FUJI'S POV
Kahit hindi pa tapos ang meeting namin nila Emp ay umalis na ako para puntahan si Jessica na naghihintay nang matagal sa movie theater.
Tapos ito lang ang mangyayari sa kanya?
Shit! Sana hindi na lang ako sumipot, edi sana hindi siya magkakaganito.
"Fuji."
Nilingon ko si Katrina na sobra nag-aalala.
"I'm sorry." Sabay tingin sa malayo.
"It's not your fault Katrina.
"Pero... Ano ibig sabihin ni Bella doon?" mahinang saad nito.
Napakunot noo ako sa binaggit na pangalan nito. Oo nga pala, si Bella.
Paano ni Bella kilala si Katrina? Bakit alam niya din na ang puntirya si Katrina at hindi si Jess?
"Tell me the truth, Katrina."
"Truth? What the hell are you talking about?" bulalas nito.
Naging seryoso ang mukha ko sa sinaad nito. "Bakit ka gustong patayin? Ano pinagagawa mo Katrina? Paano mo nakilala si Bella?"
Mukhang nasaktan naman ito sa tanong ko. "Ganyan na ba ang tingin mo sa akin, Fuji? Kilala ko si Bella dahil girlfriend siya ni Emp. Kalat iyon sa radio, tv, internet at newspaper. I don't know kung bakit may gustong magpapatay sa akin, wala akong taong inagrabyado." Naiiyak na saad nito.
Napabuntong hininga na lamang ako at niyakap ito.
Napapikit ako na makita ko si Nathe na tumatakbo sa direksiyon namin kasama si Angel at Grace.
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Katrina at napatayo.
Seryoso ang mukha ni Nathe at hingal na hingal na tumigil ito sa harap ko.
Samantala si Grace at Angel ay kinakabahan ang mababasa sa mga mukha nila.
"What happened?" sambit ni Nathe.
"Nabaril siya." Hindi ko alam pero iyon lang ang lumabas sa bibig ko.
Napakuyom ito ng mahigpit.
Pero hindi ko inaasahan na sinutok ako ng malakas ni Nathe.
Tumili naman sina Angel, Grace at Katrina.
Inawat bigla ito nina Angel at Grace.
Napahawak ako sa akin labing dumugo.
Susuntukin pa sana ako ni Nathe pero humarang na si Katrina na kinagulat nilang lahat.
"Stop please." naiiyak na sambit nito.
"Katrina?" gulat na sambit ni Nathe.
"Wala siyang kasalanan, kasalanan ko."
"No. This is my fault." sabay harang kay Katrina. "Naging pabaya ako."
"Dati pa sinasabihan na kita Fuji, kung ayaw mo sa kapatid ko, daretsuhin mo na. Huwag mo paasahin." Galit na galit na wika nito. "You're fucking useless."
"Kuya Nathe, stop it please. Walang kasalanan si Kuya Fuji, aksidente lamang ang nangyari." Mahigpit na yakap ni Grace.
Magsasalita sana ako nang lumabas ang Doctor mula sa OR.
"Doc., how is she?" tanong ko bigla.
"She's okay. Natanggal na namin ang bala. Pwede niyo na siya dalawin."
Nakahinga kami ng maluwag lahat sa sinabi ng doctor.
"Pwede na kayong umalis." Walang expression na saad ni Nathe.