BELLA'S POV
Masayang tinitigan ko ang class picture namin.
Ang first students ko.
Isa-isa ko silang tinitigan.
Tumigil ang mga mata ko kay Kevin.
Napangiti ako na maalala ko ang pag uusap namin ni Kevin.
FLASHBACK
"Miss Bella, hindi mo talaga alam na Ate ko si Vix?"
"Hindi nga, nagulat nga ako. Bakit mo natanong?"
"Kasi... Akala ko alam mo na. Nung mag usap kami nila Chris, they told us na nagpaimbestiga ka sa amin at lahat ng info doon ay lahat tama. So, I expected na alam mo na kung sino ako." sabay kamot nito sa ulo.
Napaisip ako at biglang tumawa.
"Actually, my dear, ikaw ang walang mahagilap na info. Kaya mysterious ka sa akin. Now I know na kung bakit. Don't worry I'll keep a as secret." at matamis na ngumiti.
Napangiti ito bigla. "Masuwerte ka at ikaw ang Girlfriend ni Emp."
"What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Alam mo ba nung malaman ko na ikaw ang Girlfriend ni Emp? Nainis ako sa iyo but... I realized alam ko na kung bakit ikaw nagustuhan niya." biglang ngiti nito.
"Hmmm...? 'Di kita ma-gets." naguguluhang tanong ko.
"Dahil ikaw ang Girlfriend ni Emp at hindi ang Ate Vix ko."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito.
"Pero Miss Bella past is past. Wala kang narinig sa sinabi ko ah. Tara na!" at tumalikod na ito.
Hinawakan ko bigla ang balikat nito. "Wait!"
Nagtatakang nilingon siya nito. "Why?"
"Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa past pero.. I'm sorry! Hindi ko alam." sincere na wika ko.
Natawa naman ito bigla. "Ano ka ba Miss Bella. Wala na iyon at masaya na si Ate Vix sa piling ni Kuya Zach."
Napangiti ako ng matamis sa sinaad nito.
END OF FLASHBACK
Napatingin ako sa cellphone ko na tumunog.
Dinampot ko ito.
1 message received
Napakunot-noo ako sa nakita,unregistered number?
Sino kaya ito?
Bigla ako napaisip ng malalim.
Binasa ko ang message.
Matagal ko tinititigan ang cellphone ko.
Hindi kaya?
Tinawagan ko bigla si Kuya Rei.
"Hello, Kuya Rei?"
"Aaah.. Yes baby." ungol ng babae sa kabilang linya.
What the fuck?
"Kuya Rei? Hello? Hello?"
"Baby B?"
"Sino pa nga ba tatawag sa iyo ng Kuya?"
"Hold on"
Ilang minuto ako naghintay bago ito bumalik sa linya.
"Bakit ka napatawag Baby B?"