BELLA'S POV
Hahakbang na sana ako palabas ng pintuan ngunit itinutok ni Xander (Alex) ang Uchigatana na hawak niya sa leeg ko.
Hindi ko alam kung paano nagkaroon si Xander (Alex) ng Uchigatana. "Shit" inis na bulong ko sa aking sarili.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? You can't leave unless you're dead."
"Baliw na ang unggoy na to. Kailangan ko na naman siyang patulan. No choice eh..."
Napabuntong hininga na lamang ako at tumalikod. "Pinsan pa naman kita."
Bumuwelo ako at saka siniko ng patalikod ang tiyan ni Xander, hinawakan ko ang braso niya, binuhat at inihagis papunta sa aking harapan. Dahil hawak ko ang kanyang braso, nabitawan niya ang uchigatana, iyon naman ay aking kinuha.
"Alex, ayos ka lang ba? Hayaan mong ako ang lumaban sa kanya." Sabi sa akin ni.. Alex?
"Whoa? Si Alex, tinawag na Alex ang kambal niya? Ano ba talaga? Sino ba si Alex at sino si Xander? Naguguluhan na ako."
"Alex? Diba, ikaw si Alex?" naguguluhang sambit niya dito.
"Oo, ako si Alex ayon sa pagpapakilala ko sa'yo, pero ang totoo, ako si Xander at siya naman si Alex." sabay turo sa nakaupong kakambal nito.
ALEX POV
Naguguluhan si Bella sa aming dalawa ng aking kambal. Ngayon niya lang kasi nalaman kung sino talaga ako at kung sino si Xander.
Papatayo na ako, ngunit pinigilan ako ni Xander sabay sabing "Ako na lang ang pipigil sa kanya, mukhang hindi mo kaya ang sarili mo.
"Hindi porket naoperahan ako'y mahina na ako. Hindi ito hadlang mapasa akin lamang siya." galit na saad ko dito.
"Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Hindi mo sya kayang pigilan." seryosong sambit nito.
Sinugod agad ni Xander si Bella. Mukhang papatayin niya ito dahil ang pinatatamaan nito ay ang puso ni Bella.
Nagulat ako sa ginawa ni Xander kay Bella.
XANDER POV
Nakaiwas si Bella sa aking pag-atake.
Nadaplisan ko lamang ang kanyang damit kaya nagkaroon ng punit. Ngunit nagulat na lamang ako dahil nagawa niya din pala akong atakihin, napunit ang kaliwang laylayan ng suot kong keikogi.
Nagulat na lamang ako dahil naramdaman ko ang kanyang paa sa aking tiyan.
Napaupo ako at tila napahiya sa kapatid kong si Alex. "Pinag-iinit nitong babaeng to ang ulo ko ah. Shit. Masama to, kailangan kong magtimpi."
"Oh ano, akala ko ba pipigilan mo ako?" napapalatak na sambit nito sa akin. At pagtungo ko ay nakatutok na ang uchigatana na hawak niya sa akin.
"Argh. Inuubos mo talaga ang pasensiya ko ah." nanlilisik ang kanyang mga mata.
Pinipigilan ako ng aking kakambal ngunit hindi ko na alam kung ano ang nangyari.
BELLA'S POV
Nagalit ko yata si Xander dahil itinutok ko sa kanya itong uchigatana.
Napansin ko kasi ang kanyang mukha na tila nag-iba.
Masyado yatang naging mapaglaro ang isip ko kaya parang naging pula ung mga mata niya.
Kinabig niya ang uchigatana, medyo malakas ang kanyang pagkakatabig kaya masakit sa kamay. Hindi na yata siya magpapaawat.