Hey, Dash! Where are you going?

"Maghahanap ng lalandiin."

"Eh? Sa ganitong katirik na araw? Paano na ang girlfriend mo?"

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon